Chapter 28

801 19 7
                                    

Naging maayos ang pakikitungo ni Phinneas sa akin gaya ng gusto naming mangyaring dalawa. Apat na Linggo narin ang nakalipas nang magmula ng mag-usap kami tungkol sa set-up naming dalawa. Okay naman kaming dalawa pero minsan ay nakakailang lang dahil hindi ako nasanay sa pakikitungo niya sa akin.

Ang Phinneas ngayon na pagkatapos ng gabing yun ay tahimik at mainam siyang nakikinig sa akin kapag may tanong ako o di kaya ay may sasabihin. Tahimik naman siyang tao pero hindi kagaya ngayon na parang lumambot siya sa'kin.

Yun naman ang gusto ko pero bakit parang hindi pa ako sanay?

Pinatay ko ang cellphone saka kinuha ang ingredients para sa tsaa. Gagawa sana ako ng preskong iced tea para sa aming dalawa dahil sa init ng panahon. Nasa penthouse kaming dalawa dahil araw ng Linggo at wala kaming pasok sa aming mga trabaho.

Naglinis muna ako sa kusina bago nagsimulang gumawa ng iced tea. Dahil walang pasok ay gusto kong magpahinga lang muna, mula kahapon hanggang gabi ay gumawa ako ng project ni Jacq, ako na ang gumawa kasi ang dami niyang gagawin kaya tinulungan ko ang bata.

Sa susunod na buwan ay hindi na regular ang classes nila dahil malapit ng matapos ang academic year nila. Gusto ko nga siyang imbetahin na matulog sa penthouse namin ni Phinneas pero ayaw niyang iwan ang Lolo niya kaya hindi na ako nagpupumilit.

Pagkatapos kong gumawa ng iced tea ay kumuha ako ng maliit na tray at inilagay doon ang baso. Umakyat pa ako papunta sa workroom niya at kumatok.

"Phinneas." tawag ko mula sa labas sabay katok.

Narinig ko ang boses niyang sumagot sa'kin. "Come in!" sigaw niya mula sa loob.

Pinihit ko ang doorknob papasok at nakitang may ini-sketch pala siya.

"Iced tea." sabi ko saka inabot sa kanya ang baso na hindi inaalis ang tingin sa sketchbook.

Agad kong inalis ang tingin na yun para ipalibot ang aking tingin sa buong workroom niya. Hindi pa ako nakapasok ng workroom niya at ngayon lang ako nakapasok dahil sinabi niya sa akin na pwede daw akong pumasok. Iisang ilaw ang kanyang binuksan at ang ibang parte ng kanyang workroom ay masyadong madilim.

"Ba't iisang lampshade lang ang binuksan mo at hindi buong ilaw ng kwarto na'to? Hindi ka naman aswang, pwera nalang kung may lahing aswang ka talaga. Sobrang dilim ng kwarto na'to, Phinneas."

"I don't need to open the curtains and the lights. I'm trying to be an environmentalist by also savin' the power to give the Mother Earth a healthy lifestyle."

"Ulol, sabihin mo sa akin ulit yan kung wala kang bukas na aircon at hindi maraming tubig ang ginagamit mo kapag naliligo ka." sagot ko.

Kumibot lang ang gilid ng labi niya saka napailing lang sa sinabi ko. Kinuha niya ang baso at uminom.

"It's good. You're getting better at this."

Sumayaw ang puso ko sa pagpuri niya. Inalis ko na ang tingin mula sa kanya at tinanguan ang pinto. "Babalik na ako sa kwarto para matawagan si itay."

"Sure. Just close the door after you leave this room." Paalala niya at binitawan ang baso sa ibabaw ng working table niya.

"Okay."

Naglakad na ako papunta sa pinto. Gaya ng pinaalala niya sa'kin ay sinarado ko ang pinto para makapagtrabaho siya ng maayos. Naglakad ako pababa ulit para kunin ang cellphone ko kasi nasa kusina yun at iniwan ko lang. Kinuha ko rin ang yung iced tea ko na nasa ibabaw ng kitchen sink.

Umakyat ulit ako papunta na sa kwarto para tawagan si itay. May plano akong pumunta sa bahay kasi masyadong nakakabagot sa penthouse dahil wala akong ibang ginagawa.

Phinneas Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon