Chapter 10

852 25 1
                                    

Para akong binuhusan ng isang baldeng malamig na tubig sa sinabi niya. Nagulat ako kaya gumalaw ako sa ibabaw ng kanyang hita para umalis sa pagkakandong sa kanya pero mabilis na lumingkis ang kanyang braso sa bewang ko para hindi ako makalayo.

"Bakit hindi mo sinuot ang singsing mo? Did you already pawn it?"

Mas hinigpitan niya ang hawak sakin. Pero todo iwas naman ako na hindi magkadikit ang mukha namin.

"Hindi no, alam ko ang usapan nating dalawa." sabi ko.

"Then bakit hindi mo sinuot?"

"Naglinis ako kaya tinanggal ko lang muna, huwag kang mag-alala dahil nasa taas lang." sagot ko.

Bumuntong-hininga siya saka binaba ako. Umayos naman ako ng tayo saka tinalikuran ko siya agad dahil parang pakiramdam ko ay manghihina ako. Gamit ang likod ng aking kamay ay dinama ko ang aking pisngi, mabuti nalang at umalis ako sa harap ni Phinneas, siguradong parang pulang mansanas na ang pisngi ko.

Paakyat na ako papunta sa kwarto ko para kunin ang singsing nang maabutan ko si itay na pababa narin.

"Tay." tawag ko sa kanya.

Nagtaas siya ng dalawang kilay. "Nandyan na ba ang bisita mo?" tanong niya.

Tumango ako. "Nasa sala po si Phinneas, 'tay." sagot ko ng mahinahon.

Umakyat ako ng isa pang hakbang papunta sa kanya at mahinahon siyang pinagsabihan.

"Huwag po kayong magtanong ng masyadong personal, 'tay."

Bumuntong-hininga siya at nagkamot sa kanyang manipis na buhok. "Hindi naman ako magtatanong sa kanya ng kung ano, pero bakit parang takot ka? Natatakot ka ba sa nobyo?"

Agad akong umiling. "Ako matatakot sa kanya? Never ho akong matatakot sa kanya dahil wala siyang gagawin sa akin na masama 'tay."

"Paano kung may gawin siyang masama sayo?" Pagbara niya sakin.

Tinapik ko siya sa balikat at nginitian para matanggal ang pagtataka niya. "Tiwala po ako sa kanya itay na wala siyang gagawin sakin na masama." Pagtapal ko sa pangamba niya.

Alam ko na concern lang siya sakin dahil hindi pa niya kilala ng lubos si Phinneas. Ako rin naman, ng dahil sa pagpayag ko agad sa offer ni Phinneas ay siguradong magsisisi din ako. Alam ko na sagrado ang kasal pero hindi ako perpekto na tao. Kailangan ko na bayaran ang utang ko sa kanya sa pamamagitan ng pagpayag sa pagpakasal sa kanya.

"Bababa muna ako para kausapin siya habang naghihintay sayo. Mayroon ka bang kukunin sa kwarto mo?" tanong niya nang bumuntong-hininga din siya.

Pumasok ako sa loob ng kwarto ko at kinuha ang singsing para isuot yun sa daliri. Humugot ako ng malalim na hininga.

"Ngayong gabi lang." bulong ko, ang bigat ng singsing sa daliri ko pero isang gabi lang naman.

Bago ako bumaba para samahan si itay na samahan si Phinneas ay sumilip muna ako sa kwarto nina itay. Mahina akong kumatok para kunin ang atensyon niya. Nagsusuot siya ng kanyang pajama tee-shirt nang makita ako.

"Natapos mo na ba ang homework mo?" tanong ko.

Umiling siya. "May last question pa po akong sasagutin auntie." Magalang niyang sagot.

Napatango ako. "Tapusin mo yan bago matulog para wala ka ng gagawin bukas."

"Opo auntie." sagot niya.

"Sige na. Magbihis ka na tapos gawin ang homework mo bago matulog." Huling sabi ko bago ako lumabas papunta na sa baba.

Narinig ko ang mahinahong tanong ni itay tungkol sa trabaho ni Phinneas, at hindi naman pabalang ang sagot ng isa. Mabuti naman at may natitira siyang galang sa matatanda.

Phinneas Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon