DANNY
"I LOVE YOU." napadilat ako at napabuntong hininga. Nakatulog pala ako habang nag hihintay kay Lordeus sa sasakyan. Sabi nya kanina ay sabay kaming uuwi. Tumingon ako sa relo ko at nakitang 11pm na pala. Mahigit isang oras na akong nag hihintay dito.
Parehas na malungkot na panaginip. Malabo ang mukha ng lalake at hindi pamilyar ang pigura nya sa akin. Pero ramdam ko ang pagka sinsero ng mga katagang iyon. Na para bang buong pusong sinasabi para lang sa akin.
Kumirot ang dibdib ko at huli na ng mapagtanto ko na lumuluha na pala ako. Natigilan ako at mabilis na nag punas ng mga mata, pero para bang sobrang lungkot ng puso ko at ang kaninang pag luha ay naging hikbi hanggang sa humagulgol na ako. Kumapit ako sa dibdib ko dahil sa labis na lungkot.
Para bang may hinahanap ang mga mata ko at hindi ko mapigilan na halughugin ang loob ng sasakyan ni Lord.
Hindi tumitigil ang luha ko sa pagpatak hanggang sa lumingon ako sa likuran at nakita ang polo ni Lord. For some reason ay mabilis ko iyong kinuha at niyakap. Unti unting kumalma ang puso ko. Amoy pamilyar na pabango ang naamoy ko sa polo ni Lord na para bang may kung ano sa amoy na iyon na nagpakalma sa akin.
Pinunasan ko ang mga mata ko at sumandal sa upuan ng sasakyan. Hindi ito ang unang beses na nagkaganito ako. Simula ng magising ako sa aksidente ay hindi na naging maayos ang state of mind ko. Para bang may gumugulo sa akin na hindi ko maintindihan. Lihim rin akong nagpapa therapy dahil dito. Alam rin iyon ni tito Zeus, kausap ko sya madalas at sya lang ang naging kasangga ko sa lahat.
Him and Tita Hanna are in Hawaii right now at nagbabakasyon doon. Medyo matagal na simula nung pag alis nila pero deserve naman nila iyon. Tito has been working non stop at kung hindi ko pa sya pipilitin ay hindi nya bibitawan ang paghahandle sa negosyo at pansamantalang ibigay iyon kay Lordeus.
Nakita ko si Lord na naglalakad na palapit sa sasakyan kaya binato ko na ang basang polo nya sa likod ng sasakyan at nagpunas muli ng mata. Pinatay ko ang ilaw ng sasakyan at hinintay nalang sya.
"Sorry, I just got a phone call and short meeting kay Tristan."
Si Tristan, bestfriend ni Lordeus. Hindi ko naman sya masyadong kilala dahil minsan lang kami magkita sa Isidro Corp. Sabi nila mabait at jolly daw si Tristan.
Tahimik lang ako at hindi na sya sinagot. Kita ko ang bahagyang pagbabago ng emosyon nya. Mukhang kinakabahan ang itsura nya ngayon. Bakit kaya?
Kinabit ko na ang seatbelt ko at tumingin nalang sa labas ng bintana.
"K-kumain ka na ba? We can stop sa fast food bago umuwi."
Sa totoo lang ay mahina akong kumain after ng aksidente ko. Medyo malala kasi talaga ang tama sa ulo ko noon, sabi ng doktor ay babalik naman daw ang apetite ko pero magsasampung taon na ang nakalipas hindi pa rin umaayos ang lagay ko.
Siguro parte na ito ng buhay ko ngayon.
"Hindi na. Kung gutom ka pede ka naman bumili." Natahimik sya at mukhang nag iisip. Bakit pa nya iisipin? Pede naman talaga syang kumain kung gusto nya.
Hindi na sya sumagot at nag suot nalang ng seatbelt. Sa gilid ng mata ko ay minamasdan ko si Lordeus. Hindi ko maikakaila ang kagwapuhan nya. Mas matured na ang itsura nya ngayon kesa dati. Mas lumaki at naging buff din ang katawan nya. Habang ako ay nag matured din pero mas naging payat ako. Pero kahit payat ako ay healthy pa rin ako. Regular ang check up ko sa doktor. Doctor Gio Orcullo ang name ng doktor ko.
Tahimik lang ang naging byahe namin. Medyo traffic kahit gabi na. Nakakalumbaba ako habang nakatingin sa labas.
Minamasdan ang mga ilaw... Minsan naiisip ko bakit hindi ko na maalala ang ibang importanteng nangyare sa buhay ko. Akala ko pelikula ang buhay ko na after a few months ay babalik na sila agad, pero... Mali pala ako. Reyalidad daw ito sabi ng doktor. Hindi daw totoo iyon na mabilis mo maaalala agad ang mga nakalimutan mo na. Marami raw mga tao na nagka temporary amnesia ang hindi na bumalik ang alaala. Pero sabi nya na maayos na raw iyon para makagawa ng bago.
BINABASA MO ANG
Seductive Series #2: DANNY (BXB) (COMPLETED)
RomanceCOMPLETED! STARTED MAR 11, 2024 END JULY 17, 2024 HIS NAME IS DANNY This story is rated SPG - if you are not into R-rated stories skip it. Also this story is BL or Boys Love. Homopobia is not allowed, if you are not comfortable with this genre kind...