Chapter 25

819 20 3
                                    

Inilapat ko ang aking kamay sa dibdib niya, nakabukas ang dalawang butones ng kanyang suot na shirt. Ang lambot ng kanyang balat at ang sarap haplusin. Kung hindi lang sa kanya ay baka ginawa ko na yun ng paulit-ulit.

Mas nalasing ako sa halik niya lalo na ng ipinasok niya ang dila sa aking bibig para hanapin ang dila ko. Sinunod ko lang ang ginawa niya sa dila ko pero mas diniin niya ako sa kanya para sipsipin yun. Ang isang kamay niya ay nakadiin sa ulo ko kaya  mas lalo pa akong napayakap sa kanya.

Kalaunan ay umiwas na siya ng halik pero hindi siya lumayo. Binigyan niya lang niya ako ng ilang segundo para makapagpahinga, pinatakan muna niya ng halik ang noo ko, bumaba sa kilay, pababa pa sa tungki ng ilong ko hanggang sa mapunta sa labi. Magatal na halik ang ginawad niya sa'kin. Sinasagot ko naman ang halik niya pero nang bumaba ang labi niya sa leeg ko ay hindi ko na nakaya pang itago ang ungol sa aking bibig.

I felt Phinneas stretched his lips widely, it's against on the skin of my neck. Parang ngumiti siya. Hindi ko lang inalala yun dahil nasasarapan ako sa pagdila niya sa aking leeg.

Tumingala pa ako para malaya niyang gawin ang gusto niya sa leeg ko. Para siyang bampira na isinisipsip ang balat ko. Ilang beses niyang ginawa yun, hindi lang sa iisang partikular na parte sa aking leeg kung hindi ay halos buong leeg ko ay pinaglalaruan niya.

Habang hinahalikan niya ang leeg ko ay hindi naman nagpapatalo ang mga kamay niya dahil kung saan-saan ito napaparuon.

Phinneas was playful and he knew what he would do to me, well. Parang kabisado na niya ang katawan ko.

Umalis ang labi niya sa aking leeg, ang kanyang kamay ay pumatong sa gitna ng aking dibdib para hawakan ang neckline. Nakatukod na ang dalawang siko ko sa billiard table dahil bumigay ang katawan niya sa ibabaw ko.

"Nagalit ako kanina dahil hinatid mo pa ang lalaking yun sa pinto. Nagalit ako dahil mas inuna mo pa siya kaysa sa lunch nating dalawa. Wala talagang  hiya ang taong yun." sabi niya nang mapayuko siya sa akin.

Matapang akong tumingin sa kanyang mga matang inaantok pero nakakatutok yun sa aking labi.

"Nagseselos ka ba kay Timothee?" Matapang kong tanong.

Parang may dumaan na kulog sa kanyang mukha at ang kaninang pagnanasa ay napalitan ng madilim na tingin.

"What I felt earlier was beyond that adjective. I can't express it well, and to remind you sweetheart, don't ever mention someone's else name in front of me, especially that guy's ugly name. Kumukulo ang dugo ko sa kanya." Galit niyang sagot.

Gumalaw ako para sana paalisin siya pero mas lalo siyang bumitaw ng pressure sa katawan ko kaya napahiga ako sa mesa ng billiard. Napahawak ako sa kanyang bewang at napaungol ako ng maramdamang pumaibabaw ang isang kamay niya sa kanang dibdib ko.

"Bakit matindi ang galit mo sa kanya? Mayroon ba kayong pinag-awayan? Ano bang pinag-awayan niyo kung sakaling may alitan kayong dalawa?"

Ang dami kong gusto pang tanungin sa kanya para malaman ko kung ano ang rason kung bakit ayaw niya kay Timothee. Inosente naman ang tao.

Hindi siya sumagot kaya ang suspetsya ko ay hindi talaga maganda ang kung ano man ang ikinagalit niya kay Timothee. Hindi ko pa naman lubusang kilala si Timothee, lalo na si Phinneas. Kung ano man ang alitan nilang dalawa, malalaman ko rin.

Napaungol ulit ako ng nagpabigat siya sa katawan ko.

"Phinneas." bulong ko sa pangalan niya.

Imbes na umalis siya ay bumaba ulit ang kanyang mukha sa akin para patakan ako ng halik sa labi. Nadala ako sa halik niya kaya sumunod ako sa bawat kilos ng kanyang halik.

Phinneas Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon