Chapter 27
Valerie's pov
Nagising ako ng pawis na pawis, di ko maalala pero halata namang binangungot ako. Tumayo sa kama at binuksan yung pinto at lumabas ng kwarto.
Madilim yung sala at ilaw lang ng buwan ang naging ilaw ko dito, ayokong buksan yung ilaw kasi nakakatamad.
Binuksan ko yung ref at may ilaw naman dito so ok lang, naghanap ako ng bote ng tubig at binuksan ito at ininum ito.
Binaba ko ito sa counter at humila ng upuan at umupo dito. Napatulala ako sa counter.
Di ako mapakali nor makatulog, sino ba ang madaming iniisip ngayung gabi at di tuloy ako makatulog?!!
Lumabas ako ng dorm at naglakad sa hallway, walang mga tao kasi nga gabi na at bawal lumabag sa rules. Pero...
I'm Valerie!
Naglakad ako papunta sa garden meron ditong malaking puno, na may mga gintong bulaklak.
Nakita ko siya na nakaupo at nakasandal sa punong yun, tinabihan ko siya.
Di siya nagulat o lumingon man lang saakin na parang alam na niya na nandito ako.
"Why are you here." Malamig niyang sabi habang di dumidilat at nakasandal parin ang ulo sa puno.
"Ganun din tatanungin ko eh..bat ka nandito?"
Natahimik siya. Di ko mabasa yung nasa utak niya pero alam kong madami siyang iniisip. And somehow my mind still response to it and keeps me awake.
"Don't disobey my rules.."
"Rules?"
Dumilat na siya at tinignan ako ng masama. "Didn't your mother told you not to question who is higher than you?"
"Gago..." bulong ko.
"What did you say?"
"Wala."
Siningkitan niya ako. Nagulat ako ng hawakan niya ng mahigpit yung wrist ko na baka mabali na ito. "Di ako mabait, Valerie."
"First warning, don't go out at night."
"Bakit??"
"Wag na magtanong." Agresibo niya akong itinayo sa pagkakaupo at hinila papunta sa hallway.
"Aray! Nakakasakit ka na ah!"
Hinihila niya parin ako gamit ang wrist ko. "I, Marcus Lurous, is the President, the highest in SSG, and I will do whatever i want." Wala niyang emosyong sabi.
SSG? Isa ulit siyang Supreme Student? ulit?!
Tinanggal na niya yung pagkahawak niya sa wrist ko, at tinignan ako gamit ang malamig niyang mga mata. He looks so different, more merciless, powerful, cold.
"Bakit ba bawal lumabas tuwing gabi?"
"Bawal magtanong"
"Eh nasa Academy naman tayo diba? Eh bat bawal."
"Don't be stubborn and just g-"
"Eh pano kung ayoko?! Pano kung dito lang ako sa labas?! Bakit?! Bakit di pwed-"
"Kasi pumapatay sila."
I feel like my body froze from hearing that, because they kill? Who? Sino? Sino ba ang mismong kinakatakutan din ng headmaster and headmistress para gumawa ng batas na bawal lumabas tuwing gabi.
BINABASA MO ANG
Synthesis of Prophecy: Purple Charm✔
Fantasi"The moon princess needs to change the Prophecy or else we all die." "Siya lang ang makakapagbago ng propesiya, Vyelle" .... A moon princess was chosen to change and remake the Prophecy, with her biggest kingdom's rival, the sun prince. Until sh...