Chapter 34

752 23 7
                                    

Tumawag ako ng tricycle para makauwi kami ni Jacques. Medyo natagalan pa kami dahil ang gusto ng mga drayber ay punuan eh kami lang dalawa ni Jacques ang sasakay kaya pinakiusapan ko yung isa na magbabayad nalang ng doble sa aming dalawa ng pamangkin ko basta makauwi lang kami agad.

Hindi ko gusto ang pakiramdam na may nakamasid sa amin ni Jacques. Hindi ko rin matukoy kung sino dahil sa dami ng mga tao, matutukoy ko ba kung sino? Araw ng Linggo pa naman at yun ang may napakaraming tao sa palengke dahil maraming namimili.

Pagkababa namin sa harap ng gate ng bungalow ay nakahinga ako ng maluwag. Binaba muna namin ni Jacques ang pinamili namin bago ako nagbayad sa drayber.

"Jacques hugasan mo muna yan." utos ko nang makapasok kami sa loob ng bahay.

Malakas na tahol ni Tutu ang sumalubong sa amin sa loob. Nakipaglaro pa si Jacques kay Tutu bago niya sundin ang inuutos ko. Inilagay ko lang muna sa lababo yung isdang binili ko saka yung ibang gulay

Nagbihis muna ako sa loob ng kwarto ko pero tinawag ko muna si Jacq para magbihis din at ng malabhan ko yung damit namin na sinuot sa pagpunta sa palengke.

"Auntie hihiwain na ba?" tanong ni Jacq sa akin mula sa kusina habang nasa likod ako at ipinapasok ko yung mga labahan sa washing machine.

May maliit na laundry room na nasa tabi ng patyo, maliit lang siya dahil yung nasa likod na ng kwarto na yun ay kusina, dati kasing banyo yun pero dahil kailangan pa talagang lumabas para pumunta rito ay napagdesisyonan na gawing laundry room ng dating may-ari.

"Ako na ang maghihiwa niyan Jacq! Hintayin mo nalang ako." sagot ko at pinaandar na yung washing machine.

Iniwan ko lang muna yun saglit saka pumasok. Si Jacques ay naghihintay lang sa akin sa lamesa habang nakaupo sa silya. Kumuha ako ng kutsilyo saka hinati yung pakwan at hinati din yun para makain ni Jacques.

"Auntie kukuha po ako ng asin ha."

Kumunot ang noo ko. "Isasawsaw mo sa asin 'yan?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Tumango siya at wala akong nagawa kundi ang kunin yung lalagayan namin ng asin dahil hindi ko kayang hindian siya dahil kapag tumitingin siya sa akin ay parang kawawang tuta.  Hindi ko naman siya matiis.

"Huwag mong damihan dahil magkakasakit ka sa kidney kapag damihan mo ng asin."

"Hindi po." tanging sagot niya sakin.

Kumuha siya ng platito at mga isang kutsara ang kinuha niya sa asin. Napailing nalang ako.

"Huwag kang lalabas sa gate." Paalala ko sa kanya dahil pumunta siya sa harap.

"Opo!" sagot niya habang patakbong lumabas ng bahay. Yung porch kasi namin ay mayroong swing din pero hindi siya kahoy di gaya sa likod.

Tinawag niya si Tutu at sumunod naman ang aso. Kinuha ko ang mga nahati kong pakwan sa may refrigerator namin. Malaki naman ang refrigerator dahil kay Timothee. Ang dami kasing mga binibili niyang pagkain para sa amin ni Jacques—pambawi niya rin sa anak. Mas malaki pa yun kaysa sa refrigerator namin sa dating bahay.

Hindi ako masyadong nag-aalala sa kuryente dahil may solar panel akong pinalagay sa may bubong kaya hindi malaki ang nababayad na kuryente.

Inilagay ko sa refrigerator yung mga gulay at prutas na hindi ko pa lulutuin, kada isang Linggo ay minsan isang beses lang kami pumupunta sa palengke ni Jacques kasi dalawa lang naman kaming kumakain at kapag nasa bahay si Timothee ay siya naman ang namimili.

Pabalik-balik ako sa labahan at sa niluluto ko kasi nagkakasabay sila, hindi ko napansin na pumasok ulit si Jacques sa loob ng bahay at may dalang isang basket ng bulaklak.

Phinneas Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon