Chapter 11

196 7 1
                                    

DANNY

Mabilis lumipas ang mga araw at parang panaginip ang lahat. May mga araw na hirap akong sumabay sa lessons sa klase pero madalas ay kaya ko naman.

Maayos na ang lagay ni lolo dahil napa check up na sya at nabigyan ng tamang gamot kaya naman mabuti na ang kalagayan nya. Nakakuha din sya ng bagong hobby na manood ng tennis malapit sa village namin kaya madalas doon sya nakatambay.

Madalas rin akong bullyhin ng mga studyante sa Bluefield pero hindi ko naman sila pinapansin. Isa lang ang kaibigan ko sa room namin. Si Vinny, isang bisexual. Pero more on femme ang itsura nya. Natatawa nga ako minsan kasi madalas nyang sinasabi sakin na kesyo top daw sya kahit ganon sya ka femme. Pero I dont think na may experience sya.

Hindi ko kwinekwento na dati akong nagtatrabaho sa bar at isang VIP entertainer. Nakakahiya baka kumalat pa at madumihan ang pangalan ni Tito Zeus.

Isa ito sa dahilan kaya ayaw kong magpa ampon sa kanya. Nahihiya ako baka may makakilala sa akin at pag na link ang pangalan ko at pangalan ng mga Isidro ay masira ko sila. Ayaw ko mangyare iyon. Tama nang ang pangalang Quiambao nalang ang masira.

Nasa cafeteria ako at kinakain ang binili kong Pasta at Garlic bread. Walang ulam dito which is nakakainis. Puro sosyal ang pagkain. Pesto pasta at garlic parmasen bread. Sus! Spaghetti at tinapay lang ito kung tutuusin.

Hindi ko na namalayan na lumapit na pala si Vin sa akin at nilapag rin ang pagkain nya sa table. Honey chicken and veggies ang pagkain nya. Naaasiwa na ako doon dahil yun ata ang nauna kong kinain simula nung makapasok ako sa Bluefield.

"Gurl alam mo bang palagi kang tinitignan noong captain ball ng varsity team natin." Natigilan ako sa pagkain.

"Sino naman yun?" Takang tanong ko. Napataas naman ang kilay nya.

"Gaga ka, hindi mo kilala? Si Cross Livingston yan! Captain ball ng Bluefield 2nd year na sya. He's 19 years old and alam ko nag momodel sya sa bench at iba pang sikat na brand." Napatango naman ako. Walang interes sa sinasabi nya. Ano naman kung marami na syang accomplishments? Edi good for him.

Sinubo ko nalang ang pasta ko at kumagat ng garlic bread. Nabulunan ako ng hampasin nya ako sa balikat.

Umubo ubo pa ako at inabutan naman nya ako ng tubig. Inis ko syang tinignan. "Ano ba Vin! Papatayin mo ba ako?!" Bwiset na bwiset kong sabi sa kanya.

"Ano ka ba! Ayan si Cross tignan mo papalapit satin!" Hinihila hila nya ang braso ko kaya paranh nahilo tuloy ako sa dami ng komosyon. Hinigit ko ang braso ko at inis na nilingon ang tinuturo nya.

Papalapit nga sa amin ang lalake... Wait lang... Parang kilala ko sya.

"Hey... I see you again."

"Malamang may mata ka." Bara ko rito. Kinurot naman ni Vin ang tagiliran ko. "Aray!"

"I saw you sa PolSci building. Magkalapit lang ang building natin. Sa Business Ad ang room ko. Maybe I can visit you some time?"

"Bakit may sakit ba ako?" Natawa ito sa pambabara ko. "Hard to get. I see... Anyway. See you later." Paalam nya. Inirapan ko nalang sya. Wala ako sa mood makipaglandian. Lalo na naaalala ko ang paguusap namin doon sa bar.

Niyaya nya ako mag 'hook up'. I think he just wants my body and I promised myself na never na ulit ako magbebenta ng laman para sa barya.

If I want to do it I will do it with someone I love. Someone like... Lordeus.

Oo, nahulog na talaga ang lola mo sa kanya. Jusko naman kasi si tito laging sabay kami papasok at uuwi. Kapag may pupuntahan ako ay kasama sya. Lagi kaming magkasama... Paanong hindi maiinlove ang katulad ko sa literal na dyos na si Lord.

Seductive Series #2: DANNY (BXB) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon