Erina
"O anong bata ka hindi ka pa ba papasok!?". Kinalabog ng nanay ko ang pintuan.
Bwisit naman ang sarap ng tulog ko eh. Masakit panga yung bewang ko pero yung tuhod ko naman nilagyan ko nalang ng betadine. Ok naman na gasgas lang ang meron.
"Eto na po ma!". Sumigaw ako pabalik at narinig kong ang hakbang ng nanay ko pababa ng hagdan.
Napabuntong hininga ako bago icheck ang alarm ng phone ko.
Bat ba kase hindi nagring to!!......
Nang masulyapan ko ang orasan ng cellphone ko ay nanlaki ang mata ko Shit late na ako!!!
Agad kong kinuha ang twalya sa likod ng pinto bago pumunta ng banyo at nag madaling maligo.
First day of Second year ko pa naman mapapagalitan agad ako ng prof tsk...
Bwisit na Cellphone yun malag nanga hindi pa nagring tsk!.
Nag madali akong maligo halos isang pahid nalang nang sabon at kusot ng shampoo ang nailagay ko sa katawan ko.
Agad akong nagbihis ng uniform medyo malaki eto saakin at halos isang taon ko ng ginagamit medyo naninilaw narin dahil pinaglumaan lang eto ng anak ni Ate Nina na nakagraduate na.
Nang maiayos ang sarili ko ay agad kong kinuha ang bag kong Jansport at bumaba ng hagdan.
"Pasok na po ako ma!". Mabilis na sabi ko kay nanay ng makapagsapatos.
"Oh hindi kaba kakain?". Humarap sya saakin at napahinto ako.
May bangas nanaman kase sya sa pisngi siguro ay dahil sa away nila kagabi ni tatay
"Wala to anak-". Bumuga ako sa hangin.
"Ma naman eh kelan ba ako gigising ng wala kang sugat?". Nagaalalang sabi ko kay nanay bago lumapit sa kanya.
"Hayaan mona anak wag ka magalala pag nakaipon ako aalis tayo dito". Hinawakan nya ang pisngi ko.
Wala akong nagawa kung hindi tumango. Sobrang nasasaktan ako pag nakikita ko syang ganyan dahil sa pambabae ni tatay binubugbog nya pa si mama.
"Sige ma pasok na po ako". Ngumiti ako ng pilit bago ayusin ang bangs kong nagulo dahil sa pagmamadali ko kanina.
"Kumain ka muna Erina". Naglapag ng Itlog at hotdog si Nanay pero umiling ako.
"Di na po ma late narin po ako eh bye ma".
"Teka anak". May kinuha sya sa bulsa ng apron nya 500 daan iyon kaya napangiti ako.
"Sobra naman po yata yan ma". Kamot ulo kong sabi.
"Eto kunin mona maayos ang trabaho ko ha? manghingi ka nalang sa susunod saka tipirin mo yan". Sabi ni nanay kaya napatango nalang ako.
"Thank you ma alis na ako". Tumakbo na ako papuntang gate. At ng sulyapan ko ulit ang Cellphone ko 6:40 am na pala 7 ang pasok ko eh.
Nag madali akong lumabas ng subdivision at nagabang ng jeep.
Bwisit malayo pa naman dito ang Lillian University. Well wala na akong magagawa late na ako first day of school pa naman ngayon hystt!.
May humintong itim na pick up sa harapan ko at ng ibaba niyon ang bintana ay nagulat ako kung sino iyon.
"Get in Erina malalate na tayo". Sambit ni Theo na ikinakunot ng noo ko.
At nasa ko nalang napansin ang suot nitong uniform sa Lillian University rin pala sya nagaaral ha.
BINABASA MO ANG
Ms. Nobody Knows
RomanceShe knew everything but remained silent, she hates everyone and she is disenchanted... DISCLAIMER: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the...