Chapter 3

36 4 0
                                    

Erina

"Ano gusto mong kainin?". Theo asked ng asa pila ng kami.

"Ahh kahit ano nalang katulad nalang ng sayo". Sabi ko at bahagyang ngumiti.

"Kayong mga babae puro kayo kahit ano ang gulo gulo nyo". Asar nya saakin pag katapos ay nagsimula ng mag order.

Ng makuha ang order namin ay naghanap na kami ng upuan at ang napili namin ay malapit sa bintana.

"Salamat pala dito Theo". Sambit ko at bahagya syang ngumisi at nagsimula ng kumain.

"May bayad to babae". Asar nya saakin kaya inirapan ko sya.

May pag ka corny din pala ang isang to medyo masarap sya sapakin. Yung tipong tatagilid yung panga nya.

"Cute mo pag nangiirap isa panga". Sambit nya at inabot ang pisngi ko bago pisilin.

"Theo masakit!". Pilit kong tinanggal ang kamay nya.

"Sus o.a mo Erina ha". Binitawan nya na ang pisngi ko bago nagtuloy sa pagkain.

Nagsimula narin akong kumain at naisipan kong tanungin sya para mas makilala pa.

"Ah Theo bat ka pala bumalik ng pilipinas?". I asked at umiling sya. Bahagya nyang inayos ang nagulong buhok bago magsalita.

"My Parents are the owner of Lillian University". Kalmadong sabi nya na ikinagulat ko.

What? so all this time I'm with the president son.....

Nakahiya rin dahil mayaman pala ang isang to.

"Why?". Napansin nya ang pagtahimik ko.

"Ahh wala naman". Sambit ko at nagpatuloy sa pagkain.

"How about you Erina? kagabi lang kita nakita eh". Tanong nya at tumango ako.

"Ah oo nakapasok kase ako sa scholarship ng parents mo last year eh. Diba sampu lang yung slot? buti pinalad". i said at ngumiti sa kanya.

"Ah so flat 1 ang grades mo?". Tanong nya.

O.a. sa flat 1 ah hindi naman ako kasing talino ni Albert Einstein.

"Huy Hindi Ah pero matataas naman a
yung grades ko. Di nga lang flat 1". Sambit ko at bahagyang tumawa.

Pagkatapos namin kumain ay napagpasyahan na naming bumalik ng Lillian University. Maaga pa naman at meron pa kaming 30 minutes pero wala na kaming magawa eh.

Habang papasok Lillian University sinalubong kami ng tatlong lalake matatangkad ng mga ito at hindi ko madedeny na gwapo.

Nakipag apir ang tatlo kay Theo at ako naman ay nakatingin lang sa kanila.

Ang lalake sa gitna ay nakangisi ng mapatingin saakin habang ang isa sa kanan ay tiningnan ako mula ulo hanggang paa at ang nasa kaliwa naman at tinanguan lang ako.

Napataas ang kilay ko kinikilatis yata nila ako eh. Tiningnan ko ulit si Theo at ngumiti lang sya saakin.

"Ahh Erina sila yung friend ko this is Joshua". Turo nya sa lalakeng tinanguan ako.

Nginitian ko naman si Joshua at tumango lang ulit sya saakin like seriously bangang ba ang isang to? Charot!

"And this is Mikko don't mind him hindi lang talaga sya nakainom ng gamot ngayon". Sambit nito kaya natawa ako.

Si Mikko pala yung nasa gitna yung ngingisi ngisi at ng marinig nya ang sinabi ni Theo ay tinadyakan nya ito sa paa.

"Ouch bro!". Tatawa tawa naman si Theo.

Ms. Nobody KnowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon