Chapter 36
Third's pov.
Naglalakad sila Janine at Marcus sa madilim na hallway ng Heart High School ng biglang napatigil si Valerie.
Hinawakan niya ang kamay ni Marcus para mapatigil ito.
"Wait. I heard someone's thought." Sabi niya at napataas naman ang kilay ni Marcus.
"Over where?" Tanong ni Marcus kay Valerie habang lumalapit dito. Napalapit si Valerie sa isang pintuan. "Hello? May tao ba dito?" Malambot na sabi ni Valerie habang nakalapit ang tenga sa pintuan.
"Y-yes help!-"
"Shhh...maririnig ka nila." Sabi ni Valerie sa natatakot na istyudante. "Can you open the door?"
Mabilis naman silang nakarinig ng yapak ng paa na papalapit sa pintuan at bumukas na nga ito. Pumasok na sila Marcus at Valerie sa classroom na yun.
Kita ang pinapawisan na isang babae sa sulok na mukhang takot na takot.
"Valerie, quick, hand her a handkerchief." Malamig na sabi ni Marcus na agad namang ginawa ni Valerie kahit naguguluhan.
"A Kolmor can smell human sweat or blood." Sabi niya. "Especially our blood." Dagdag niya.
Both of them wait and watch over the girl until she calms down but in no time they can already hear quick footsteps walking in the hallway.
"Where are you?" It sound like a murmur, a cursed creature, a Kolmor.
"Valerie, guide the student to go through the window." Sabi ni Marcus. Gulat namang napatingin si Valerie kay Marcus.
"H-huh?!"
"Gawin mo na lang." Seryoso na sabi ni Marcus at napatingin kay Valerie. "There is a metal pole outside the window, she will have to slide down to reach the bottom of this building."
Napatango na lang si Valerie at tinulak pataas yung bintana. Pinapunta niya yung babae.
"You have to go with her." Walang emosyong sabi ni Marcus kay Valerie kaya bigla siyang napatigil.
"Ano! Nahihibang kana ba?! Di ko yun gagawin! I will stay he-"
"Do it." Mahina na sabi ni Marcus. Napatingin ulit si Valerie sa babae na nakasampa na sa bintana ngayon, isinampa niya yung isa niyang paa malapit sa pole.
"I will stay, Marcu-"
Nadulas ang paa ng babae na nakasampa sa pole dahil sa gulat kaya nakahawak na lang ito sa nanghihinang Valerie. Tumulo yung dugo sa bibig ni Valerie at di parin binibitawan ang babae.
Nakatusok na kasi ngayon yung matalas na kamay ng Kolmor sa gilid ng dibdib niya, nakabukas narin pala ang pinto at nakaextend yung braso ng Kolmor habang nakasaksak sa dibdin ni Valerie yung kamay nito.
Lumaki ang mga mata ni Marcus sa gulat at mabilis ng hinati yung mahabang braso ng Kolmor.
"YOU FUCKER!"
Mabilis niya itong hinawakan at hihilahin ng biglang naging matulis ito kaya nabutasan ang kamay ni Marcus at dumugo.
Di niya ito pinansin at sinaksak yung Kolmor gamit yung fire energy niya habang nakalagay sa sandata niya.
Inisway niya ito pahiga sabay ng paglabas ng apoy dito, tumalsik ang dugo nito sa mukha ni Marcus. Inisway niya pa ito paatas at pagilid at tumalsik na nga yung Kolmor sa sobrang lakas ng energy na pinapalabas niya sa sandata niya.
BINABASA MO ANG
Synthesis of Prophecy: Purple Charm✔
Fantasy"The moon princess needs to change the Prophecy or else we all die." "Siya lang ang makakapagbago ng propesiya, Vyelle" .... A moon princess was chosen to change and remake the Prophecy, with her biggest kingdom's rival, the sun prince. Until sh...