Chapter 29

773 22 4
                                    

Pagbagsak ng pang-upo ko sa bench sa likod ng barber chair ay kasabay din ng pagdaan ng uhaw sa aking lalamunan. Nagpahinga muna ako saglit kasi nangangalay na ang mga paa ko sa kakatayo.

Hinilot ko ang aking mga tuhod. Para na akong lola, ang daling mangalay ng mga binti ko dahil ako lang ang mag-isang nagtratrabaho dahil wala si itay. Marami rin akong customer na dumarayo dahil sa init ng panahon, basta malapit na yung summer ay marami ring nagpapagupit dahil naiinitan sila sa kapag mahaba na ang buhok nila.

Tumayo ako at naglakad papunta sa kusina para kumuha ng tubig. Alas dyes palang ng umaga pero para na akong nakatanggap ng sampung customer sa loob ng ilang oras magmula ng magbukas ako ng shop.

Pinangalahatian ko ang isang water bottle na kinuha ko mula sa mini refrigerator. Inilagay ko sa ibabaw ng lamesa ang water bottle pagkatapos kong uminom.

Nirayuma na naman si itay kaya hindi siya nakapasok sa barbershop kaya para akong namroblema ako dahil mag-isa lang ako at maraming customer.

Pagbalik ko sa bench ay umupo agad ako. Isinandal ko ang likod ng ulo ko sa dingding habang nakatingala at nakatingin sa puting kisame. Parang may lumabas na imahe na gawa ng utak ko sa kisame, marami akong naalala dahil wala naman akong ginagawa pang iba.

Napangiwi ako bigla nang lumitaw sa isip ko si Phinneas na panay ang ngisi sa'kin. Ipinilig ko ang aking mukha para mawala siya sa isip ko.

Bumuntong-hininga ako. Kagabi lang, dahil sa kabagutan naming dalawa ay inaya niya akong makipaglaro ng video games, hindi naman ako marunong pero tinuruan niya ako. Syempre palagi akong talo dahil pro na siya at ako ay hindi naman magaling sa mga video games na yun.

Masasabi kong nagbago ang relasyon naming dalawa ni Phinneas. Hindi man ito romantical pero alam ko na hindi na siya yung dating Phinneas na palagi akong iniinis kahit sa maliit na bagay lang.

Naglaho ng parang bula yung alitan naming dalawa dahil sa pinag-usapan naming set-up para rin sa ikabubuti naming dalawa. Alam kong iniingatan niya ang pangalan niya sa pamilya niya dahil ayaw niyang bigla nalang magalit sila sa kanya kapag magkahiwalay agad kami. Sabi niya ay kapag dumating yung oras na maipaliwanag niyang hindi kuno maayos ang relasyon namin at maintindihan ng pamilya niya ay pwede na naming i-annul ang kasal para pareho na kaming maging malaya.

But he said, we still have to remain as good acquaintances. Acquaintance lang ako para sa kanya at hindi isang kaibigan.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong bumuntong-hininga. Gusto kong matulog nalang dahil nakakaantok ang musika na mula sa cellphone ko pero hindi pwede dahil baka may biglang may pumasok na magpapagupit.

Habang wala pang magpapagupit ay pumasok muna ako sa kitchenette at nagluto ng pagkain ko para sa tanghalian. May kanin akong binaon dahil marami akong sinaing sa bahay ni Phinneas. Hindi naman niya ako inaawat na baka maubos ko yung bigas niya pero mayaman naman siya at kaya niyang bumili ng tig-sako sakong bigas.

Hiniwa ko ang karne ng manok para magtinola. Sakto at may dinala akong iilang gulay para pangsahog. Nang matapos akong maghiwa ay narinig ko yung pagbukas ng pinto. Agad akong naghugas ng kamay at tinakpan lang muna ang manok sa lamesa.

May magnanay na customer kaya agad akong kumilos para magpagupit.

"Ano ho bang gupit ang gusto niyo?" tanong ko sa isang teenager.

"Bob cut po. Pero pwede po bang palagyan ng bangs?"

"Walang problema." sabi ko sabay ngiti.

Nishampoo ko muna ang buhok ng teenager na yun habang yung Nanay niya ay matamang pinagmamasdan akong ginagawa ang ibang ritwal bago maggupit.

Phinneas Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon