Chapter 4

306 16 0
                                    

DIVINE'S POV

WARNING: Some scenes in this content are not suitable for minors. Proceed at your own risk.

"B*SET!!" Bagsak kong hiniga ang sarili ko sa kama habang nakatitig sa kisame.

Hindi ako makapaniwala sa nangyari kanina! Nakakainis talaga!

FLASHBACK

Sobrang bilis ng pangyayari nakita ko na lang 'yong sarili ko na nakatali 'yong kamay ko pero ang gamit belt niya. Habang nakapalibot sa bibig ko 'yong neck tie niya para hindi ako makagawa ng kahit anong ingay.

Literal na bal*w siya!! Paano ako makakaalis sa puny*ta niyang kotse. Tumingin ako sa bintana para silipin siya kung ano 'yong ginagawa niya.

May lalaki siyang kausap na nakatalikod habang siya nakaharap sa kotse. Nakikipag-usap siya pero 'yong tingin niya nasa kotse.

Tinignan ko siya ng masama kahit alam kong hindi niya ako nakikita sa loob. Tumingin ako sa kaliwa ko at sinubukan kong buksan ang rear door. Parang nakakita ako ng liwanag nang hindi niya man lang ni lock.

Sino satin ang id*ot?

Napa-atras ako nang biglang bumukas 'yong pinto at bumungad siya sa akin.

"I told you, you can't escape from me, id*ot." Napapikit ako nang pitikin niya 'yong noo ko.

Tinignan ko siya ng masama sa ginawa niya at pumasok siya sa loob ng kotse at sinara. Tinignan ko lang siya habang tinatanggal 'yong belt sa kamay ko pati ang neck tie na nakapalibot sa bibig ko. Nakahinga ako ng maluwag nang tinanggal niya ang neck tie sa bibig ko.

Nang matapos na niya tanggalin 'yong belt sa kamay ko pati na rin 'yong neck tie. Tinignan ko siya ng masama at hindi ako nag-dalawang isip na duraan siya sa mukha.

Kitang-kita ko sa mukha niya na wala man lang expresyon at bahagyang pumikit. Ito na 'yong chance ko para makatakas sa kan'ya. Buong lakas ko siyang sinipa at rinig ko 'yong pag-tama ng likod niya sa rear door. Tumalikod ako sa kan'ya at binuksan nang mabilis 'yong pintuan ng kotse niya at tumakbo palayo sa kan'ya.

"Run." Natigilan ako sa narinig ko mula sa kan'ya.

Hindi ko alam pero kumusa 'yong sarili ko na lingunin siya. Nanigas ako sa kinakatayuan ko nang makita ko siya na nakasandal sa kotse niya habang 'yong kanang kamay niya ay may hawak na b*ril. Mas lalo akong nagulat nang itutok niya sa akin 'yong b*ril niya.

"I like this game of yours. Let me count for you."

"Buti nakauwi ako ng buhay." Humiga ako sa kama at huminga ng malalim.

Anong kamalasan ang dumikit sayo Divine?! Ginulo ko 'yong buhok ko sa sobrang inis.

Napag-desisyunan ko muna na maligo para 'yong utak ko guminhawa man lang. Habang na nasa bathtub ako hindi ko maiwasang hindi isipin 'yong lalaking 'yon.

Ang weird niya hindi lang siya basta bal*w tang*na nanunutok ng b*ril. Parang kaya niya talagang pum*tay. Hindi ko maiwasang hindi kabahan pakiramdam ko delikado talaga buhay ko kapag hindi ko siya nabayaran ng 3 million.

Grabi 'yong kaba ko habang nagbibiling siya. Parang nakikipag habulan ako kay kamat*yan.

Subukan ko kaya mag-sumbong sa pulis? Napailing ako sa kat*ngahan kong suggestion. Anong laban ko? Mukhang mayaman 'yon tapos ako mukhang hampas lupa hindi lang basta mukha, literal na hampas lupa.

Hinayaan ko muna 'yong sarili ko sa bathtub.

Mapapabuntong hininga na lang ako sa puny*tang buhay 'to. Napatingin ako sa braso ko, nandito pa rin 'yong bakas ng kuko niya pati na rin 'yong bakas ng belt niya. Hindi ako makapaniwalang tinali ako pero gamit belt. Anong klaseng utak meron siya? Ang weird niya talaga hindi ko kinakaya kung ano man takbo ng isip niya!

The Billionaire Ceo (ONGOING)Where stories live. Discover now