Chapter 27

810 25 4
                                    

Agad kong pinutol ang usapan namin ni Timothee pagkatapos ng tawag ni Phinneas sa'kin dahil bigla akong nataranta. Mabuti nalang at tapos na yung lunch namin ni Timothee dahil kung hindi pa yun tapos ay nakakahiyang iwanan siya.

"Salamat Timothee sa paghatid. Nag-abala ka pa." sabi ko, hinatid niya kasi ako sa ospital kung saan naka-admit so Phinneas.

"It's okay, mas matatagalan ka sa paghihintay ng taxi kaya mabuti nalang at hindi pa tayo umalis mula sa restaurant. Just go to him, baka kailangan ka niya." sagot nito.

Ngumiti ako sa kanya. "Salamat. Kapag wala kang gagawin sa susunod ay dumalaw ka lang ulit sa barbershop. Huwag kang mag-alala kay Phinneas dahil kakausapin ko naman siya."

"Sure. Lunch date ulit sa susunod kapag hindi ako busy sa work at sa paghahanap sa nawawala kong anak."

"Sana mahanap mo siya, Timothee. Huwag kang mawala ng pag-asa dahil mahahanap mo siya."

"Thank you. I really am glad that I met you Jackie. You're such a nice a person."

Ngumiti ako at tinanguan siya.

Bumaba na ako mula sa sasakyan niya. Pagkaalis niya ay agad akong pumasok sa ospital at lumapit sa front desk para magtanong kung saang kwarto dinala si Phinneas.

Isang pribadong ospital ang pinagdalhan kay Phinneas dahil siguradong hindi yun papayag na sa isang pampublikong ospital siya dalhin, knowing na maarte siyang tao.

Nasa fifth floor ang kanyang kwarto. Natagalan pa ako dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta, natagalan akong maghanap dahil yung mga tinanong kung nurse ay busy, kaliwa't kanan ang ginagawa ng mga tao sa ospital na yun.

Nang makarating ako sa kwarto ni Phinneas ay napasinghap ako na nakaupo siya sa kama at nakakrus ang kanyang braso, nang magtama ang tingin naming dalawa ay agad na naningkit ang kanyang mga mata.

"You're late." sabi nito.

Hindi ko ineexpect na magiging maayos at mukhang komportable pa siya sa kama.

"Akala ko ay nakahiga ka." Yun agad ang sinabi ko.

"Kanina yun. Matagal na akong nakahiga kaya umupo ako." sagot niya na nakataas ng kilay.

"Ano bang nangyari sayo?"

"I got freed from work and I was about to call you to invite you for lunch when I saw you entering that guy's car again, and that's the reason why I wasn't able to pay attention to my surroundings. May dumaang sasakyan mismo sa gilid ko kaya yung paa ko ang napuruhan. Oh tignan mo ang bandage na nasa paa ko. Kasalanan niyo yan ng lalaking yun."

Sa inis ko ay hinampas ko ang braso niya gamit ang bag ko pero hindi ko naman siya pinuruhan. Baka magsampa pa siya ng reklamo sa pagiging bayolente ko.

"Hey!" Nagulat siya sa ginawa ko.

"Ang immature mo talaga! Wala namang ibang may kasalanan niyan kundi ikaw lang mismo dahil tanga ka! Kung nakatingin ka lang sa kung saan ka nakatayo ay makikita mong may dumaan sayong sasakyan, eh hindi ka masasaktan!"

"Kailangan bang ihampas mo ang bag mo sa akin?!"

"Nakakainis ka talaga." Nanggigil kong saad.

Padabog akong umupo sa sofa na nasa harap ng kama niya. May espasyo sa paanan nito at maluwag pa dahil maluwag yung kwarto niya.

"Pinapunta mo pa ako dito. Akala ko nabalian ka ng buto. Pero kung napansin ko lang sana yung pagiging kalmado mo sa tawag mo kanina ay baka hindi na ako pumunta pa dito. Iniwan ko pa ang barbershop ko ng dahil sayo."

Phinneas Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon