Chapter 08

879 26 1
                                    

Ang bigat ng pakiramdam ko at para akong kakapusin ng hininga. Pagmulat palang ng mga ko ay problema na agad ang inalala ko. Umupo ako sa kama pero hindi ko inalis ang kumot na nakabalot sa akin dahil ang lamig parin ng pakiramdam ko at parang lalagnatin ako sa dami ng iniisip.

Alas singko palang naman ng umaga kaya nakakatamad pang bumangon. Gusto kong mahiga lang muna sa higaan ko pero may pasok sa eskwelahan si Jacques at magluluto pa ako ng agahan para sa amin.

Ilang minuto lang akong nanatili sa kwarto. Naghilamos lang ako sa banyo at tinali ang buhok ko saka bumaba na papunta sa kusina para magluto.

Gumawa lang ako ng scrabble egg at nagsaing para baonin ni Jacques. Nagprito din ako ng talong at meatballs para kay Jacques, nilagyan ko din ng ketchup ang pinakamaliit na space sa lunch box niya para may sawsawan siya at hindi mukhang dry ang tanghalian niya.

"Hindi lang muna ho ako magbubukas ng barbershop ngayon 'tay." sabi ko kay itay nang nasa hapag na kami.

Napahinto siya sa paghugas ng kanyang kamay. Lumingon siya. "Sigurado ka ba?"

Tumango ako. "Hindi ho maganda ang pakiramdam ko ngayon. Pero bukas ay magbubukas naman ako. May kita naman tayo kahapon kaya ayos lang yan. Isang araw lang naman ho." sagot ko.

"Ikaw ang bahala." Tanging sagot lamang niya.

Tahimik kaming kumain. Si Jacques ay mabagal kumain dahil kagagaling palang niya sa pagtulog. Ginising ni itay dahil magkatabi naman sila. Pero inaantok pa kahit maaga naman nakatulog kagabi.

Hindi pwedeng manuod ng TV si Jacques sa gabi dahil baka late na siyang gumising ng maaga. Ayokong nahuhuli siya sa klase niya. Habang bata pa ay tinuturuan ko na siya kung paano maging punctual kasi hanggang paglaki niya ay makakasanayan na niya yun.

Hinatid ko lang muna sa eskwelahan si Jacques bago bumalik ng bahay. Naglinis ako sa bahay habang tahimik lang. Si itay ay palaging nasa labas dahil ayaw niyang mabagot siya at ayaw din niyang manuod ng TV sa umaga dahil makakatulog agad siya, ayaw pa naman niyang makatulog ng maaga.

Nagprito ako ng hinog na saging saba bilang meryenda naming dalawa ni itay. May tinira akong lima at inilagay lang muna yun sa lamesa at tinakpan para hindi makuha ni Tutu. Pumunta ako sa likod ng bahay namin kung nasaan si itay. Nakatingin lang siya sa ibang kabahayan sa likod.

May maliit na hardin naman kami sa likod at may nakikita din kaming tanawin bukod sa mga kabahayan kaya lang ay hindi talaga magandang tanawin dahil puro bubong ang nakikita namin. Nasa mataas na parte ang barangay namin at yung mga nakikita namin puro kabahayan ng syudad.

Bumuntong-hininga ako.

"Ang lalim nun ah." puna ni itay.

Tipid lang akong ngumiti. "May iniisip lang ho 'tay."

"Ano na naman ang iniisip mo? Tungkol ba yan sa utang natin sa banko?" Bumuntong-hininga siya. "Pasensya ka na anak kung naging pabigat man ako sayo. Alam mo kung wala lang akong sakit, baka nagtrabaho ako sa pabrika bilang sekyu para lang bumalik ka sa pag-aaral ng sa ganun ay may magandang kinabukasan ka naman kayo ni Jacq."

Huminga ako ng malalim at tinuon ang tingin sa prinito kong saba. "Hindi ho yun ang problema ko itay. Actually may aaminin po ako sa inyo pero huwag po kayong magagalit."

"Ano naman yun?" Taka niyang tanong.

Parehong hindi pa kami nakakakain ng meryenda namin. Nasa maliit na bilugang lamesa ang plato na may lamang pritong saba.

Pinahid ko ang dalawang palad sa isa't-isa bago bumuntong-hininga.

"Ano ba yan? Eh ba't parang mas malaking problema pa yan? Hindi mo naman sinangla itong bahay at lupa natin diba?"

Phinneas Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon