First mission

23 10 0
                                    

Chapter 34

(Disclaimer: School name that i mention here may be true or not, will be a coincidence. I didn't mean to mention a real School name so i apologize if i did and also this chapter is unedited so expect some wrong typos.)

'''''''''''

Valerie's pov.

Sabi ko na nga ba ako gagamitin nila para di sila mapatay nung lalaking yun. Bakit ba sila takot dun eh di naman mukhang lion. Nangangain ba yun?

Napatingin ako sa tatlong to at siningkitan sila na para bang jinajudge ko buong pagkatao nila.

"Bili na, pilitin mo siyang tumayo please. Kapag yan na bad trip dahil gutom ay damay damay na tayong lahat dito." Itinaas ni Clyde ang kanang kamay niya.

"Ikaw lang naman makakalapit dun ng di namamatay eh." Sabi ni Kazer.

"Sino ba di matatakot dun eh kahit nga paghinga nun kakabahan ka na." Sabi ni Ace. True naman.

Ano ba kasing klaseng lalaki yun!! Nadamay pa tuloy akoooo!

Napatayo na ako at nagbuntong hininga. "Sige na nga. Basta ah kapag talaga ako- mumultuhin ko kayo isa isa." Sabi ko at tumungo na sa kwarto niya.

Bukas naman yung pintuan ng konti kaya inusog ko na lang ito ng konti at pumasok dito.

Nakita ko siyang nakahiga, ganung polo parin suot niya. Yung kumot niya naman ay parang ipinatong lang sa bandang tiyan niya.

Lumapit ako sakanya at napaupo sa gilid. Yumuko ako at tinignan yung mukha niya. Every part of his face is perfectly sculptured like a masterpiece.

His eyes..

His nose..

His jawline..

His..lips...

Bigla naman akong napalayo ng maiisip yung ginagawa ko.

"Moon..." mahina niyang sabi, na para bang maytinatawag siya.

Sino si Moon??

Nakita kong tumulo yung luha sa kaliwa niyang mata pero di sa kabila. I stare at him in shock. He is...crying?

Si Marcus umiiyak?!

"Marcu-" nagulat ako ng kunin niya yung kamay ko at ilapag ito sa dibdib niya. Ramdam ko ang bawat tibok ng puso niya, and its almost seems like pattern. Like a words that wants to be spoken.

Nagulat ako dahil sa naramdaman ko habang nakapatong ito sa dibdib niya.

"My heart never beat for someone..."

Napailing ako. Kung sino man ang sinasabihan niya. I know its not for me.

"Until I met you..."

At kailangan ko ng itigil tong ginagawa niya. Mabilis kong itinanggal ang kamay ko sa dibdib niya at tumayo.

Hindi. Nanaginip siya so di niya alam ang mga pinagsasabi niya..at lalo na ang ginagawa niya.

Naglakad na ako ng isang hakbang ng makaramdam ng kamay na nakahawak sa wrist ko.

"Please..don't leave me again...Arkhim." nangingiyak niyang sabi kaya napatigil ako.

SINO BA SI MOON O ARKHIM WHATSOEVER NA YAN. HINDI AKO YAN KAYA SANA TIGILAN NA NIYA ANG PAGSASABI NG PANGALAN NA YAN SA HARAP KO.

KASI DI KO ALAM KUNG ANONG NARARAMDAMAN KO PERO NAIINIS AKO TUWING TINATAWAG NIYA AKO SA IBANG PANGALAN. KASI MERON AKONG PANGALAN.

Synthesis of Prophecy: Purple Charm✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon