Chapter 4

15 3 0
                                    

Nakarating ako sa RSC nang tumunog ang phone ko. Si Ma'am Dione ang tumatawag.

"Ma'am Dione," saad ko.

"Nasa school ka daw?" tanong nito mula sa kabilang linya.

"Opo. May iuutos po ba kayo?"

"Wala naman. May pang enroll ka ba? Hindi ka dumaan sa kwarto kanina, nabigyan sana kita."

"Ah! Mag a-apply lang naman po ako ng scholarship. Susubukan ko lang po."

Iyon naman talaga ang totoo.

"Oh, sige. Mag-iingat ka, ipapasundo na lang kita kay Draze. Huwag kang aalis ng walang kasama."

"Hindi-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang ibaba niya ang phone.

Ano?!

Ang kulugo na naman!

Hindi pwede!

Inis na inis akong tumuloy sa pagtahak ng daan papunta sa Admission Office para mag inquire.

Hindi naman natagalan at mabilis akong naasikaso. Binigyan ako ng sandamakmak na forms.

Natagalan ako sa pagfill up at pagpapalipat-lipat ng office kaya hindi ko namalayang 3pm na pala. Tumutunog na rin ang tiyan ko. Ang sakit din ng likod ko.

Tumayo ako naglakad na palabas. Nakasalubong ko ang maraming estudyante pero hindi ko na lang pinansin. Gusto kong umuwi!

Dumaan ako sa canteen. Naghanap ako ng bakanteng upuan. Nag order ako ng isang rice at chicken kasi nanginginig na ang katawan ko sa gutom.

"Hi! Wala ka bang kasama? Pwedeng makiupo?" Napaangat ang tingin ko sa nagsalita sa harap ko.

Nakangiti ang babaeng may hawak na tray na punong-puno ng pagkain.

"A-Ah! Sure!" sabi ko.

Umupo naman ito at nagsimulang kumain na parang walang tao sa harap niya.

"Dito ka ba mag-aaral?" tanong nito.

Napaismid ako. "Hindi ba halata?" bulong ko.

Tumawa ito nang malakas. Kumunot ang noo ko. "Oo nga pala! Anyway, I'm Liene Dylle Lorenzo! First year, BSA! Ikaw?"

"Alexis, BSA."

"OMG! For real? Sana magkaklase tayo! Ano full name mo?"

"Ay? Required pala."

Tumawa ulit siya. Nababaliw na yata ito. "Hindi naman pero interesting kasi! Alexis? Nickname ba iyan? Guto mo Lexi itawag ko sa 'yo? Lexi Lore?"

"WHAT?!" banas na banas na ang mukha ko. Sino ba ang babaeng to? Napipikon ako!

"Ano nga kasi full name mo?"

"Alzhierie Xenith," sagot ko.

( Al-zi-ye-ri Ze-nith )

Natulala siya. "Alzhierie Xenith? Alexis?"

"Bakit? May problema ka ba sa pangalan ko?"

"W-Wala! Paano naging Alexis iyon?"

Napailing ako. Kasi kahit ako hindi ko rin alam kung bakit Alexis ang nickname ko.

"See you, Alzhierie Xenith!" sigaw niya habang papalayo. Naglakad naman ako paalis pata umuwi na.

Paglabas ko pa lang ng gate ay bumungad na sa akin ang black na Mazda CX-30. Nakasandal ang nag-iisang anak ng demonyo.

"Anong ginagawa mo rito?" masungit na bulalas ko.

MASK OF SECRET SHADOWSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon