Chapter 38

817 21 1
                                    

Inabot ko ang gunting na nasa lamesa. Naglagay ako ng tubig sa vase para lagyan ko ng mga bulaklak na galing sa hardin. Mabuti nga na mayroon akong mga tinanim na mga halamang namumulaklak dahil nakakatanggal stress yung mga halaman.

Paglabas ko ay bumungad sa akin ang matinis na hagikhik ni Jacques. Mayroon siyang hawak na ballpen para sa pagdrawing sa tablet. Napalingon sa'kin si Phinneas nang lumabas ako hanggang sa bumaba ang kanyang tingin sa maliit na umbok ng tiyan ko.

Nilagpasan ko na agad sila para lumabas at ng kumuha ng ilang halo-halong bulaklak na ilalagay ko sa tabi ng mga picture frame sa sala.

Isang buwan ng palaging nasa bahay si Phinneas. Aalis lang siya kapag tapos na yung hapunan, hindi na siya nakikisabay sa amin na maghapunan dahil alam niyang hindi siya pwede, at maaga din siyang pumupunta sa bahay lalo na kapag may klase si Jacques ay siya na yung nagbabantay sa bata para hindi ko na siya maisama pa sa trabaho.

May advantage naman ang pagpupunta niya sa bahay bilang bantay kay Jacques, kung hindi ko lang kailangan ang trabaho ko ay baka  sa bahay lang ako pero ayokong umasa sa binigay niya sa'kin bilang sustento.

Nagtitiis lang siya na hindi ko kinakausap at kahit malamig ang trato ko sa kanya ay wala lang sa kanya. Siya pa'rin naman ang Phinneas na nakilala ko pero bumigay lang ng kunti sa'kin.

Palagi akong naaawa sa kanya pero pinipigilan ko lang dahil ayokong matulad sa dati.

Kumuha na ako ng ilang bulaklak gaya ng baby's-breath at rosas na kulay pula at pink. Yun lang ang kinuha ko para hindi pangit tignan kasi kapag iba-iba na ay parang ang kati sa mata tignan.

Nang matapos ako sa pagkuha ng mga bulaklak ay bumalik na ako papunta sa loob ng bahay.

"Auntie tignan niyo po ang drawing ko." tawag ni Jacques sa'kin para ipakita ang drawing niya sa tablet.

May binili si Phinneas na tablet para magdrawing siya dun. Sumilip ako sa tabi niya kung ano ang pinagkakaabalahan niya. Nagtaas ako ng kilay sa drawing niya.

"Bakit ganyan ang drawing mo? Ano yan, cartoon?" tanong ko.

"Mm, wala po akong maisip na iba eh." sabi niya saka pinagpapatuloy yung pagdrawing niya.

"Kukulayan mo pa ba yan?"

Tumango siya pero patuloy sa pagdrawdrawing, hindi na siya nakatingin sa akin. Sumilip naman ako kay Phinneas kung ano ang ginagawa niya. Alam ko na nakikinig lang siya sa usapan naming magtita habang nagssketch na naman ng bagong desinyo sa mga damit na irarampa niya.

Bago pa niya ako mahuling nakatingin sa kanya ay dahan-dahan akong bumalik sa loob ng bahay para ilagay ang mga bulaklak sa vase. Yung kwarto ko ay nilagyan ko rin ng bulaklak yung isang vase ko dun.

Pagkatapos kong maglagay ng mga bulaklak ay lumabas ako. Alas tres palang ng hapon kaya nakaramdam ako ng gutom. Kahit buntis ako ay kunti lang ang itinaba ko dahil kontrolado ko ang kinakain ko, ayoko ding kumain ng kumain dahil yun talaga ang magpapataba. At hindi din ako palaging nagccrave. Parang nga akong hindi buntis dahil sa liit ng tiyan ko.

Nasa five months na ang tiyan ko at ang sabi ng doktor ay healthy naman daw ang baby at wala naman daw problema kung maliit lang ang tiyan ko dahil normal lang daw yun. Ang importante ay malusog yung baby ay ayos na sa'kin yun.

Gumawa ako ng simpleng sandwich. Nagtoast ako ng tinapay at nagslice ako ng cheese tapos nagprito ako ng ham na tira namin Jacques sa umaga—na syempre binili ni Phinneas. Siya yung naggrocery para sa amin lalo na't hindi niya gusto ang ideya na ako ang namamalengke para sa pagkain namin ng bata kaya siya na ang naggrocery kahit hindi siya sanay na gawin yun pero isang beses ko siyang natanong dati kung bakit marunong siyang maggrocery shopping eh may mga katulong naman siya.

Phinneas Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon