Chapter 31

795 16 9
                                    

Dinala sa ospital si itay kung saan siya na-admit noong una. Kami ni Phinneas ang nagdala sa kanya sakay ang sasakyan niya. Agad namang inasikaso si itay kaya kahit labing-isang oras na akong naghihintay na magising si itay ay hindi parin ako umaalis sa tabi niya.

Nagboluntaryo naman si Timothee na siya lang muna ang magbabantay kay Jacques. Nangako naman siya na wala siyang gagawin na hakbang para makuha ang bata lalo na't may problema ako. Naniwala ako sa kanya pero hindi parin panatag ang loob ko, siguro ay hindi pa nga ako gaanong nagtitiwala sa kanya.

Tinawagan ko si Marsha gamit ang cellphone ng nurse na nag-aasikaso kay itay. Kinapalan ko lang ang mukha ko para makigamit sa cellphone ng iba para lang matawagan si Marsha, pinaasikaso ko lang sa kanya si Jacques hanggang hindi pa ako nakakauwi.

Bumuntong-hininga ako saka tumingin sa labas ng bintana. Nasa tabi ako ng bintana at nakaupo. Kinuha ko lang muna ang silya na nasa tabi ng kama saka umupo sa may bintana para makapag-isip ng maayos.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto at pumasok ang isang pamilyar ng tao na tuluyang pumasok sa kwarto. Hindi ako lumingon dahil alam ko kung sino ang pumasok dahil alam ko naman kung sino siya.

Hindi ko parin siya pinapansin magmula nang idala si itay sa ospital. Kapag nakikita ko siya ay naaalala ko ang sinabi ni Timothee na siya ang naging karelasyon ng kapatid ko. Hindi ko yun matanggap. At hindi ko yun matatanggap kahit pa man maghiwalay kaming dalawa.

"You need to take some sleep, Jackie. I can take some shift today for you take some sleep."

Hindi ako sumagot. Nanatili lamang ang tingin ko sa labas.

Narinig ko ang malalim niyang paghugot ng hininga. "What about something to eat? Do you want any particular food to eat? I can order anything for you." suhesyon niya.

Hindi din ako nag-abala pang magbukas ng bibig para sumagot sa kanya dahil hindi ko pa siya gustong kausapin.

Isang buntong-hininga ulit ang narinig ko.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa balikat ko pero agad akong umaksyon, I shrugged off his hand resting on my shoulder.

"Gusto kong mapag-isa." Malamig kong usal na hindi parin siya tinatapunan ng tingin.

Hindi din naman siya sumagot pero narinig ko ang hakbang niya na palayo sa akin. Sana nga ay umalis na siya para hindi ko nararamdaman yung pandidiri ko sa kanya sa ginawa niya.

Mas nagalit ako kay ate dahil pumunta pala siya sa barbershop noong gabing nakita ko si Timothee nang ipahiram ko ang payong ko. Hindi din siya nagpakita sa akin at kahit kumusta nalang ay hindi niya pa nagawa. Kung nasaan man siya ngayon ay sana magising siya sa katotohanang hindi habang-buhay siya mananatiling nasa kalagayan na mayroon siya ngayon.

Kumakalam na ang sikmura ko pero tiniis ko lang dahil ayokong iwan si itay habang hindi pa siya nagigising. Ilang oras na hindi siya nagigising. Nag-aalala ako sa kalagayan niya.

Tumaas ang blood pressure niya kung kaya't sumabay ang pag-atake ng sakit niya sa puso.

Mula sa repleksyon sa salamin ng bintana ay nakita kong lumabas si Phinneas. Hindi ko alam kung saan siya pupunta pero mabuti nalang at lumabas siya dahil hindi ko talaga masikmura ang pagmumukha niya.

Ilang minuto lang, siguro ay twenty minutes siyang nasa labas ay bumalik din. Umayos ako ng upo saka nilabanan ko ang sarili na hindi lumingon sa kanya.

"I bought something to eat. Aalis ako para hayaan kang kumain. I know you're mad—I can feel it and saying sorry means nothing to you for the mistake I've made. But please try to eat at least, it'd hurt me to see you suffering like that and I'm so sorry—and it's not a half sorry anymore. I mean it."

Phinneas Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon