Erina
"Ihatid na kita". Sabi ni Theo nang makalabas kami sa room ng last subject namin pero umiling ako.
"Wag na maaga pa kase ako sabi ng manager need daw pumunta ng maaga sa resturant may gagawin daw eh". I said habang naglalakad kami ni Theo.
Biglang may humawak sa kamay ni Theo at paglingon ko nakita ko si Mika. Nakangiti ito sa kanya.
"Oh Mika bakit". He asked
"Punta ka mamaya ah?". Mika said.
Nilingon ako ni Theo kaya tinanguan ko sya saka ano bang nililingon nya akala nya nagseselos ako?
syempre char...."I'll try Mika". Theo said at pumagitna si Mika saamin. Like hello nandito ako teh ako yung kasama ni Theo o respeto naman nabunggo nya pa ang braso ko.
"Why you didn't tell me na nakauwi ka na pala nung nakaraang linggo pa? kung hindi kopa tinanong kay Mikko di pa kita makikita". Mika said habang naka hawak sa braso ni Theo.
"Uhm nabusy". Theo said uncomfortably
"Nagpalit ako ng course para sayo". Mika giggled na parang sila lang ni Theo ang nasa pathway.
kaya pala.......
I saw the determination in her eyes kaya kinuha ko iyon na paraan para lumayo sa kanila. Well hindi naman ako kasama doon eh hindi ko naman kaclose si Mika.
Halata naman sa babae na may gusto sya kay Theo kaya sino ba naman ako para maglagi pa roon mukang miss na miss nya nga eh.
edi kayo na bagay....
Nakita ko pang nilingon ako ni Theo pero binilisan ko na ang lakad hanggang sa makarating ako sa waiting shed ng school.
"Erina!". Sigaw ng pamilyar na boses.
Nilingon ko iyon at nakita ko di Nickolas na hinihingal patakbo saakin.
"Anyare sayo?". I asked at pinunasan ang pawis nya gamit ang panyo kong hindi ko naman nahawakan kanina.
"Kanina pa kita hinahabol bakit ba ang bilis mong maglakad tawag ako ng tawag sayo". Sabi ni Nick at yumuko lalo para magpapunas ng pawis.
Nanlaki ang mata ko ng marealize kung gaano sya kalapit saakin. Muka tuloy kaming magjowa na naglalambingan sa tabing kalye.
Nang marealize din iyon ni Nick at lumayo ito at nakita kong namula. Umiwas ako ng tingin at hinayaan ko nalang sya na magpunas sa sarili nya.
tutal damulag naman sya....
"Ha? sorry hindi ko napansin eh nagmamadali kase ako diba need daw ng maaga sabi ni Manager? bakit kaya?". i asked Nick again.
"May event daw na need ayusin eh ipapasara buong restaurant mamaya pero hindi kona nasagap kung anong event". He said at ng may makitang jeep ay pinara nya iyon.
Sabay kaming sumakay at sya narin ang nagbayad ng pamasahe namin.
Nang makarating kami sa Chin Restaurant ay napansin kong busy na ang lahat. May kanya kanyang ginagawa habang nagdedecorate ang iba naman ay nasa kusina. Dumiretso kami ni Nickolas sa staff room at nagpalit ng uniform.
Pagkatapos niyon ay tumulong na kami mag ayos. Ako ang naatasan para mag lagay ng table cloth at mga plato sa lamesa si Nick naman ay nasa glass wall naatasan para takpan ng kurtina ang paligid.
Ganun nalang ang panlalaki ng mata ko ng makita ang invitation area. Sinilip ko iyon at nalaman ko na kung anong event ang gagawin.
birthday ni Mika!
BINABASA MO ANG
Ms. Nobody Knows
RomanceShe knew everything but remained silent, she hates everyone and she is disenchanted... DISCLAIMER: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the...