Chapter Two

267 23 6
                                    

"MISSY, stop it!" Galit na sabi ng lalaki sa babaeng naunang pumasok sa emergency room. "Hindi Ikaw Ang injured para mataranta ng ganyan."

Luminga ang babae. "Kung hindi ka ba naman kasi tatanga-tanga---"

"It was an accident! Akala mo ba gusto ko ang nangyaring ito?" masungit na sabi ng lalaki. "Are you the doctor?" naniningkit ang mga matang baling ng lalaki kay Roni.

Tumango si Roni, hindi magawang magsalita. And she did not know why.

"Then attend to me!" halos pasigaw na utos ng lalaki. "Nakita mo na ngang nagdurugo na ang ulo ko, hindi ka pa rin kumikilos! Huwag kang tumunganga sa akin!"

Mula sa pagkakatitig sa lalaki ay natauhan si Roni, hindi na lang pinansin ang galit nito. "Ano bang nangyari?" Noon lang niya napansin ang dugong umaagos mula sa ulo ng lalaki patungo sa kaliwang pisngi. Noon lang din niya napansin ang bakas ng dugo sa polo nito.

"Nabagsakan siya ng cabinet," sagot ng babaeng tinawag na "Missy."

"Ha?" nagulat na sabi ni Roni. Cabinet? Ano ang ginawa ng lalaki para mabagsakan ng cabinet? "Natumba ang cabinet?" Iyon lang ang naisip niyang maaaring nangyari.

"No. Iyong mga gamit niya sa cabinet, nagbagsakan. Hindi kasi marunong magtago ng gamit, basta lagay lang ng lagay," paninisi pa ni Missy.

"Kaya mo ba akong gamutin o ano?" masungit na saad na naman ng lalaki. "May iba pa ba kayong doktor dito?" Luminga pa ang supladong ito sa loob ng ER at naghahanap ng available na doctor, tila walang tiwala sa kanya. But sorry to say, busy ang lahat.

Tumaas ang isang kilay ni Roni. Kung gaano kaguwapo ang lalaki ay siya namang iginaspang ng ugali. Siguro nang magsabog ng kasungitan at kasupladuhan sa mundo ay open arms nitong sinalo ang mga iyon. Masyadong mayabang ang lalaki.

Haist! Kung puwede lang sumimangot si Roni sa harap ng supladong ito ay ginawa na niya. Malamang na magtalo lang sila at ireklamo siya sa direktor ng ospital kapag ginawa niya iyon. At wala siya sa mood para makipagtarayan. Kung suplado ang lalaki, mas suplada siya.

"Maila, paki-interview na lang ang misis ni Sir," tawag ni Roni sa nurse na naroon. Since magkasama ang dalawa, inisip niyang mag-asawa ang mga ito. "Kunin mo ang lahat ng information ni Sir sa kanya." Iyon lang ang tanging magagawa niya sa ngayon. Kung gusto ng lalaki ng ibang doctor, pagbibigyan niya. Nakakairita naman din kasi ang masusungit na pasyente.

"I'm his twin sister," bigla ay pagtatama ni Missy. "Hindi magkakaasawa ang lalaking iyan dahil parang pasan niya ang mundo kahit hindi naman. Masyado din siyang choosy sa babae na akala mo naman kasi ay siya ang pinakaguwapong lalaki sa mundo."

Nanlaki ang mga mata ni Roni sa narinig.

"Stop it, Missy!" Sigaw ng kapatid nito bilang pagpigil.

Roni could only sigh. Kailangan niyang patigilin ang dalawa sa pag-aaway. But then again, she wanted to smile. Despite their age, these two were like kids arguing about something. "Okay. Paki-fill up na lang po ang necessary forms," sabi na lang niya para matigil na ang dalawa sa pagtatalo. Binalingan niya ang lalaki at inagaw ang pansin nito. "Sir, mahiga na lang po kayo dito." Akmang aalalayan niya ang lalaki ngunit lumayo agad ito at kusang sumampa sa kamang naroon. Typical egoistic male.

"I can manage," pasupladong sabi ng lalaki.

Roni could only sigh again. Lihim din na naitirik ang mga mata dahil sa inaasta ng lalaki. She attended to his wound quietly. At dahil pumutok ang balat nito, kinakailangan niya iyong tahiin. Ayaw sana ng lalaki na napag-alaman niyang "Borj" pala ang pangalan na ipatahi iyon ngunit hindi titigil ang pagdurugo ng sugat nito kung hindi niya iyon gagawin.

UnwrittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon