Zeus Isidro POV
I was asleep when our homephone rang. Napadilat ako at pumupungas pang umupo sa kama bago sagutin ang tawag.
"Hello?" I glared at the clock on our bedside table. Its already midnight. Lumingon din ako kay Hanna na natutulog pa sa tabi ko.
"Hello po? Si Mr Isidro po ba ito?"
"Ako nga. Sino ba ito?" Takang tanong ko.
"Si Sgt. Katigbak po ito. Police ng area 12. Nandito po ang anak nyong si... Lordyus... Lordeus Isidro. Napa trouble po sya kanina sa may Criminal bar dito sa malapit. May sinuntok po, agaw buhay." Napatayo ako sa narinig.
"Ano?! Sandali papunta na ako." Nagmamadali akong nagbihis.
"Zeus? Bakit gising ka?" Napalingon ako kay Hanna na nagising na pala sa komosyon ko. Lumapit ako sa kanya at hinalikan sya sa pisngi.
"I'll just be out for a minute. Matulog ka lang. I love you." Tumango ito at bumalik na sa pagkakatulog.
I grabbed my coat at lumabas na ng kwarto.
What hell did you do now Lord. I cant believe my kid will stress me out in the middle of the night.
I immediately drove the car. Im nervous as how can we handle this. Is there gonna be media? Who did he hit. Is he famous. Who knows, right?
I grabbed my phone and dialled Sandra's phone number. It took a while before shr answers.
"Hello?" Looks like I just woke her up.
"Sandra I need help. Can you go to Area 12 police station. My kid is in trouble."
"Zeus? O-okay. Im on my way. Malapit lang yun dito."
"Okay thanks." Pinatay ko ang tawag. I called my secretary para ipacheck kung may media ba doon ngayon. Malapit lang din sya sa lugar na iyon.
I sighed. Stress will kill me. Napahilot ako ng sintido at inapakan ang selinyador para bumilis ang andar ng kotse.
My phone rang at ang secretary ko iyon.
"Mr. Isidro, nandito po ang ABC news pati TV Larga. Iniinterview po yung mga police at ibang witnesses." Mas binilisan ko ang takbo ng kotse.
"Sige sige malapit na ako." Tinawagan ko ang contact ko sa police station.
"Hello Chief? Pwede ba humingi ng pabor?"
Pinaliwanag ko ang nangyare at sumang ayon naman sya.
"Sige sige. Kakausapin ko ang mga tao ko dito para paalisin ang media."
Nakahinga naman ako ng maluwag. Mas less exposure sa media mas maganda.
"Salamat chief. Malapit na rin ako sa station."
Inabot pa ng ilang minuto ang byahe at narating ko na ang police station. Marami ang tao sa labas, iilan dito ay namumukhaan ko ang ilan ay hindi.
Pagbaba ko ng kotse ay nilapitan ko ang kumpol ng tao doon.
"Sabi na pahamak talaga ang taong iyon e." Si Tristan ang nagsabi noon. Sino ang tinutukoy nila?
"Hindi naman natin alam bakit nagalit nalang si Lord." Sabi ng lalakeng may katangkaran. May mga hikaw ito sa tenga at bibig.
"Tss... Nasaan na ngayon yun? Diba nasa hospital kasama si Cross... Gagong iyon, pag nakita ko iyon tatamaan yun sakin. Tyaka-- Tito!" Nakita ako ni Tristan kaya naman nilapitan na nya ako.
"Tristan.. nasaan si Lord?"
"Nasa loob po. Kanina po may media dito dalawa pilit iniinterview si Lord pero hindi po sya nagsalita. Nasa loob din po yung nagpakilala na assistant nyo."
BINABASA MO ANG
Seductive Series #2: DANNY (BXB) (COMPLETED)
RomanceCOMPLETED! STARTED MAR 11, 2024 END JULY 17, 2024 HIS NAME IS DANNY This story is rated SPG - if you are not into R-rated stories skip it. Also this story is BL or Boys Love. Homopobia is not allowed, if you are not comfortable with this genre kind...