207

30 13 0
                                    

Chapter 21

Nakapatong yung siko ko sa lamesa habang nagii-scroll sa cellphone ko. Nakabihis na ako sa purple na gown na may kinang-kinang pa. At nagawa din naman akong pilitin nila Thea na magsuot ng heels.

Yung heels parang siyang glass na ewan, meron pang mga diamond na nakadikit dito. Meron din akong suot na kwintas na hugis puso na regalo daw ni Leo. May suot din akong hikaw na Rhinestones tassel long earrings na kulay silver.

Kinakabahan talaga ako sa sinasabi ni Thea.

Pinagpaplanuhan na niya kasi kung pano ko daw sisirain yung gown ni Catrine. Eh nandito naman ako at walang magawa kung di tumango tango na lang.

"Kilala mo ba si tandang Mer? Yung keys keeper ng mga dorms. Mamaya baba yun papuntang canteen para magkapi, magtago ka sa gilid ng mga nakatambak na mga kahon at pumasok sa kwarto niya at kunin yung mga susi na nakasabit sa pader sa gilid ng bedside table niya."

Napakunot ako ng noo, paano niya alam kung nasaan yung mga susi. Tumatakas ba siya? Kasi tuwing tanghali hanggang gabi, nakasarado na lahat ng labasan.

"Eh paano mo naman nalaman kung nasaan yun?"

"Wag ka na lang magtanong." Iritado niyang sabi, napangisi naman ako.

"Tumatakas ka no? Since yung Telephone Operator dito ay pinagbabawal ng makakuha ng mga tawag bago magdilim."

Narinig ko siyang nagmura sa ilalim ng hininga niya. Napangisi ako.

"Oh siya! Alam ko namang may rason ka, mauna nakayo sa party at gagawin ko na yung pinaplano mo."

Napangiti siya at tumango. Sabay sabay na silang lumabas ng dorm, kaya nalunog ako ng katahimikan.

Chineck ko yung oras sa cellphone ko at saktong 5:30 na. Mabilis akong lumabas at isiniksik ang aking sarili sa likod ng mga kahon. Sumilip pa ako kung paparating na ba si Tandang Mer. Mabilis naman akong nakarinig ng pagpihit ng pinto kaya nagtago na ulit ako sa likod ng kahon.

Tinakpan ko yung bibig ko dahil sa maingay kong paghinga dahil sa kaba, papalapit na yung mga yapak ng paa saakin kaya napaurong pa ako lalo hanggang tumama na yung likod ko sa pader.

nakita ko namang nalagpasan na ako ni Tandang Mer at pumasok sa Elevator at nagsarado na yung metal na pinto.

Mabilis akong napatayo kaya nagkalat yung mga kahon sa paligid ko na hindi ko na pinansin at pumasok sa kwarto ni Tandang Mer. 

yung kwarto ay ibang iba sa dorm namin, its like i stepped in the 1899. Everything looks old here, so interesting. 

lahat ba 'to galing mismo sa nakaraan? how many years is it apart? 

the wall is made in dark brown wood and also the same with the floor, only lanterns are the one to lighten the room. its kinda messy but hey, what would you expect to a old man?

Tumingin tingin pa ako sa mga kagamitan dito, ramdam ko naman tong mabigat na gown na suot suot ko. 

Bigla ko namang naalala yung ipinunta ko dito. "shit! puntik ko na makalimutan yun ah"

Mabilis naman akong mapatingin sa pader na nasa gilid ng bedside table, kung saat nakasabit yung mga susi na sobrang dami na nakakabit sa isang pabilong na bakal.

PUTANGINA ANG DAMI!

nawala ngiti ko at agresibo itong kinuha at lumabas na duon. Nahirapan ako maglakad dahil sa mahabang gown ko, kaya hinawakan ko na lang 'to, kapag ito talaga pinunit ko!

Synthesis of Prophecy: Purple Charm✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon