MAGAAN ang pakiramdam ni Roni nang magbalik sa ospital. Doon na siya inihatid ni Borj matapos nilang manggaling sa Sagada. Kahit pagod ay kailangan pa rin niyang magtrabaho. May operation kasi at kailangan niyang mag-assist. Hindi naman kakailanganin ang buong lakas niya kaya okay lang na pumasok. After all, she felt refreshed. Magaan ang naidulot ng pag-open up niya kay Borj. Tila siya nabunutan ng tinik sa dibdib nang mailabas ang mga saloobin.
Nagtataka man sa sarili si Roni kung paanong naging madali sa kanya ang magkuwento sa isang taong halos kakikilala pa lang niya, masaya siya. She felt that Borj was not a stranger to her anymore.
Paglabas niya ng operating room ay ganoon na lang ang gulat niya nang makitang may naghihintay na isang bungkos ng orange daisies sa kanyang opisina. Her heart skipped a beat when she read the card that accompanied it. It was from Borj.
Thank you for the best weekend I've ever had. It's all because of you. Hoping for many more get-togethers with you.
Borj Jimenez
Parang may mainit na kamay ang humaplos sa puso ni Roni. For the first time in her life, nakatanggap siya ng bulaklak that made her feel so happy. Napangiti siya.
"After a long while, ngayon lang uli kita nakitang ngumiti na umabot sa mga mata mo," puna ni Dra. Elsie Dela Cruz, ang ina ni Junjun. "He must be someone special. Kahit noong nobyo mo pa si Basti, ni hindi ko nakikitang umaabot ang ngiti sa iyong mga mata. Parang lahat ay pilit lang. Like you were so pressured."
"Hindi naman po," tanggi ni Roni. Pero ano pa nga ba ang dapat niyang ilihim sa ina ni Junjun? From the moment she met her, she treated her and Jelai like they were family. Hindi na iba ang turing nito sa kanila at laging nakaalalay sa bawat yugto ng kanilang buhay. Malimit mang tanggihan ni Roni ang mga tulong pinansiyal ng ginang sa kanila, nananatiling nakasuporta ang pamilya Dela Cruz.
"Ano nga ba ang pangalan niya?"
"Borj po," sagot ni Roni. "Pasensiya na po kung hindi ko siya naipakilala sa inyo. Hindi pa po kasi kayo dumating dito sa ospital noong idinaan niya ako dito kaninang umaga. He still needs to be back in his office."
"Ah... Yes. Borj. Borj Jimenez, right? Ang may ari ng House Builders?" Naupo na si Dra. Elsie sa sofa. "Come, sit here." Itinuro nito ang upuan sa harap.
Naupo naman si Roni. "Paano niyo po siya nakilala?"
"Classmate ko ang daddy ni Borj noong high school. In fact, I'm very close to his mother, too," saad ni Dra. Elsie. "He is a good kid, I assure you that. Kahit pa mabibilang lang sa daliri ang pagngiti niya, he would never be the man who would look down at you. Maayos na pinalaki nina Kristine at Monti ang kambal nila. At kung nililigawan ka ni Borj ay walang masama," nakangiti nitong sabi.
"Ay, hindi po. Magkaibigan lang po kami," tanggi niya sa sinabi ng ginang.
"Roni... Sa ngayon, oo, magkaibigan kayo. Pero hindi mo masasabi. Looking at you now, I know there is something different about you. There's something inside you that you have to discover for yourself. Iyon ang magiging susi sa kaligayahan mo. Natitiyak kong magugustuhan ka ni Borj at ng mga magulang niya. Bakit naman hindi? Napakabait mo at napakaganda pa. I have always wished the best for you, Roni. At matutuwa ako kung magkakatuluyan kayo ng batang iyon."
Sa totoo lang ay nagustuhan ni Roni ang sinabi ni Dra. Elsie. Pero ayaw niyang mag-assume. Mahirap na. Borj was one hell of a hunk. Lahat ay napapalingon sa lalaki kapag nasa paligid ito. He was often quiet, but his mere presence was shouting for everyone to notice him. At sa sobrang yaman ng binata at success sa buhay, sino lang ba naman siya para pansinin nito, less so, magkagusto pa sa kanya?
BINABASA MO ANG
Unwritten
RomanceKung may sumalo ng lahat ng kababaan ng self-confidence at self-esteem sa mundo, si Roni iyon. Gayunpaman, hindi iyon naging hadlang para makamit ang kanyang mga pangarap. She was a successful surgeon. But then again, it was still not enough. Borj w...