KABANATA 20

604 41 3
                                    

Napapailing na lamang si Lorenzo habang nanonood ito ng balita sa telebisyon. May mga tao na naman daw ang napapaulat na nawawala at ang mga ito raw ay huling nakita sa isang gated lot na dating pag-aari ni Dr. Armando Montecillo.

"Another greedy fuck in on the lose." Bulong ni Lorenzo habang nagso-scroll siya sa browser ng website na tinitingnan niya. On the heading it reads: Anthrophopagous (1); ang hinihinala niyang uri ng nilalang na alaga ng kanyang ama sa balon na matagal-tagal na rin niyang pinag-aaralan; dulot na rin ang kuryosidad dahil sa labis na obsesyon ng kanyang ama roon. "Suwerte para sa marunong makuntento, pero napakamalas naman sa masyadong abusado. Bahala kayong magpatayan sa balong 'yan."

"Totoo ba?" Biglang pagsasalita ng isang matandang lalaki.  Hindi napansin ni Lorenzo na nakatayo na pala ito sa pintuan ng kanyang silid.

"Lolo Ben, kayo po pala." Pagbati ng binata bagaman nanatili itong abala sa pagba-browse sa laptop niya habang nanonood ng balita sa telebisyon.

"Totoo ba?"  Pag-uulit ng matanda sa unang katanungan niya sa binata.  Lumapit na ito at umupo sa silyang pinakamalapit kay Lorenzo.

"Ang alin po ba?"

"Ipinamigay mo na lamang nang basta ang lupa ng iyong ama?"

"I was left with no better choice, but to trade it for Mom's stuff."

Biglang napatayo ang matanda sabay hataw sa lamesa, "ipinagpalit mo ang nag-iisa kong anak na babae sa mga basura?!" Nanginginig ito sa galit.

"Wuow! Gramps. What's wrong with you? Anong basura? Nasa antique chest niya ang lahat ng mga litrato, journals, jewelries, first edition books at iba pang mga collections niya. Mas mahalaga sa 'kin ang mga 'yun kumpara sa lupa ni Daddy na wala naman akong balak tirahan."

Napakunot-noo si Lorenzo nang mapahagulhol sa kanyang harapan ang matanda. 

"Kailangan nating mabawi ang lupang 'yon. Kailangang mapunta sa pangangalaga natin ang balon na 'yun! Kakausapin ko ang mga abogado natin para mabawi nati—"

"Pati ba naman ikaw, 'lo? Nagpapatayan na nga ang mga tao nang dahil sa property na 'yon. Gusto niyo pa bang makisali? You have more than enough wealth that you can spend. Eh hindi na nga halos natin maasikaso ang lahat ng mga lupain natin. Aanhin niyo naman ang maliit na loteng 'yun?"

"Walang kinalaman sa kayamanan ang pagnanais kong mabawi ang lupa at ang balon."

"Lolo naman. Hindi ko pa nga masyadong nae-enjoy na wala na sa balikat ko ang burden ng property na 'yun, ang gusto niyo, ibalik na naman sa 'kin? I am not interested in the property 'Lo. I don't want to have anything to do with it. Wala akong pakialam sa lupang 'yun dahil puro bad memories lang ang meron ako sa lup—"

"Kung totoong mahal mo ang iyong ina, kahit na hindi mo siya nakilala, dapat mong mabawi ang balon at ang lupang iyon, apo ko."

Bumakas sa mukha ni Lorenzo ang pagtataka dahil sa biglang pagpatak ng mga luha ng kanyang lolo Ben. "I-is there something you're not telling me about that place? B-bakit ba ganyan na lang ang pagkadismaya mo sa 'kin for letting it go?"

Copyright 2018 ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved. 

"It's not the place... it's who is in that place."

"I don't understand you, 'Lo! Can you please explain to me what's your fuss is all about?"

"Your mother..."

"What about my mother?"

Sandaling natahimik ang matanda na tila humahanap ng tamang tiyempo at buwelo. "It is not true that your mother died after giving birth to you. Well...she did, but then she didn't..."

MHST 3:  Ang BalonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon