Chapter Four

308 28 7
                                    

RONI'S head was clearer now kaysa kanina na halos hindi na niya alam ang ginagawa. Natanto rin niya na halos lahat ng tao sa canteen nang mga sandaling iyon ay sa kanila ni Borj nakatingin. Or rather nakatingin sa kanya. Na-conscious siya bigla dahil alam niyang hindi maganda ang hitsura niya nang mga sandaling iyon.

Napaisip siya bigla, dahil mula kanina ay dere-deretso lang sila ni Borj na pumasok doon na walang sumisita. Even the guards saw them but said nothing. Nginitian lang sila ng mga ito, habang ang ibang mga empleyado ay mapanuring tiningnan sila. The people around them gave them curious glances.

Bigla ay tinamaan na naman siya ng hiya. Bakit ganoon ang mga tao rito? Siguro naman ay nakakakita ang mga ito ng outsider paminsan-minsan.

"Salamat uli, ha," sabi ni Roni kay Borj at itinabi ang kubyertos, senyales na tapos na siyang kumain. Hindi kumain ang lalaki, nagkape lang. Hindi rin siya pinagbayad sa mga kinain niya kahit nagpumilit siya. He just ordered everything he thought she needed. Noong una ay panay ang tanggi niya, pero sa bandang huli ay nanaig ang gutom na nararamdaman. After all, ngayon lang talaga siya nakaramdam ng gutom sa matagal na panahon. Lagi ay wala siyang ganang kumain, kaya naman bumabagsak na ang timbang nang hindi niya namamalayan.

Nagulat pa nga si Roni dahil isinilbi ng mga taga-canteen ang pagkain sa mismong table niya kahit pa may malaking karatula doon na nagsasabing "Self-service."

"Is your sister good at her field?" bigla ay tanong ni Borj.

"Yes. Kahit baguhang dentista pa lang siya ay binabalikan siya ng mga pasyente," may pagmamalaking sabi niya.

"Kung ganoon naman pala, bakit nag-aim pa siya na maging company dentist?"

***

BORJ saw Roni sighed at his question. Dumaan ang panandaliang lungkot sa mga mata nito. The woman was so transparent. Walang maitatago sa mga mata.

Sa sandaling oras na kasama niya ang dalaga ay inobserbahan niya ang mga kilos nito. At kahit hindi ito nagsasalita hangga't hindi kinakausap, he felt like he already knew her. Hindi ito ang tipikal na babaeng nakakasalamuha niya. Sobrang simple ng dalaga.

"Bakit?" tanong uli ni Borj.

"She had been practicing her profession for half a year now. At pangarap niyang magkaroon ng sariling clinic. Kaya kung saan may siguradong pasyente ay tina-try niyang apply-an, like being hired as a company dentist. Sayang din naman kasi. Fixed kasi ang kita niya sa clinic na pinagtatrabahuhan niya. Mapamarami o kaunti ang pasyente niya sa isang araw, pare-pareho lang ang bayad. Hindi madaling makaipon, but then that is a good start in gaining trust the patients," paliwanag ni Roni.

"Ah, oo nga naman. Dito kasi, ang monthly yata ay malaki, pero fixed rate din," interesadong saad niya.

"That's why she aimed to be hired here. Ang kikitain niya sa dental clinic, sa ospital at kung sakali dito ay malaking tulong na para makapagtayo siya ng sarili niyang klinika."

"Kunsabagay. Pero ano bang mangyayari kapag may sarili siyang clinic?"

"She can be a well established dentist kapag nagawa niya iyon."

"That's good."

"Teka." Bigla ay may natanto ang dalaga. "Bakit tanong ka ng tanong? Bakit nga ba kinakausap mo ako? You don't really look like a friendly person."

Tumikhim si Borj. "I'm just making conversation," simpleng sagot niya. "Bakit? Hindi ba ako mukhang friendly?" He could not help but stare at her knotted forehead.

"Yes," Roni said flatly. "Parang may galit ka sa mundo, eh. Unang kita pa lang natin sa ospital, sinungitan mo na agad ako. Paano na lang kung mainitin din ang ulo ko? Eh, di pati ilong mo, tinahi ko sana."

UnwrittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon