"WHAT'S happening to you, Borj?"
Mula sa pinipirmahang mga papeles ay umangat ang mukha ni Borj sa nagsalita. Missy was standing at the door of his office. Hindi siya sumagot, bagkus ay ibinalik ang pansin sa mga pinipirmahang mga papeles.
"Parang noong isang araw lang, you were smiling and happy. Tapos pagbalik mo, balik ka naman sa dating Borj na laging nakabusangot ang mukha at parang galit sa mundo," patuloy pa rin ni Missy.
"Stop it, Missy. Wala ka bang gagawin sa opisina mo? Bakit hindi ka na lang magpunta sa production area at magsagawa ng surprise visit sa mga tauhan natin?" He said in a serious tone. Wala siyang balak sabihin dito kung ano ang nangyayari sa kanya.
Yes. Tama ang kakambal para sabihin na parang galit siya sa mundo. Paano naman kasing hindi? For the first time in his life, nahanap niya ang katapat. Isang babaeng walang ka-effort-effort na napapagalaw siya ng kusa kahit hindi siya inuutusan. Like Roni had an invisible hand controlling him. Kusa siyang umaakto nang hindi namamalayan ni Borj.
Si Roni lang din ang nag-iisang babaeng nakapukaw ng pansin niya to the point na gagawin niya ang lahat para lang makitang masaya ito.
Borj had been trying to call her for the past few days, ngunit hindi ito sumasagot. Maging nang puntahan niya ito sa ospital at sa bahay ay wala ang dalaga. Nalaman na lang niya kay Jelai na nag-file ang kapatid nito ng indefinite leave sa trabaho. Gusto raw magbakasyon ni Roni sa kung saan na wala itong kakilala. Gustong makapag-isip-isip.
Kahit anong pilit ni Borj kay Jelai ay hindi pa rin nito sinabi kung nasaan si Roni. Until he could not reach her cell phone anymore. Laging out of coverage area. And it frustrated the hell out of him. Ni hindi niya alam kung saan hahanapin si Roni.
"Kakambal kita. In fact, nauna pa ako ng ilang minuto sa iyo na ilabas sa tiyan ni Mama. So, technically, mas matanda ako sa iyo." magaang ang boses na saad ni Missy. "Sabi nga nila, kapag kambal, madaling maramdaman ng isa kung ano ang nararamdaman ng isa. At ngayon, sa totoo lang, I feel so heavy hearted. Nararamdaman kong may damdamin ka na pati ako ay nalulungkot. We may differ in our views, pero alam kong ngayon mo lang ito nararanasan. For the first time in our existence, ngayon lang kita nakitang nagkaganyan, nakangiti at masaya."
"Hindi natin dapat pag-usapan ang mga ganitong bagay dito sa opisina. Marami tayong mga naka-pending na trabaho." Borj dismissed his sister. Ayaw talaga niyang pag-usapan ang nangyari sa kanila ni Roni. It just brought pain to his heart.
"No!" matigas na sabi ni Missy. Kinuha nito ang mga papel sa harap niya na pinagbubuhusan niya ng pansin. "Anong nangyayari?"
"She doesn't want me! Hindi niya ako mahal! Satisfied?"
"Hindi ako naniniwala na hindi ka niya gusto. Sinabi mo bang mahal mo siya?"
"It's no use."
"Pero mahal mo siya, tama ako, hindi ba? Tapos, susuko ka agad?"
BINABASA MO ANG
Unwritten
RomanceKung may sumalo ng lahat ng kababaan ng self-confidence at self-esteem sa mundo, si Roni iyon. Gayunpaman, hindi iyon naging hadlang para makamit ang kanyang mga pangarap. She was a successful surgeon. But then again, it was still not enough. Borj w...