PAPALUBOG na ang araw sa kanluran. Tahimik na nakaupo sa likuran ng canteen ng Saint Augustine School sina Roni at Borj. The place was overlooking the river. Isa iyon sa mga paboritong lugar ni Roni noong nag-aaral pa siya roon.
Sinabi ni Roni kay Borj kanina na ayaw pa niyang umuwi kahit pa sabihing puyat siya sa trabaho. Niyaya niya ang lalaki roon dahil nabitin siya sa mga sinabi nito kanina habang nasa parking lot sila. Lalo lang siyang hindi makakatulog hangga't hindi niya nalalaman ang ibig nitong sabihin kanina.
Malaki ang naging parte ng school sa buhay ni Roni. Doon siya nag-aral mula kinder hanggang high school. Ang paaralang iyon ang isa sa mga humubog sa kanyang pagkatao. Ang mga panahong naroon siya sa ay isa sa masasayang bahagi ng buhay niya.
This was also the place were their last family picture was taken. Graduation niya ng high school noon. It was their last happy picture together.
Roni sighed. If only she could bring back time. Kahit sandali lang ay maramdaman uli niya ang saya na kasama ang mga magulang. Kung puwede lang sana. Kung puwede lang...
***
BORJ was looking intently at Roni. Sa totoo lang, hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari sa sarili at nasabi niya sa dalaga na ngingiti siya lagi para ma-in-love ito sa kanya.
The words just spilled from his heart. Nasabi niya ang bagay na iyon dahil iyon ang idinidikta ng kanyang puso.
The sun's ray on her face, the cool breeze on their skin, the sweet humming of the birds and the sound of water from the flowing river. Then Roni was by his side. Everything seemed to be so perfect. And with that, he could already picture a lifetime with her. Waking up everyday with Roni beside him and growing old with her.
"I wish I could be your serenity," sabi ni Borj nang makita ang muling pagsilay ng lungkot sa mga mata ni Roni. "Sana kaya kong ibalik ang saya sa iyong mga mata, at sana, ako ang maging dahilan ng pagtawa mong iyon. I wish I could make you happy again."
Tumingin ito sa kanya.
"I'm not really good with words, Roni. So please bear with me." Nang marahan itong tumango ay nagkaroon ng kakaibang lakas ng loob si Borj. Sa totoo lang, ninenerbiyos siya na hindi niya mawari.
"Lahat ng ito ay bago sa akin. Ako ang tipo ng taong umiiwas sa mga babae. It's not that I'm gay. Siguro, conservative lang. I hate women who show a motive. Na hindi nahihiyang ipakita na gustong-gusto nila ang isang lalaki. Hindi rin ako marunong manligaw. Aminado akong masyado akong egoistic. Presumptuous. During our first encounter, nakita ko kung paano mo ako tiningnan mula ulo hanggang paa. Para bang noong mga sandaling iyon ako lang ang nakikita mo. I knew I had that effect on people, but as irritated as I was, I like the way you looked at me. And to drive the thoughts away, nagsuplado ako sa iyo."
Namula si Roni. Her face was red like a tomato, but still, she looked so adorable. Parang bata na gusto niyang kurutin sa pisngi.
"Naramdaman ko na lang sa sarili ko na gusto kitang kilalanin. Na gusto kong mapalapit lalo sa iyo. After our encounter at the hospital, I wondered kung paano kita makikita muli. Nahihiya naman ako na magsadya sa ospital na wala namang dahilan. But God made our paths cross again. Sino ba naman ang mag-iisip na ang aplikante sa bakanteng posisyon ng dentist ay kapatid mo pa? Na sinamahan mo pa siya sa kompanya noong interview niya. How could we both be in the same place at the same time? With you, I've learned new things, and I feel like everything's so right... Roni, alam kong wala ako sa posisyon para magsalita ng isang bagay na hindi ko lubusang naiintindihan. I am still exploring this feeling I am experiencing at the moment. Para akong isang kindergarten na pinag-aaralan pa ang lahat. I may not be sure what this is called, but if this is love, so be it. And if there's one thing I'm sure about, it's the fact that I want to be with you for always, to be always here for you no matter what."
BINABASA MO ANG
Unwritten
RomanceKung may sumalo ng lahat ng kababaan ng self-confidence at self-esteem sa mundo, si Roni iyon. Gayunpaman, hindi iyon naging hadlang para makamit ang kanyang mga pangarap. She was a successful surgeon. But then again, it was still not enough. Borj w...