"Have you ever wondered what we are truly made of?" habang nakatanaw si Lorenzo sa malawak na kagubatan sa ibaba mula sa kinuupuan nitong damuhan sa ibabaw ng talampas. "Is there anything in us besides our mortal flesh?"
"Are you asking me as a Christian or a Scientist?" gayun din naman si Krishna. Medyo napapapikit pa nga ito habang sinasamyo ang sariwang hangin.
Nilingon ni Lorenzo si Krishna sa kanyang kanan, "I am asking you as you without any preconceived notions."
Lumingon din naman si Krishna sa kanya, "the truth is," pero agad din naman nitong ibinaling ang tingin sa magandang tanawin, "I have not considered it much because I often have more unanswered questions. Bakit mo naman naitanong?"
"Dr. Lirio Herrera's discovery still boggles me. Is it natural science, or is it supernatural? How could he transfer his memory, soul, and emotions into an empty, manufactured vessel as one of my clones? H-how? Wha—"
"I am astonished as you are, Enzo."
"I wonder if he intended this to live forever. Play God and be whoever he wants to be."
"It could be for more reasons than that."
"There's one more thing that leaves me perplexed as a scientist..."
"What?"
"I still can't wrap my head around the mass hysteria that took place in the Cafe on the first day we've met. I know it's been almost ten months now, but it keeps on replaying in my mind. The constant replay in my brain is getting too annoying, na parang, gusto ko nang isumpa ang araw na 'yon except that I couldn't..."
Natawa si Krishna, "why can't you?"
"May nakilala kasi akong chick no'ng araw na 'yun eh. Ang ganda. Timaan agad ako. Sobrang ganda niya. Pinakamaganda na yata sa lahat ng babaeng nakilala ko. She's not wearing any makeup, with her hair up in a messy bun. She looks tired, pero ang ganda pa rin niya talaga. Siya lang yata ang nakita kong babae na napaka-hot kahit na hindi naka-bikini. Gano'n kasi talaga ang mga tipo kong babae eh, 'yung kahit hindi mag-ayos mukha pa ring mabango." Sabay singhot nito sa bandang leeg ni Krishna.
Napahalakhak si Krishna sabay palo sa braso ni Lorenzo, "bolero ka talaga, nakakainis ka. Alam mo bang hindi ganyan ang clone mo?"
"Bakit, paano ba 'yung clone ko?"
"Hindi ako pinapansin. Lahat ng campus girlfriends niya, super pretty, palaayos at fashionistas, gano'n."
"What can you expect from a fake me? Kung fake siya, fake and superficial beauty rin ang type niya for sure, don't you think?"
"He was really nice and courteous though. Medyo may pagkamahiyain pa nga."
"At ako, hindi?"
Umiling si Krishna, "opposite ka." Muli itong tumawa ng malakas. "Masyado kang pilyo at medyo may pagkabastos at walanghiya."
"Sa 'yo lang naman ako pumipilyo at ano eh..."natatawa na rin ito.
"Ano?" nakabungisngis ito.
Sa halip na sumagot ay saglit nitong kiniliti ang tagiliran ni Krishna. "I just hope you are not regretting giving up your rewarding medical practice in the city, just to be with me in this sleepy village.
"Of course not. Sigurado ako sa naging desisyon ko." Hinawakan nito ang kamay ni Lorenzo, "masaya ako na magkasama tayo."
"Sabi ko na nga ba patay na patay ka rin sa 'kin eh—"
"Dr. Enzo! Dra. Krishna!" Tinig iyon ng isang lalaking tila hapong-hapo sa pagtakbo patungo sa kanila. Agad namang napalingon ang dalawa at agad na tumayo upang harapin ang bagong dating.
"Jack," si Krishna, "anong nangyari bakit ganyan ang hitsura mo?"
Unti-unti nang napapaiyak ang lalaki, "nahulog po kasi ako sa kamunoy sa pagmamadali ko. Akala ko nga mamatay na ako eh."
""Eh bakit ka ba nagmamadali?" si Lorenzo kay Jack.
"'Yung isa sa apat niyong kasamang Nars—'y-yung isa sa dalawang babae."
"S-sino sa kanila. Bakit? A-anong nangyari?" si Krishna kay Jack.
"'Yung si Yvanna po. Bigla na lamang pong tinaga sa mukha ni Mang Pido. 'Y-yung isa po sa nagpagamot sa inyo noong isang linggo? 'Y-yung nagwala po at sumakal kay Dra. Krishna?" Sumulyap ito kay Lorenzo.
Napatingin si Lorenzo kay Krishna, "may sumakal sa 'yo noong isang linggo?" Napapasulyap din naman ito kay Jack, "bakit hindi ko alam 'yun? Nasaan ako no'n?"
"'Yun 'yung araw na kami lang nina Yvanna at Meryll ang naiwan sa Center dahil kailangan n'yong pick-up-in nina Kyle at Cris ang mga bagong dating na mga gamot at relief goods sa bayan."
"Pero baki—"
"Saka ko na lang ipapaliwanag sa yo, Enzo. Halika na." Hinatak na nito ang binata, "Let's go and check on Yvanna first."
***
Napapikit at napabuntong hininga si Krishna nang makita niya kung gaano kalaki ang sugat sa pisngi ng nurse na si Yvanna. Nakaguhit ang malaking hiwa mula sa sentido nito hanggang sa bandang baba. Iyak ito ng iyak habang maingat na tinatahi ni Krishna ang pisngi nito.
"Magpahinga ka na muna." Habang tinatakpan ni Krishna ang sugat ni Yvanna. "Bukas na bukas, luluwas tayo. I will take you to my friend who specializes in cosmetic surgery so this could heal nicely para hindi lumala ang scarring."
"Puwede mo na bang sabihin sa 'kin ang nangyari?" Bulong ni Lorenzo habang inaayos na ni Krishna ang kanyang mga kagamitan.
"Mahaba ang pila no'n, then this strange guy just came in to approach me, hindi nga siya pumila kaya medyo nagkaroon ng kaguluhan sa pagdating pa lang niya. He looked very anxious and he was sweating profusely, sabi niya, may sakit daw siya at palagay daw niya ay mamatay na siya. We thought it was an emergency situation so we checked on him immediately. We checked his vitals but I didn't see anything wrong with him. When I told him that, nagalit siya, sinakal niya ako. Kesyo wala raw akong kuwentang duktor dahil hindi ko ma-identify ang sakit niya. Tinulungan ako ng grupo nina Jack to take him off me. And that was it."
Copyright 2018 ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.
"But why would he do something like this?"
"All I could make out of this is that he may have an undetected severe mental illness. Though ang sinasabi ng mga taga rito ay may 'Sapi' raw ang lalaking 'yon. But what do we know about Sapi, righ—?"
Nagtama ang paningin ni Lorenzo at Krishna. Magkasabay kasi nilang naalala ang nangyari sa Cafe. 'Yung araw na tumulong silang madala sa ospital ang limang bigla na lang nangisay, but only to be medically cleared for any serious ailment. Some religious freaks tried to shove their suspicion of demon possession down their throats, but as Scientists, that's where they draw the line. But what happened in the aftermath staggered their mind; when days right after those people were released, nabalitaan na lang nila na dalawa sa lima ang nagpakamatay, isa ang bigla na lang namaril sa mall before he was shut down by the cops, isa ang minasaker ang sariling pamilya bago kinitil ang sarili, at ang huli ay naging suicide bomber sa isang provincial bus.
"What do we know about it, indeed?" Pabulong na wika ni Lorenzo.
[KATAPUSAN NG IKATLONG AKLAT]
Abangan ang ikaapat na aklat na pinamagatang: SAPI
BINABASA MO ANG
MHST 3: Ang Balon
HorrorMHST Volume 3: ANG BALON - Sa mahabang panahon ng pangangasera ng isang pamilya sa siyudad, malaking surpresa ang pagdatal ng isang biyaya mula sa kapapanaw lamang na malayong kamag-anak sa probinsya. Tiyempo sa panahon ng kanilang pagdarahop; at ng...