KABANATA 18

494 42 6
                                    

"Senyorita Adella," pagtawag ng mayordoma sa dalaga habang nakikipag-usap pasi Adela sa pamilya Veloso sa hardin.

"What?"

"May bisita po kayo sa labas. M-mga pulis po." Tila ninenerbyos ang mayordoma. "Gusto raw po kayong makausap. Importante lang daw po.

"Sige papasukin mo. Pakihatid na lang sila rito sa Hardin."

"Sige po." Agad namang humangos paalis ang mayordoma.

Ilang saglit pa'y bumalik na ito kasama ang tatlong alagad ng batas na nakatutok sa kaso ni Santino.

"Kailangan niyo raw akong makausap?" Si Adella na ang sumalubong sa mga ito habang nakabuntot naman sa kanya ang pamilya Veloso..

"Kusang sumuko sa amin ang asawa ni Santino Herrera na nangngangalang Divina kanina lang. Umiiyak at nagpapaditine gayung wala namang kasong isinampa sa laban kanya rito. Sabi namin eh ayaw naming matrobol for illegal detention, kaya nakiusap na lang ito na makausap ka sa personal."

"Ako? Bakit ako? Hindi ko naman siya kilala."

"Pero kilala ka raw niya."

"Eh nasa'n siya ngayon?"

"Nando'n sa labas ng gate ng dating kintatayuan ng bahay ni Dr. Montecillo. Kung maaari lang daw ay ikaw lang ang makausap niya."

Napahilot sa sentido si Adella, "just when I thought I can finally have a break from that stupid property."

***

"What do you want from me?" Walang paligoy-ligoy si Adella.  Iyon agad ang itinanong niya kay Divina sa pagkapasok pa lamang nito ng gate. "Ang sabi ng mga pulis, nasa labas ka lang ng gate, paano ka nakapasok dito sa loob, hindi mo ba nabasa ang malaking sign na No Trespassing sa labas?"

Humarap na nakasimangot sa kanya ang babae, "sa wakas, nakita ko na rin sa personal ang mala-anghel na mukha ng isang demonya."

Naghalukipkip muna si Adella saka nito nginisian di Divina, "anong pinagsasabi mo?"

"Hayup ka! Sinet-up mo ang asawa ko! Kung ang mga tao, kahit na ang mga alagad ng batas ay napapaikot at naloloko mo, ibahin mo ako. Anak ka nga ng kriminal mong ama na si Dr. Montecillo. Ano, nagulat ka? Alam ko rin ang baho ng pagkatao mo!"

"Huli ka na yata sa balita." Kalmadong pag-aasar ni Adella sa kausap. "Marami nang nakakaalam ngayon na siya ang tunay kong ama."

"Pero alam ba ng pamilyang pinatuloy mo sa impyernong bahay na dating naririto na ikaw mismo ang utak sa pagpapahanap sa kanila para manirahan dito? Ikaw mismo ang nag-utos sa asawa ko na magpanggap bilang si Mr. Soliman, para patirahin ang walang kamuwang-muwang na pamilya rito. Para ano? Para gawing cover sa mga krimeng sinadya mong ikubli sa silong? Na para hindi halatang may live human organ trade sa ilalim ay may kailangan kang patitirahing mga inosente sa ibabaw? Too bad, masyadong matalino at maagap ang pamilyang napili mo. Napipilitan ka tuloy ngayong magpanggap na isang inosente, samantalang ikaw mismo ang nagtutuloy ng illegal na negosyo ng iyong tunay na ama!"

"Wow."  Pinalakpakan niya si Divina nang marahan, "ang daming alam ah." Saka nito inilapit ang bibig sa may bandang tenga ng kausap. "Mag-iingat ka, dahil kung talagang may alam ka, alam mo na rin siguro kung anong maaaring mangyari sa 'yo."

"Lumayo ka sa 'kin Kriminal ka!" Itinulak nito si Adella.

Copyright 2018 ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved. 

Mapang-asar na humagikhik si Adella, "ako, Kriminal? Eh pa'no ka? Anong tawag sa 'yo at sa uto-uto mong asawa? Ilang tao ba ang inialay niyo sa balon ng mga Alejandro kapalit ng ilang piraso ng diyamante? Too bad, nabuko kayo ng mga Alejandro kaya hayun, napalayas tuloy kayo! Pasalamat ka, sinambot ko ang asawa mo para hindi kayo mamatay sa gutom!"

"Bakit ikaw? Ilang tao rin ba ang inialay mo rito sa balon ng mga Montecillo na hindi naman sa 'yo kundi kay Lorenzo?" Balik nito sa kanya. "Baka akala mo hindi ko alam kung saan nanggangaling mga kayamanan niyo. Mabuti pa nga si Lorenzo, may kunsensiya, lumayas na lang dahil hindi niya kayang maging kriminal na tulad mo at ng inyong ama. Pinagsisihan na namin ni Santino ang nagawa namin sa mga Alejandro, pero ikaw ba? Hindi ba't ikaw naman talaga ang nag-utos kay Santino na mandukot ng ang mga tao upang ikalakal sa merkado ang iba't ibang parte ng katawan ng mga ito?"

"Tigilan mo ako, Divina! Kung makapagsalita ka ay tila isang santong inosente ang asawa mo. Bakit? Hindi ba't bukod sa akin ay nagtatrabaho rin naman si Santino para sa kanyang kapatid, bilang tagakuha ng mga taong maaari nitong pag-eksperimentuhan?!"

"Isinusumpa ko at ni Santino, Adella. Madiin niyo man ang asawa ko sa mga krimeng kayo naman ang nag-uutos sa kanya, isasama rin namin kayo ni Lirio sa impyerno! Lalong-lalo ka nang hayup ka!" Sabay duro sa mukha ni Adella, "kung ano ang ikinaganda ng mukha mo, siya namang ikanasangsang ng tunay mong pagkatao. Hindi na ako nagtataka kung bakit mas minatamis pa ng kapatid mong makasal sa isang Alcaraz upang maging katulad nila, kaysa ang makasama ka. Mas masahol ka pa sa halimaw, demonyo, kampon ni Satanas. May araw ka ri—"

Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil sinaksak na ito ni Adella ng matalim na punyal sa dibdib.

"Ops, huwag ka munang mamatay." Si Adella habang marahang tumitiklop ang tuhod ni Divina. "Halika rito." Kinaladkad ito nito sa gilid ng nakarehas na balon, "alam mo naman ang kalakaran ng mga kaibigan nating nilalang  sa mga sanga-sangang balon," dinukot nito ang susi ng kandado sa rehas upang i-unlock ang padloc. "Kailangang buhay pa ang alay para mas malaki ang diyamante."

"Hayuuup ka." Tuluyan nang bumagasak sa semento si Divina bagaman buhay pa rin naman ito. "Pagbabayaran mo rin ang kasamaan m—" hindi na ito makapagsalita nang hinila ito ni Adela sa leeg upang kaladkarin sa may bunganga ng balon.

"Bago ako magbayad ng utang, ikaw muna, okey?" Sabay tulak nito kay Divina sa butas ng balon. Wala nang nagawa si Divina kundi ihayag ang kanyang huling hiyaw. Walang isang segundo ay umalingawngaw na ang sunod-sunod na tunog ng tinutusok na kalamnan sa ilalim ng balon.

Humahalakhak na pinagpag naman naman ni Adela ang kanyang magkabilang palad. "Hintay ka lang ng kalahating oras, Adella." Inabangan nito ang bunganga ng balon, "At may maidadagdag ka na naman sa mga lulustayin..."

Hindi nabigo si Adella dahil sa eksaktong trenta minutos ay biglang bumuga ng isang malaking diyamante ang balon. Lumagpak iyon sa semento na agad namang pinulot ni Adella at pinagmasdan.  Wala pa itong hugis dahil mukha lamang itong isang malaking tipak na puti at magaspang na bato.

"You are probably more than hmmmm..." sinusukat ni Adella ang size bato, "more than one thousand carats which I could maybe sell for at least....maybe sixty thousand US dollars per carat."  Humagikhik ito, "stupid Chad, he certainly didn't know what he gave up for a little change. Good job, Adella. All is well for as long as you have this well. All you need to keep on doing is to spread the word of scare so no one will dare take this precious thing from you. It surely is very dangerous...but not for you."

[ITUTULOY]

MHST 3:  Ang BalonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon