RONI'S POV...
MAY MGA bagay na hindi mo alam kung paanong bigla na lang nangyari. Isang araw, masayang-masaya ka dahil kapiling mo ang taong mahal mo. But then, suddenly, you would turn sad and cry the next moment. Iyong pakiramdam na gusto mong ipaglaban ang sarili mo pero ang taong dahilan ng ipinaglalaban mo ay siya ring unang sumuko sa iyo. Iyong nawawalan na lang ng saysay ang lahat. Na hindi mo alam kung ano ang gagawin sa sakit na nararamdaman para lang mawala ang lahat ng ito.
Until now, I can't explain what transpired these past months. Basta ang alam ko, naghihintay lang ako. Naghihintay ng ilang sandali bago ko harapin ang sarili kong buhay.
Anim na buwan. Iyon lang ang panahon na dapat sanang hintayin. But I ran out of time. Hindi ko tuloy maiwasang hindi itanong sa sarili kung sino nga ba ang hindi nakahintay. Siya ba o ako? Was it so bad to be selfless? Did I make such a bad decision that it had to end this way?
Gaano na nga ba talaga katagal ang anim na buwan? One hundred and eighty four days. Four thousand, four hundred and sixteen hours.
Anim na buwan para mainip siya at iwan ako?
Anim na buwan... Anim na buwan... Isang semester... Hindi pa niya nagawang hintayin ako. Saglit na lang. Saglit na saglit na lang.
Ang daming tanong, pero Wala naman akong makuhang sagot. Dahil hindi ko alam kung saan ko kukunin ang sagot. O maaaring ang sagot ay nasa mismong harapan ko na pero hindi ko lang magawang pansinin dahil masyado akong naka-focus sa sakit na nararamdaman ko.
I feel like dying. Ganito pala ang pakiramdam ng isang tao na naubusan na ng oras. Ganito pala ang pakiramdam ng mga pasyenteng may taning na ang buhay. Hindi mo alam kung iinog pa ang mundo mo.
Dalawang linggo. Fourteen days. Iyon na lang ang nalalabi para sa akin para ipaglaban ang nararamdaman ko. Ngunit hindi pa ba sapat na ibinigay ko ang lahat ng makakaya ko? Bakit hindi pa rin niya ako pinili? Pero ano pa nga ba ang dapat kong ipaglaban? Wala na. Nakapagdesisyon na siya. Huli na ang lahat. Huli na.
Bakit patuloy pa rin akong naghihintay sa Isang bagay na alam ko namang hindi na mababago pa? Siguro, masyado lang akong tanga. Iniwan niya ako, at iyon ang gusto niya. Kailangan kong hayaan na lang siya sa gusto niyang gawin.
Everything had already been set. The decisions had already been made. There was nothing else to do anymore.
Sa tanang Buhay ko, hindi ko akalaing makakaranas ako ng sakit na pinaniwalaan kong sa libro lang nangyayari o kaya naman ay sa mga pelikula.
And darn it! I'm a doctor, not an actress!
My mind keeps on shouting at me. Wala kang kasalanan. Iniwan ka niya ng walang valid reason. Iyon ang ginusto niya. Siguro, hindi ka lang niya talaga mahal! You were never good enough for him. Never.
You will never be good enough for anybody.
Subaybayan at suportahan ang Ika-24th stefcam Story ko na pinamagatang "Unwritten." Starring Camille Prats bilang Roni and Stefano Mori bilang Borj.
Thank you. 😘
BINABASA MO ANG
Unwritten
RomanceKung may sumalo ng lahat ng kababaan ng self-confidence at self-esteem sa mundo, si Roni iyon. Gayunpaman, hindi iyon naging hadlang para makamit ang kanyang mga pangarap. She was a successful surgeon. But then again, it was still not enough. Borj w...