DALI-DALING ipinagtulakan palabas ni Borj ang mga magulang mula sa silid nang mapansin niyang biglang nangilid ang mga luha ni Roni.
"Ma! Pa! Lalo lang sumama ang pakiramdam ni Roni dahil sa kakulitan n'yo. Sa susunod na lang kayo makipagkuwentuhan sa kanya kapag maayos na ang pakiramdam niya," wika niya sa mga magulang. Nang makalabas ang mga ito ay mabilis niyang nilapitan ang dalaga. "Dadalhin na ba kita sa ospital? Anong masakit sa iyo?" nag-aalalang sabi niya.
"I'm fine, Borj. Thank you so much. I'm always a damsel in distress in your eyes."
"Bakit naiiyak ka?"
"Wala ito. Ganito lang talaga ako kapag masama ang pakiramdam." But Borj knew there was something else.
"Hindi nga?" Aniya, hindi naniniwala.
She sighed. "Naiinggit lang ako sa iyo, kasi kompleto pa ang pamilya mo," nahihiyang pag-amin niya. "Samantalang kami ni Jelai, ulila na."
Kaya naman lalo niyang gustong makilala ang dalaga, dahil sa sinabi nito. He was interested in finding out more about her. Kanina ay pinagmamasdan niya ito habang natutulog. Though her face was lacking in serenity at that moment, even when she was asleep, nananatili ang kagandahan nito.
Sa sandaling panahon ay natutunan na niyang basahin ang mga kilos ng babae, ang mumunting ngiti na malimit ay hindi umaabot sa mga mata. Tila ba laging napipilitan. Kitang-kita ang lungkot sa mga mata nitong tila laging nagsasabi ng katotohanan.
"Nakakahiya na sa iyo," sabi ni Roni. "Kung hindi kalabisan, maaari mo ba akong ihatid sa bahay? Doon na lang ako magpapahinga. Nakakaistorbo na ako nang labis sa iyo. I understand that you want to be alone."
"You can stay."
"No, nakakaabala na ako masyado."
"Walang magbabantay sa iyo sa inyo. Walang magpapainom ng gamot sa iyo sa tamang oras."
"Naroon naman si Jelai. Malamang ay hinahanap na ako n'on ngayon."
Borj sighed. "No. Stay. I'll just called Jelai." Sabihin nang wala siyang karapatan but he had to, for her welfare. "Dito ka na lang matulog. Please. I'll take care of you."
***
"PAANO kayo nagkakilala ni Sir Borj?" tanong ni Jelai kay Roni kinabukasan nang ihatid siya ni Borj sa bahay.
Maayos na ang pakiramdam niya pagkagising at nagbabalak nang pumasok. Pero pinigilan siya ng kapatid. Pero hindi siya maaaring magtigil sa bahay. Mabuburyong lang siya.
"Naging pasyente ko siya," matipid niyang sagot.
"Ang sungit, no?"
Tumango siya. "Ikaw, bakit kilala mo siya?"
"Hindi mo alam?" tanong ni Jelai.
"Ang alin?" Nalilitong tanong niya. "Magtatanong ba ako kung alam ko."
"Hala! Isang gabi mo lang Kasama si Sir, nagiging masungit ka na rin, Sis!"
"Sir?"
"Hindi ko ba nabanggit sa iyo, Sis, na siya ang boss ko?"
"Ah, supervisor siya siguro. Noong nakipag-meeting ka kasi dati doon, nakita ko siya. I accidentally spilled coffee on him sa sobrang groggy ko dahil sa kawalan ng tulog," pagkukuwento ni Roni.
"What?" Nanlaki ang mga mata ni Jelai sa narinig. "Buti hindi ka niya ibinitin patiwarik? O kaya naman ay pinalabas ng premises? Naku, ayaw na ayaw non sa mga taong clumsy! Napakasungit kaya ni Sir!"
"Yeah. Masungit talaga. He scolded me when we first met at the hospital and then he did it again at House Builders."
"Buti na-hire pa pala ako kahit nagawan mo siya ng kapalpakan, Sis." Muntik pang mapapadyak ang kapatid. "Siya kaya ang nag-final interview sa akin."
BINABASA MO ANG
Unwritten
RomanceKung may sumalo ng lahat ng kababaan ng self-confidence at self-esteem sa mundo, si Roni iyon. Gayunpaman, hindi iyon naging hadlang para makamit ang kanyang mga pangarap. She was a successful surgeon. But then again, it was still not enough. Borj w...