THE TRIP was really long and far. At dahil gabi ay nakatulog si Roni. Wala rin naman siyang makikita dahil it was pitch black. Pero kahit hindi niya mai-stretch ang mga binti, nasa bus sila ni Borj, ay nakaramdam siya ng ginhawa. Maybe it was because he was by her side. It was already the wee hours of the morning when she felt so cold. Marahil ay nasa mataas na parte na sila ng kabundukan kaya ganoon na lamang ang klima.
Hindi siya gaanong sanay sa lamig. She had this sudden urge na utusan sanang patayin ng driver ang Aircon, pero may pakiramdam siya na siya lang ang nakakaramdam ng sobrang lamig nang mga sandaling iyon.
Bahagyang iminulat ni Roni ang mga mata at nakitang natutulog sa kanyang tabi si Borj. And as she looked at his broad figure, she suddenly wanted to be envelope in his arms and feel his warmth. Pero hindi niya gagawin iyon. Nadamay na ito sa kagustuhan niyang tumakas at naaabala na niya ng labis.
Ipinikit ni Roni ang mga mata at pilit na natulog. Malayo-layo pa ang biyahe nila.
***
NAGISING si Borj nang maramdaman na pakislot-kislot si Roni sa kanyang tabi. Nang iminulat niya ang mga mata ay nakita niyang halos mamaluktot na ang dalaga dahil sa sobrang lamig. And before he could think of what he was doing, hinapit niya ito at niyakap. He suddenly felt warm all over.
Ever since he met her, all he wanted to do was to give her comfort. Comfort kung para saan ay hindi niya masabi. He decided that he would just continue to see her once he finally admitted to himself na attracted siya rito. And that he really wanted to take care of her, be always there for her. Tulungan ang dalaga sa kung ano mang mabigat na problema nito.
He still did not know the depth of his feelings for her. Pero alam niyang hindi ito katulad ng mga babaeng nakakasalamuha. Hindi ito maarte at masyadong conscious sa sarili na magkaroon lang ng kaunting langis ang ilong ay nagpi-freak out na. At kahit hindi ito palaayos ay nanatili pa rin ang kagandahan.
She was very simple yet she stood out in his eyes.
Aminado naman si Borj na hindi talaga siya malapit sa mga babae. In fact, ang kapatid at ang ina lang ang hindi niya gaanong sinusungitan, pero ipinagpipilitan pa rin ng dalawa na masungit siya at suplado. And Roni was the first woman outside his family that made him stoop down. Maging siya ay namamangha sa sarili dahil nakukuha niyang ngumiti kahit katiting, lalo at kaharap niya ang dalaga.
Hinigpitan niya ang pagyakap kay Roni. It felt like everything fit. Like a missing puzzle. Na para bang tama ang lahat ng ito. At aminin man iyon o hindi ni Borj, ngayon niya naramdaman ang ganito.
He softly planted a kiss on her hair, and then she purred. Lalong isiniksik ni Roni ang sarili sa dibdib niya. Noon niya napansin na unti-unting bumibilis ang tibok ng kanyang puso. Even her sweet yet subtle scent was driving him wild. Hindi gaanong agaw-pansin.
Borj did not really know her, but was very much willing to do so. Ang kaalamang kasama niya si Roni patungo sa isang lugar na hindi pa niya nararating ay nagbibigay ng excitement sa kanya. Nararamdaman niyang mag-e-enjoy siya nang labis sa adventure nilang ito.
BINABASA MO ANG
Unwritten
RomanceKung may sumalo ng lahat ng kababaan ng self-confidence at self-esteem sa mundo, si Roni iyon. Gayunpaman, hindi iyon naging hadlang para makamit ang kanyang mga pangarap. She was a successful surgeon. But then again, it was still not enough. Borj w...