Chapter 26

839 26 2
                                    

Pagkagising ko ay may saplot na ako. Nakasuot na ako ng nightgown. Nightgown. Do'n palang sa suot ko ay ipinagtaka ko na dahil hindi ako mahilig magsuot ng nightgown. At hindi lang yun, pag-angat ng ulo ko ay nasa ibang higaan na ako.

Ang kama ko ay ibang tao ang nakahiga. Yun ay walang iba kundi si Phinneas. Nakaharap siya sa akin at maayos ang kanyang tulog. Dahan-dahan akong umupo sa kama niya at manghang nakatingin sa mahimbing niyang tulog.

Bahagyang nakabuka ang labi pero gwapo parin siyang tignan. Wala siyang suot sa pang-itaas na parte at hindi ko alam kung may suot siya sa ibaba.

Namula agad ako nang maisip ko na baka wala siyang suot sa ibabang parte ng katawan niya. Mas namula pa ako nang maalala yung sinabi niyang hindi daw siya sanay na matulog na walang saplot. Pero sa ilang gabing na-obserba ko na kasama siya ay palagi siyang may suot pero paminsan-minsan ay wala siyang suot na t-shirt at minsan ay boxer lang ang suot niya.

Hindi ko alam kung tinutukso niya lang ako noong una kaming nagkatabi pero matagal na yun.

Ipinilig ko nalang ang ulo ko para matanggal yung kabastosan na iniisip ko. Dahan-dahan akong gumalaw pero agad akong napatigil at napahawak sa puson ko nang kumirot ang ano ko.

"Hmph."

Matalim na tingin ang inalay ko sa inosenteng taong natutulog. Inosente lang siya kapag tulog pero kapag gising ay iba-iba na ang ugaling pinopossess niya.

Inulit ko ang paggalaw ko at dahan-dahan kong ibinaba ang mga paa ko sa sahig. Hindi na kumirot pa ang hiwa ko kaya naman ay tumayo ako para gawin ang nais kong gawin sa araw na'to.

Hinanap ko muna ang tsinelas ko dahil ang lamig ng sahig at parang maninigas ang talampakan ko sa lamig.

Naghanap ako ng maayos na damit sa walk-in closet, sunod ay pumasok ako sa banyo para maligo. Nagtagal ako sa banyo dahil kinuskos ko talaga ang katawan ko para matanggal ang dumi. Sinuri ko rin ang katawan ko na masyadong marami ang hickeys mula leeg, sa boobs at pati sa tiyan. Para akong kinagat ng lamok at bubuyog sa ginawa ni Phinneas sa akin.

Napailing nalang ako sa repleksyon ko sa salamin. Nakakainis ang taong yun.

Sa banyo na ako nagbihis dahil ginawa ko lahat ang ritwal ko roon. Habang naglalagay ako ng concealer sa leeg ay nakabalot ang buhok ng tuwalya. Kinapalan ko talaga ang paglagay ng concealer sa leeg para hindi makita ng ibang tao.

"Kasi naman." reklamo ko sa sarili.

Tinakpan ko yung concealer. Tinanggal ko na rin ang tuwalya mula sa ulo ko para patuyuin ito gamit ang hair dryer. Habang ginagawa ko yun ay napansin ko na hindi nagmumukhang patay ang mukha ko di gaya kahapon. Parang bulaklak ang aking mukha.

Napangisi ako sa aking sarili, nadiligan lang, iba-iba na ang naiisip.

Napailing nalang ako sa aking sarili dahil nagmumukha akong baliw sa harap ng malaking salamin. Pinatay ko na ang hair dryer saka inayos ang mga ginamit sa banyo.

Paglabas ko ng banyo ay tulog parin ang hari sa kama ko. Hindi ko alam kung bakit sa kama ko siya natulog at sa kama naman niya ako pinatulog. Siguro ay lasing nga siya kagabi dahil sa mga ininom niya.

Parang tinusok ng kutsilyo ang puso ko nang maisip na baka nadala lang sa kalasingan si Phinneas kagabi. Lumabas nalang ako ng kwarto para pumunta sa gym para kunin ang basong ginamit niya at ng mahugasan ko.

Pagpasok ko sa gym niya ay wala na yung baso pero yung bote ng alak ay nandun pa. Nasa maliit na lamesa nakadaong ang bote na yun at doon ko napagtanto na totoo pala ang sinabi niya. Hindi siya lasing kagabi dahil kunti lang ang nabawasan sa alak na ininom niya.

Phinneas Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon