THIS BOOK IS RATED SPG. EVERYTHING THAT YOU WILL READ IN THIS BOOK IS FICTIONAL AND BASED ON MY OWN MIND. IF THERE IS A RESEMBLANCE TO ANY PAST, PRESENT OR FUTURE IS PURELY INCIDENTAL. THANK YOU AND HAPPY READING!
DANILO QUIAMBAO
Napahawak ako sa ulo dahil sa hilong naramdaman. Napadaing ako nang magalaw ko ang braso kong puro pasa ata dahil sa hapdi at sakit na naramdaman ko roon.
Inikot ko ang mga mata ko para hanapin ang damit kong nakakalat sa kung saan.
Isang araw na naman ang lumipas na wala akong ginawa kung hindi ang maging pokpok. Oo, pokpok. Taga pukpok ng mga lalakeng walang magawa sa buhay at puro libog lang ang alam.
Paika-ika akong lumakad papunta sa banyo at pinagmasdan ang katawan ko sa salamin. Napapikit ako dahil marami akong kiss mark sa leeg pababa sa dibdib ko.
Tang inang buhay 'to.
Wala naman akong magawa dahil kung hindi ko ito gagawin ay magugutom ako. Ako at ang Lolo kong may sakit nalang ang natitira sa amin. Ang ama ko ay hindi ko na mahagilap dahil minsan uuwi at minsan ay hindi. Pero mabuti na iyong wala sya. Walang mananakit sa akin. Ang nanay ko naman ay wala na rin, buhay pa sya pero hindi ko na sya nakita pa simula bata ako. Iniwanan nalang nya ako kasama si tatay. Hindi na ata nya matiis ang buhay na binigay sa kanya kaya naman pinili nalang nyang umalis.
Makasarili amputa. Hindi man lang naisip na may anak sya.
Napabuntong hininga nalang ako sa naisip. Gagong buhay na ito! Gusto kong mag wala pero para saan? Hindi ako mapapakain ng galit.
Kaya naman ang galit ko ay napalitan ng lungkot. Habang nakatingin sa sarili ay naiyak ako. Umiyak nang umiyak.
Hanggang dito nalang ba talaga ako?
Ang sabi sakin ni Boss Pol hanggat hindi ko raw nauubos ang putang inang utang ni Tatay roon ay hindi ako titigil sa pagtatrabaho sa bar nya.
Bakit ganon? Hindi naman ako ang umutang pero ako ang magbabayad?
Mahigit isang taon na akong nagtatrabaho doon. Mabuti nga at hindi ako nagkakasakit dahil halos araw araw iba ang kasama ko.
Pero mamaya ay makakapag pahinga ako dahil huwebes ngayon.
Naglinis na ako ng katawan at nag bihis ng suot kong manipis na shirt at short shorts.
Sa mga hindi nakaka alam bading ako. Oo bakla, salot sabi ng iba pero wala akong pakialam.
Salot man ako sa akin pa rin napunta ang mga asawa nila.
Nilagyan ko ng make up ang sugat at pasa ko. Mabuti nalang at nakabili ako ng ganito.
Pinagmasdan ko ang medyo may katandaan na lalake sa kama.
Isa lang ang rule ko. Hindi nila ako maiikama kung wala silang proteksyon. Sinisigurado ko yun.
Lumapit ako sa kanya at pinulot ang pantalon nya sa sahig. Kinuha ko ang wallet nya at tinignan iyon.
Tang inang ito. Pamilyado na at lahat ay naghahanap pa ng pokpok.
Inis kong itinapon ang pantalon at binulatlat ang wallet nya.
Mukhang kakasahod lang ni kuya dahil marami syang pera. Kumuha ako ng anim na libo at ibinagsak ang wallet sa kama.
Mataas ang charge ko dahil sa magaling ang serbisyong binibigay ko.
Mula ulo hanggang paa, mata mo lang ang walang latay sa akin. Kaya naman sulit na sulit ang bayad sa akin.
BINABASA MO ANG
Seductive Series #2: DANNY (BXB) (COMPLETED)
RomanceCOMPLETED! STARTED MAR 11, 2024 END JULY 17, 2024 HIS NAME IS DANNY This story is rated SPG - if you are not into R-rated stories skip it. Also this story is BL or Boys Love. Homopobia is not allowed, if you are not comfortable with this genre kind...