IM SMART

26 12 0
                                    

Chapter 31

Kazer's pov.

Tama nga ako di sila yung mas bata! di sila yung mga baby! Napatingin ako sa kanila na tumatawa sa gilid habang may hawak hawak na puno.

"Mukha kang tanga alam mo yun?" naiinis kong sabi habang tinitignan yung mga ugok, napatingin naman ako sa lupid na nakatali sakin sa puno.

Di nga sila mga baby pero mga tanga naman, mabilis akong umurong pababa at tuluyan na ngang nakawala sa pagkakatali. Nahuli lang naman nila ako dahil napatulog ako nung naamoy ko yung usok.

"My turn." sabi ko habang tumatakbo na papunta sakanila, nakasummon na yung sword ko sa kamay ko na umilaw muna na green.

"HAHAHAHHAHAHA! dalawa kami, DEMIGOD, isa ka lang!" Halakhak nung isa na mukhang itlog.

Nangmakalapit ako sakanila ay mabilis kong ibinaon yung sword ko sa lupa at mabilis itong inangat para tumalsik ito sa mga mata nila kasi di ako tanga.

Gumana naman ang ginawa ko kasi kamot sila ng kamot sa mata nila. Inakyat ko yung katawan nung isang Cyclops at sinaksak ito sa dibdib. Napasigaw ito sa sakit at ang likot likot kaya tuloy napatapon ako palayo.

"Ah! lintik na lupa yan! ay este demigod!!"

Sinumon ko naman ulit yung sword ko na ngayun ay kumikinang na green na, ramdam ko na yung pagbago ng kulay ng mata ko. 

Linagay ko ang malakas kong kapangyarihan sa sandata ko bago ito binato sa isang Cyclops, naglagay ako ng trance na pa-box na nakapalibot sa kanilang dalawa na medjo masikip.

Nang makapasok na yung sword ko sa trance mabilis itong tumagos sa tiyan nung Cyclops at tumalbog naman yung sandata ko sa kaliwa, kanan, baba, at taas dahil tumatama ito sa padir ng trance na ginawa ko, parehas silang sinasaksak ng pauli ulit. 

Nang matapos na ang show. Mabilis namang bumaksak yung dalawang Cyclops sabay ng pagkaguho ng trance na nakapalibot sakanila kaya nakawala na yung sandata ko at lumipad na ulit patungo sa kamay ko na parang magnet.

Natalsikan ng dugo yung mukha ko but i didn't flinch.

Mabilis ko ding inalis yung trance at nasa harap na ako ni Ace na nagaantay. "Bat ba ang tagal mo?" naiinis niya tanong, nakakunot pa ang noo.

"Wala lang yun bro napaka dramatic lang kasi nung mga Cyclops eh"

"Ahh...bat may dugo mukha mo?" tanong niya na nangaasar pa. Kalmado ko lang siyang tinignan habang nakabulsa ang kamay.

"Kala ko ba master Kazer ka? at di posible ang matalsikan ng dugo ang isang gaya mo?" dagdag niya pa, mabilis ko namang sinipa yung binti niya at napatawa.

"Tara na nga." Tinapik ko yung balikat niya bago siya lagpasan.

• • • 

 Naglalakad kami ngayun sa hallway at merong mga istyudante na naglalakad back and forth at mukhang malalim ang mga iniisip. Di ko nga alam kung anong dahilan nila dahil napatay na naman namin yung mga tangang Cyclops. Naglakad kami papunta sa second building kung nasaan nanggagaling yung ingay. 

Kaya pala eh...

Napatigil na lang kami ng makita si Marcus na kinakalaban yung mas malaking Cyclops kaysa sa nakalaban namin kanina. eto yata yung mother nila.

Synthesis of Prophecy: Purple Charm✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon