Chapter 8

218 9 1
                                    

DANNY

Sobrang saya ng feeling ko ngayon dahil sa napagusapan namin ni Tito Zeus kanina.

Pag aaralin nya ako. Makakapasok na ako ulit sa eskwelahan. Hindi ko mapigilan ang magalak dahil gustong gusto ko talagang mag aral.

Humiga ako sa kama at napapikit.

"Masaya akong masaya ka ngayon apo." Napalingon ako ng magsalita si Lolo.

"Salamat lolo. Ito talaga ang pangarap ko. Alam mo naman na ito ang huling sinabi sakin ni nanay bago sya mawala diba?"

"Alam ko apo. Natatakot lang ako. Marahil ay hindi ganoon kabuo ang tiwala ko kay Zeus dahil narin siguro sa nangyare sa nakaraan." Huminga muna ako ng malalim bago umupo sa kama.

"Lolo wag mo nang alalahanin iyon. Ibaon na natin sa limot ang mga nangyare. Bago na ang buhay natin ngayon."

Hindi na nagsalita si lolo. Nag alala naman ako dahil hindi pa ganoon kaayos ang lagay ng kalusugan nya.

Naiisip kong kausapin si Tito Zeus para ipatingin si lolo sa doktor.

Muli akong nahiga at nang pumikit ako ay biglang nag flash ang mukha ni Lord sa utak ko.

Mabilis akong napadilat dahil tumibok ng mabilis ang puso ko.

Shit. Bigla bigla nalang syang nag popop sa utak ko.

Ang maganda nyang mata, ang mahaba at malambot nyang buhok. Kahit sino ata ang makakita sa kanya ay maaakit sa karisma nya.

Napalunok ako sa naiisip. Bakit ba bigla nalang bumibilis ang tibok ng puso ko? I dont like it.

Pinilig ko ang ulo at pilit na inaalis sa isipan ang mukha nya.

Paano kaya kung mahalikan ko ang mapulang labi na iyon?

Nakagat ko ang labi ko. I dont like the thought pero hindi maalis sa isip ko.

Crush ko ata sya. Natawa ako sa naisip. Bata ka pa ba Dandan?

Naalala ko ang pag uusap namin ni Tito Zeus kanina about sa sexuality ko.

FLASHBACK

"If you dont mind me asking Dandan, you are gay right?"

Hindi ko talaga gusto ang usapang ito sa totoo lang dahil laging tukso at kung ano ano pa ang naririnig ko.

"Yes po."

"Kaya ka ba napunta sa bar na iyon?"

Napalunok ako dahil nahihiya ako sa kanya.

"O-opo. Actually si Tatay at ang tatay ni Boss Pol ay dating magkaibigan. Hanggang sa nalulong si tatay sa sugal at umutang ng umutang sa tatay ni Boss hanggang hindi na sya nakabayad. Namatay nalang si Tatay na hindi nya iyon nababayaran kaya kami ni Lolo ang sinisingil nya. Noong nakakapagtrabaho pa si lolo ay nababayaran nya sila ng konti pero hindi po iyon sapat. Kaya naman noong nakatapos na ako ng pag aaral ay iba iba ang pinapasukan kong trabaho. Hanggang sa sinabi sakin ni Boss na doon ako sa bar magtrabaho hanggang mabayaran ko ang utang ni tatay sa kanya... Pero kahit ata magtrabaho ako doon habang buhay at lumuwag ng sobra ang katawan ko kakabenta sa sarili ay hindi ko sila mababayaran."

Napalingon kaming lahat ng maubo ang asawa ni Tito Zeus at kahit hindi nila napansin ay nakita ko ang pagrehistro ng pandidiri sa mukha nya. Napatungo tuloy ako ng bahagya.

"Wag ka mag alala. Ako na ang bahala sa bagay na iyon. Walang problema sa akin ang sexuality mo. Sa totoo nga ay suportado ko ang ganyang bagay dahil wala namang masama roon. Kung ano ang gusto mo ay ayos lang." Nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko ay hahawakan nya ako sa leeg about sa sexuality ko. Mabuti nalang ay naiintindihan nya kami.

Seductive Series #2: DANNY (BXB) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon