MULA nang dumating sina Borj at Roni kahapon ay wala silang ginawa kundi gumala nang gumala. And everything was amazing. Pumunta sila sa cave at nag-rappel. They even went to an orange farm at namitas nang namitas ng Sagada oranges na dati ay sa Divisoria lang nakikita ni Roni.
For the first time in months, she was able to stop thinking of her problems and pain. She just enjoyed the nature that surrounded her and Borj, and the adventures they had and will have. Hindi siya nagsisisi tulad nang naunang sinabi kung bakit siya sumama sa binata.
Ganito pala ang pakiramdam ng walang plano. Everything with Borj was a surprise. Then Roni thought that the night would be awkward for them dahil sa nangyari sa kuwarto nila noong kadarating palang nila. The night was still young, pero dahil may curfew sa lugar, kinailangan na nilang magkulong sa kuwarto. It was going to be a long night.
The last thing that Roni remembered about last night was her sitting on the couch near the window drinking her hot chocolate. Pero dahil sa pagod sa biyahe at maghapong paggagala, hindi na niya namalayang nakatulog siya. Nagising na lang siya kaninang umaga na nasa kama na. Kung saan natulog si Borj ay hindi niya alam. Binagbag tuloy siya ng konsensiya. Basta paggising niya ay gising na rin ang binata at naghahanda ng almusal, pati na rin ng babaunin nilang pagkain sa maghapon.
Ipinangako ni Roni sa sarili na babawi siya kay Borj.
Right now, nasa small falls sila. Nakaupo sa lilim ng puno si Roni habang tinitingnan si Borj sa ginagawa nito. He was taking pictures of the surroundings. Maging ang mga batang naglalaro ay naging subjects nito.
Sabi ni Jelai ay balitang-balita sa House Builders ang pagiging masungit at hindi palangiti ni Borj. Pero kung titingnan ang lalaki ngayon, tila hindi ito pinag-uusapan ng lahat na galit sa mundo. A different Borj was with her.
Pinagmamasdan ni Roni ang binata nang biglang mag-ring ang cell phone niya. Ang kapatid ang tumatawag. Agad niya iyong sinagot. Kinumusta lang siya ni Jelai at sinabihang mag-enjoy sa out-of-town trip na iyon. Jelai had been freaking out dahil ang buong akala nito ay siya lang mag-isa ang umalis. Hindi na niya binanggit pa na kasama niya ang boss nito. Ayaw niya ng maraming tanong.
Ibinaba na ng kapatid ang cell phone.
Napatitig si Roni sa wallpaper sa screen. Larawan nila iyong magkapatid. Then she laid eyes on the cell phone's clock and calendar. It was already three in the afternoon.
She froze. Bigla ang pagbuhos ng mga alaala. Tears started to well in her eyes. Kahit anong pilit niya ay hindi talaga niya mapigil. Napatingin siya kay Borj at nakitang pinagmamasdan siya nito habang nakakunot ang noo. Ang camera na hawak ay akmang iuumang sa kanya pero napigil iyon nang tila may napansin sa kanya.
Pasimpleng pinalis ni Roni ang mga luhang pasaway. Ayaw niyang makita siya ni Borj na ganito.
"Bakit ka umiiyak?" tanong ng lalaki nang makalapit sa kanya.
"Napuwing lang ako."
Hindi naniniwalang tumingin ito sa kanya.
Naupo ito sa kanyang tabi at inilapag ang camera. Pagkatapos ay walang sabi-sabing niyakap siya nang mahigpit. "Let it go. You can tell me everything." Binitiwan siya nito at pinagmasdan. Pinalis ng mga daliri nito ang mga luhang naglalandas sa kanyang mga pisngi. His eyes were encouraging her to let her emotions loose for the very first time.
"Hindi naman kaila sa iyo na ulila na kami ni Jelai, hindi ba?" simula ni Roni. "I was seventeen when they left us. Ang bata ko pa noon, hindi ko alam kung ano ang gagawin. Jelai was so young, too, sakitin din siya." Roni sighed at that thought. "Wala akong pagkukunan ng pera kung sakaling maospital siya. I had to keep her happy and healthy. I promised myself. I promised my parents that I would be strong for Jelai. Dahil siya na lang ang mayroon ako. Pilit akong nagpakatatag, kinaya ang lahat hanggang sa pag-aaral niya. Mabuti na lang at may mga tumulong din sa akin. Dahil kung hindi, paano ako makakapag-aral? Paano ako magiging doktor samantalang napakamahal ng kursong yon? I have been strong for too long. Pilit kong kinaya mag-isa. Walang nakakaalam na sa gabi, I'm just this ordinary girl who wants to be consoled, pero walang gumagawa n'on sa akin." Roni gazed into the water. Doon ay parang pelikulang napapanood niya ang lahat ng hirap na pinagdaanan. Lalong namalisbis ang mga luha. Pero hinayaan lang siya ni Borj, hindi nagsasalita at nakikinig lang sa tabi niya.
BINABASA MO ANG
Unwritten
RomanceKung may sumalo ng lahat ng kababaan ng self-confidence at self-esteem sa mundo, si Roni iyon. Gayunpaman, hindi iyon naging hadlang para makamit ang kanyang mga pangarap. She was a successful surgeon. But then again, it was still not enough. Borj w...