Erina
"Nick stop it!". Inis kong binatukan si Nick gamit ang notebook ng hawak ko.
Pano ba naman kasi tinutulungan kong magcompute si Crizza ng sales sa counter at etong si Nickolas kanta nanaman ng kanta nakakabuwiset.
Si Crizza kasi ang nakatoka sa Cashier this week at bago bago lang sya kaya tinuturuan ko muna.
"Wooohhh yeahhh!". Tinakpan ko ang tenga ko dahil sa ingay ni Nickolas.
"Kuya hindi kami makapagfocus". Ani ni Crizza at bahagyang kinurot sa tagiliran si Nick.
"Ouch oo na eto na sabi ko nga tatapusin kona pagpupunas". Kakamot kamot ng batok na sambit ni Nick bago ituloy ang pagpupunas nya ng glass walls.
Napailing nalang ako dahil doon mag teten na ng gabi magsasarado na nga lang kami pero etong si Nickolas may pahabol pa na concert.
Ilang saglit pa ay pumasok si Mikko galing sa entrance hindi na ako nagulat doon dahil anak sya ng may ari ng pinagtratrabahuan ko at hindi narin ako nagulat kung kasama nya si Mika......
"Kuya it's late why dad ask us to go here arghh!". Maktol ng babaeng nasa likod nya.
ohh speaking of the devil.....
Magiisang taon na akong nagtratrabaho sa kanila pero nalaman ko lang na anak pala sila nina Mr. and Mrs. Chin ang boss namin nung birthday lang ni Mika.
Hindi ko kasi sya nakikitang magvisit dito at kung pupunta man sila ay kakain or di kaya manlilibre ng friends nya like a regular customers kaya wala akong naging ideya.
Sinalubong sila ng manager at nagkaroon ng unting paguusap about sa mga needs and reports ng resturant nila at saktong tapos na kami magaudit ni Crizza kaya tumayo ako para lumapit kay Nickolas.
"Tahimik ah?". I ask habang pinapanood syang punasan ang glass wall ng resturant.
"Huuu! Baka bigla akong tanggalin ng mga yan". Bulong nya kaya napangisi ako.
"Edi good may hiya ka pala?". Bahagya kong pinalo ang braso nya at dumaing naman sya ng overdramatic dahil doon.
"Aww yung biceps ko!". Sambit nya na nagpatawa saakin.
"Wala ka nun Nickolas umayos ka". Tawang sambit ko at kumuha ng basahan para tulungan syang magpunas.
"Meron kaya oh tingnan mo-". Akmang itataas ni Nick ang manggas nya ng sundutin ko ang tagiliran nya.
"Umayos ka nga". Tatawa tawang bulong ko at tinuloy ang pagpupunas.
Kahit hapon hanggang gabi ang shift namin ni Nickolas ay hindi ko naramdaman ang pagod dahil narin dito sa ungot nato. Ngumisi lang sya bago lumapit ng kaunti saakin.
"Pero seriously narinig ko yung ginawa ng kaibigan ni Mika sayo ah?". Sambit nito at napahinga ako ng malalim at naalala kung pano ako bastusin ng kaibigan ni Mika one month ago sa birthday nya.
"Totoo naman kase yung Nickolas ang saakin lang nakakabastos nagtratrabaho lang naman ako ng maayos". Sambit ko at nagspray ulit ng glass cleaner.
"Alam mo kung hindi lang syang customer nung time nayun nako nako hindi ko lang talaga naopen up sayo eh kahit last month payun...". Umirap si Nick na parang bading kaya napatawa ako.
"Hayaan mona tapos nayun Nick-". Napatigil ako sa pagsasalita ng may pumito sa likod namin paglingon ko ay nandoon si Mika habang nakataas ng kilay.
Ngayon ko lang napansin ang suot nito nakafitted strap red dress ito at nakaleather jacket na black mukang gigimik yata.
BINABASA MO ANG
Ms. Nobody Knows
RomanceShe knew everything but remained silent, she hates everyone and she is disenchanted... DISCLAIMER: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the...