Chapter 14

800 17 1
                                    

Panay ang hinga ko ng malalim habang nakasandal sa pinto. Paano na ako niyan makakatulog kung nasa loob siya ng kwarto ko at halos hubad na. Siguradong hindi ako makakakilos niyan ng maayos dahil unang beses talagang nangyari yun sa akin na makakita ng lalaking biniyayaan ng magandang katawan.

Naputol ang paghinga ko nang mapaigtad ako sa gulat nang kumatok si Phinneas mula sa loob ng kwarto ko.

"Excuse me? Aren't you going in? Lalabas ako. I need to wash my face." Halatang naiirita na naman siya.

Bumuntong-hininga ako. "Sandali lang. Papasok lang ako sa banyo." sagot ko saka binitawan ang seradura ng pinto.

Agad akong naglakad papunta sa banyo. Naramdaman ko na nabuksan niya ang pinto ng kwarto ko at hindi ko pa man naisarado ang pinto ng banyo ay narinig ko na siyang nagsalita.

"Hurry up, Jackien!" sigaw niya sakin.

Napabuntong-hininga nalang ako. Sana naman ay hindi narinig ni itay ang sigaw niya.

Agad akong nagsipilyo at naghilamos. Sinabunan ko lang ang paa ko dahil yun lang ang problema ko. Wala akong dalang tuwalya dahil nasa likod ng pinto ng kwarto ko nakasabit. Naghilamos lang din ako saka natapos ako agad.

Paglabas ko ng banyo ay napahawak ako sa dibdib ko dahil nakita kong nakasandal si Phinneas sa tabi ng pinto na siyang boxer shorts lang ang suot. Nagflex ang mga braso niya dahil nakakrus ito.

"Finally, you know I don't get women sometimes, they're literally living inside of the bathroom because everytime they use it, they took half of a day inside of it." sabi niya na parang bulong narin, siguro ay tinama lang niya na marinig ko ang sinambit niya.

Napairap nalang ako sa kanya saka hindi siya tinignan dahil kapag tumingin ako sa baba ng bewang niya ay baka makita ko pa yung bato niya doon.

Nagmadali akong pumasok sa loob ng kwarto at agad na kinuha ang tuwalya sa may pinto para punasan ang mukha ko at ang aking paa. Habang ginagawa ko yun ay nakita kong nakasabit na sa gilid ng aparador ang kanyang sinuot na shirt at pants. Yung sapatos niyang suot ay nasa ilalim ng kama ko. Ang kanyang bag naman ay nasa gilid ng lamesa.

Wala siyang kalat sa kwarto. May isang nakatiklop na roba sa ibabaw ng kama ko. Siguro ay susuotin niya yun.

Pinilig ko ang ulo ko, inalala ko na baka pumasok siya agad sa kwarto ko kaya naman ay agad akong nagbihis. Pinalitan ko yung pambahay ko ng pantulog, pati underwear ay pinalitan ko rin. Nagpalit ako ng bra, kahit bawal matulog na may suot na bra ay titiisin ko dahil nasa iisang kwarto kami ni Phinneas, baka busuhan niya pa ako.

Saktong pagbaba ko ng suot kong tee-shirt ay pumasok si Phinneas sa kwarto ko. Kumunot ang noo niya nang mapansin akong nakabihis na agad pero nawala na yung pagkakunot niya dahil hindi niya na ako pinakialaman pa nang kunin niya ang bag na nasa lamesa.

Nagspray siya ng pabango sa ere at pati narin sa katawan niya ng isang beses.

Umikot ang mga mata ko dahil kahit sa pagtulog ay naglalagay pa siya ng pabango.

Pero hindi maikakaila na masyado siyang mabango. Hindi nakakairita ang kanyang pabango dahil hindi masyadong matapang, agaw atensyon ang kanyang pabango na pwede kang hilahin nito kung saan man naroroon ang may-ari ng pabango.

Tinanggal ko ang tali ng buhok ko saka inilagay yun sa ibabaw ng lamesa.

"Sa sahig ka matulog." sambit ko.

Agad siyang napatingin sakin na parang may sinabi akong mali. "Are you kidding me? There's no way I will sleep on the floor."

"Phinneas, hindi ka kasya sa higaan ko dahil maliit lang yan eh ang laki ng katawan mo para humiga diyan. Paano kung masira ang kama ko?"

Phinneas Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon