Erina
"Hindi kana nagbago!! palagi ka nalang nambabae!!". Sigaw ng nanay ko mula sa kusina.
Ilang plato naba ang nabasag ngayong araw?
"Ano bang pakialam mo ha!!?? wala ka namang kwentang asa--". Agad kong inilock ang pinto at nagtalukbong sa kama.
Ganun naman halos gabi gabi eh sigawan dito sigawan dun. Hindi ko alam kung bakit pa nagsasama sila mama at papa.
Nakaramdam ako ng gutom dahil kumakalam na ang sikmura ko.
"Hindi pa pala ako nagdidinner". Tinanggal ko ang kumot at tumitig sa lumang kisame.
Agad akong tumayo at nagsuot ng hoodie kinuha ko agad ang pinataka ko bago tumalon sa bintana na usual ko ng ginagawa pag nagaaway ang parents ko.
Hi! Ako nga pala si Erina Martle 19 years old and 2 year colleges bilang BS Entrepreneurship sa Lillian University. Scholar lang ako pero hindi naman kami ganun kahirap kaso dumagdag pa ang pambababae ni papa.
Minsan panga inuwi nya dito at nadatnan sila ni mama na walang saplot sa mismong kwarto nila.
Kadiri.....
Nang makatalon ako sa bintana ay kaagad akong dumiretso sa 7/11 na malapit lang sa subdivision namin gumamit lang ako ng bike papunta doon at para kumain ng siopao.
Ng mabayaran kona ang ang siopao at tubig ay umupo ako sa upuan. Ako lang pala magisa dito at ang cashier. Well mas maganda yun magiging tahimik. Ayoko ng crowded places nakakairita.
Sinalampak ko ang earphone ko at nagpatugtog ng kanta at nagsimulang kumain. Nakatitig lang ako sa madilim na labas. May mga dumadaan na sasakyan pero hindi sya nagiging masakit sa mata.
Napatingin ako sa pintuan ng may pumasok na grupo ng mga nakaunipormeng kababaihan sa pagkakalkula ko ay hindi sila nag-aaral sa Lillian University.
Kailan ko kaya mararanasan yun? Papasok at uuwing may mga kasamang kaibigan?
Iniiwas ko ang tingin ko sa kanila ng may maramdamang kirot sa puso ko.
nakakainggit.....
Itinuon ko nalang sa pagkain ang ginagawa ko habang nakikinig ng kanta. Nang matapos ay napagpasyahan ko ng umuwi dahil mag alas syete na pala ng gabi. Kinuha ko na ang bike ko at nagsimulang maglakad hindi ko feel sakyan ang bike ko ngayon.
Tumahimik ang paligid ng makarating ako sa subdivision namin tanging ilaw lang ng poste at mga naka saradong bahay ang naririto.
Dinamdam ko ang simoy ng hangin. Ang sarap mabuhay, tahimik pag ganito. Walang ibang tao at tanging hangin lang ang maririnig mo sa paligid.
"Fuck!!!". Nakarinig ako ng boses ng lalake mula sa gilid ng puno.
"Sino yan?". Sigaw ko sa kanya ngunit ng walang sumagot ay napagpasyahan kong bilisan ang lakad ko.
"Bwisit!". Bulong ko at biglang may humawak sa kamay ko at napatili ako.
Agad nyang tinakpan ang bibig ko. Nagpumiglas ako ngunit may naramdaman akong baritonong bumulong sa tenga ko.
"Easy miss hindi kita sasaktan". Sabi nya pero nagpumiglas parin ako.
Nang makawala at kaagad kong tinadyakan ang ari nya.
"Putangina!". Sigaw nya at napadapa sa sahig. Namalipit sya at kinuha ko nayung dahilan para tumakbo.
Kaagad akong sumakay sa bisekleta ko at pinatakbo ito ng mabilis pero hindi pa ako nakakalayo ay bigla akong madulas sa humps.
Nagdirediretso ang bisekleta sa poste ng kuryente. Nang tumama ako doon ay naramdaman ko ang pagsakit ng tuhod ko.
mukang magkakasugat pa.....
"Aray!". Sigaw ko.
Nakita kong tumayo ang lalake at naglakad papalapit saakin. Shit anjan na sya!!!!!
"Wag moko lalapitan ipapapulis kita". Banta ko sa kanya at kinuha ang pepper spray sa bulsa ko at itinutok yon sa kanya.
"What? sa gwapo kong to muka ba akong mananakit". Sabi nya ng makalapit sya.
Naanigan ng ilaw ng poste ang muka nya. Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kung gaano sya kagwapo.
Tumikhim ako bago magsalita "Aba! malay ko ba kung rapist ka?". Sigaw ko sa kanya habang nakahiga parin sa sahig.
Naramdaman ko ang lalong pagsakit ng tuhod at balakang ko.
gusto ko ng umuwi......
Narinig kong bumuntong hininga sya bago napahawak sa ulo. "Tsk!". Naramdaman kong binuhat nya ako gamit ang isang kamay nya kinuha nya rin ang bisekleta ko gamit ang isa pagkatapos ay nagsimula na syang maglakad.
Napangiwi ako sa pwesto namin pero wala na akong nagawa masakit ang tuhod ko pero paano ba naman kasi nakayakap ang binti ko sa bewang nya.
Hindi na ako umimik dahil masakit narin ang binti ko. "Saan ba bahay mo miss?". Tanong nya at nangdumami na ang poste ay saka ko lang nakita ng malinaw ang muka nya.
Perfect jaw line is screaming masculine, his nose is almost perfect and those almond brown eyes really caught my attention.
ang gwapo shit!!!!........
"Natakot ba kita kanina? Pasensya na nadulas kase ako". Sabi nya habang naglalakad at buhat ako.
"Ano ba kasing ginagawa mo dun? ano ka aswang? so annoying ahh!!". Iritable kong sagot.
Tumawa sya ng mahina "My friends pranked me they left me there those bastard!!". Sabi nya at medyo kumunot pa ang noo.
Agad akong nakaramdam ng awa sa kanya.
"Pasensya na kanina". Paghingi ko ng tawad at agad syang ngumiti ng maliit.
"Ok lang". Sabi nya at itinuro ko na ang bahay namin at saka ibinaba nya ako.
"Why did they pranked you". I asked at bumaba na sa pagkakabuhat nya.
"Saan kaba nakatira?..But you know you can use my bike ibalik mo nalang bukas". Agad ko syang nginitian.
"Oh really?". Sabi nya at agad akong tumango.
"Uhmm dito lang din sa subdivision nato kaso doon sa gawing dulo pa pero wag ka magalala ibabalik ko nalang bukas". Sabi nya at sumakay na sa bike.
"Sige ingat pala sa pagdradrive". Sabi ko at kumaway.
"Oo nga pala mukang nakalock na yang bahay nyo ah? Paano ka papasok?". Sabi nya habang nakatingin sa nakakandadong gate namin.
"Ah yan ba? Sasampa ako sa bintana". Sabi ko at malapad na ngumisi sa kanya.
"What? delikado yan miss!". Sabi nya at inirapan ako.
Tumawa nalang ako ng mahina at ibinigay ang kamay ko sa kanya "Erina nga pala...Erina Martle". Sabi ko habang nakalahad ang kamay sa kanya.
"Theodore...you can call me Theo nalang". Sabi nya at nakipagkamay saakin.
"Sige pasok nako see you bukas". Sabi ko at sumampa na sa gate para umakyat papuntang bintana.
"Careful Erina hindi ka pusa para magkaroon ng eight lives tsk". Panenermon nya pero tinatawanan ko lang sya.
Nang makaakyat na ako ng balcony ay kinawayan ko sya at nagpaalam. Hindi ko alam pero parang ang gaan ng loob ko sa kanya, o baka dahil nagkasundo agad kami.
Kumaway sya pabalik at nagsimula ng patakbuhin ang bisekleta at nang mawala na sya sa paningin ko ay saka lang ako pumasok ng kwarto ko at napangiti ng malaki.
"The hell are you thinking Erina". Sabi ko sa sarili ko habang nangingingiti. Agad kong nahiga ng dahan dahanbago magtalukbonh sa kama at nagsimulang magpahinga.
- Cressida Orla
BINABASA MO ANG
Ms. Nobody Knows
RomansaShe knew everything but remained silent, she hates everyone and she is disenchanted... DISCLAIMER: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the...