"And the best author award goes to!". Anunsyo ng emcee. Napahawak ako sa laylayan ng satin dress na suot ko at napahinga ng malalim.
"Miss Erina Martle". Napangiti ako ng malaki ng marinig ang palakpakan sa paligid.
finally.......
Nakipagkamay ako sa mga co-author na katabi ko bago maglakad papunta sa entablado.
Tiningnan ko ang paligid. Lahat nagpapalakpakan, lahat namamangha ng kinuha ko ang trophy at bouquet mula sa emcee.
Ibinigay nya saakin ang mic para sa isang speech.
"First i wanted to say thank you everyone for coming to this event tonight". Lalong lumakas ng hiyawan at naramdaman ko ang pagtulo ng luha mula saaking mga pisngi.
"And also to my team...wala ako kung wala kayo". Sinulyapan ko ang mga kaibigan ko sa tabi ng stage nakangiti sila at bakas ang pagkaproud saakin.
"And lastly, for myself.... thank you self! thank you Erina.... for not giving up despite of everything proud na proud ako sayo". Nagpalakpakan muli ang crowd at ibinalik kona sa emcee ang mic bago bumaba ng entablado.
Pagkatapos ng event ay nandito ako ngayon sa backstage kasama ang team ko. Nandito ako sa isang gilid at nakatingin sa salamin.
Pinagmasdan ko ang sarili ko..
ang ganda ganda mo Erina.....
Parang may humaplos sa puso ko maalala ang masasakit na nakaraan. Napapikit ako bago tumulo ang luha ko.
Nagawa ko.... Nagawa mo Erina...
- Cressida Orla
BINABASA MO ANG
Ms. Nobody Knows
RomanceShe knew everything but remained silent, she hates everyone and she is disenchanted... DISCLAIMER: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the...