KABANATA 5

547 42 1
                                    

Walang inaksayang panahon si Ysabelle. Hindi pa man din nakakaalis sa bahay nila ang nagkabit ng bagong linya ng telepono, cable at WIFI sa bagong bahay nila ay nagkulong na ito sa sariling silid, binuhay ang laptop at iba pang mga gadgets na bitbit niya mula pa sa Maynila.

"O my G-d! I my G-d!" Kinikilig na wika ni Ysabelle nang makita na niya ang pangkunekta ng WIFI sa kanyang mga gadgets.

Agad s'yang nag-login sa lahat ng kanyang mga social media accounts kasama na ang videochat kung saa'y naghihintay na sa kanya ang dalawang kaibigang babae.

"Guess what guys?!" Sabi niya sa mga kaibigan sa harapan ng webcam bago niya ito iniikot ang lense sa loob ng kanyang kuwarto. "I am now an official princess." Nang bumalik na ang focus ng camera sa kanyang mukha.

"Wow, Ysa...ang ganda naman ng kuwarto mo!" Wika ng isa sa kanyang dalawang ka-chat na si Kathryn.

"Kuwarto ko pa lang 'yan." Pagpapahili ni Ysabelle, "wait na lang kayo kapag nakita niyo ang buong bahay."

"Grabe." Pagsingit naman ng isa pa n'yang ka-chat na si Jennilyn. "Ang suwerte-suwerte niyo naman girl. I remember, worried na worried ka na baka hindi mo magugustuhan ang lilipatan niyo dahil akala mo ay old house."

"Oo nga eh, pero past na 'yun...nandito na ako! And girls...lima na ang sasakyan namin! At sobrang ganda nitong bahay, super modern and sobrang lapit sa town."

Bumakas din naman agad sa mukha ng mga kaibigan niya ang pagkagalak sa kanya.

"So, kailan mo naman kaya kami maiimbitahan diyan?" tanong ni Kathryn.

"As soon as maayos na namin ang buong bahay at maasikaso ang dapat asikasuhin. Sabi ni Mommy, puwede ko raw kayong imbitahan sa fiesta rito a couple of months from now!"

"Talaga?!" Magkasabay na bulalas ng mga kaibigan niya. "Nakaka-excite naman 'yan." Ani Jennilyn. "Oy, aasahan namin 'yan ha?" Ani Kathryn.

"Oo naman."

***

"Ysabelle." Wika ni Chad habang nasa harapan sila ng hapag-kainan, "baka naman wala ka nang aatupagin dito kundi ang magkulong sa kuwarto mo at magkutingting niyang mga gadgets mo. Huwag mong kalilimutang tulungan ang Mama mo, lalo na kapag bumalik na ako sa pagtatrabaho, ha?"

"Don't worry po," masigla naman ang bukas ng mukha ni Ysabelle, "I will have a schedule for that po."

Tumango naman si Chad, "at ikaw naman Kristoff, tutulong ka rin ha? Hindi puwedeng puro laro lang."

"Ako pa." Pagmamayabang ni Kristoff, "ulirang anak yata ako."

"Sus!" Ginulo ni Carolina ang buhok ng anak na lalaki.

"Ulirang anak?" nakabungisngis na pagsabat ni Ysabelle, "ang sabihin mo, Mama's boy! Palibhasa, tatlong taong gulang na bago naawat sa tsupon!"

"Eh ikaw..." sagot naman agad ni Kristoff sa panunukso ng kapatid.

"Oh ano ako?"

"Problem child!" Sinundan ito ng malakas na pagtawa ni Kristoff, "naturingang mas matanda sa 'kin, utak sanggol, kaunting hirap lang, ngawa nang ngawa, kulang na lang magsuot ka ulit ng lampin!"

"Yabang!" Sagot ni Ysabelle.

"Bakit? Totoo naman ah! Isa ka na ngang queen eh!"

Nangunot ang noo ni Ysabelle, "Queen?!"

"Oo, Queen, Ungalo Queen dahil do'n ka magaling..." muling humalkhak ang binatilyo.

Hinataw naman agad ni Ysabelle ang braso ng kapatid

MHST 3:  Ang BalonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon