Chapter 22

205 10 0
                                    

DIVINE'S POV

"No, I want to be let into your heart and soul. I don't care if you're going to refuse. On my side, I will do what I want," he kissed my right cheek as he spoke those words to me.

Mas lalo akong nagulat nang marahan niyang inulit-ulit na halikan 'yong kanang pisnge ko habang nakapikit siya. Ito ang unang beses kong nakita si sir Hunter na pinakita mismo 'yong palagi niyang sinasabing 'I'm obsessed you'.

"Darling," he kissed my forehead.

"Honey," he kissed me down to my nose. 

He held my cheeks while staring into my eyes.

"My beloved Divine," he whispered.

Parang nawalan ako ng boses para sumayin siya. Mas lalo pa akong nanghina sa sunod niyang sinabi.

"You mean a lot to me." Kitang-kita ko sa mata niya kung gaano siya kaseryoso sa sinasabi niya sa akin.

Parang sobrang sincere siya sa mga sinasabi niya. Totoo ba 'to? Totoo ba mga pinagsasabi nito? 

"You don't need to worry, Divine. I'm here to protect you at all costs," he smiled at me while he rubbed his thumb against my left cheek while he held my right hand.

Napatitig ako sa ngiti niya, ito 'yong unang beses ko siyang nakitang ngumiti na parang sobrang saya niya. Naguguluhan akong nakatingin sa kamay niyang na nakahawak sa kamay ko bigla rin umangat 'yong tingin ko sa kan'ya nang narinig ko siyang tumawa nang mahina.

Tumaas 'yong kilay ko dahil sa biglaang pag-tawa niya nang mahina. Anong nakakatawa ron?

"You look so adorable, baby," sabi niya at hinilig 'yong noon niya sa balikat ko.

Mabilis akong umiwas ng tingin dahil sa huli niyang sinabi. Kung ano-ano na tinatawag sa akin nito. Kanina honey, darling, baby, at my beloved Divine.

Naguguluhan ako ngayon lalo sa lalaking nasa harapan ko. Hindi ko maitindihan kung ano ba talaga 'yong nangyayari. Bakit biglang naging ganito si sir Hunter? Parang mga nitong mga dumaan na araw wala siyang ibang alam na sabihin kun'di 'I'm obsessed with you' at hindi ko pa ramdam na totoo 'yong sinasabi niya. 

Pero ngayon, iba.

Parang biglang nag-iba 'yong ihip ng hangin at napadpad sa ganitong sitwasyon.

"Sir Hunter—"

"Hunter. Call me Hunter, please."

"O-ok," sabi ko at hindi pa rin siya tinitignan.

Tahimik lang kami pareho at nananatili pa rin sa ganitong posisyon. Hindi ko alam 'yong nararamdaman ko, ni hindi ko rin alam kung masaya ba ako sa mga narinig ko o  kung ano. Isa lang alam ko, 

wala akong gusto sa kan'ya.

Pero hindi ko maitindihan kung bakit kumukusa 'yong sarili ko na hawakan at halikan niya ako, hindi ko rin maitindihan sa tuwing nakayapos ang mga kamay niya sa akin hindi ko magawang itulak siya palayo, hindi ko rin maitindihan na imbes magalit ako sa mga nagawa niya sa akin mula no'ng una hindi ko magawang magalit sa kan'ya, at hindi ko rin maitindihan kung bakit hindi ko magawang umalis sa mansyong ito.

Higit sa lahat, hindi ko na rin alam...

Nagulat ako nang bigla siyang umayos ng upo at tinignan ako sa mata.

"You don't need to force yourself to like me back. Let me take care of everything, and I'll make you fall in love with me." 

Bakit hindi ko rin magawang umiwas ng tingin sa mga mata niya? Napalunok ako sa kung paano niya ako tignan na para bang ako 'yong pinaka mahalagang bagay na ayaw niyang mawala. 

"Sorry," he whispered as he held both of my hands.

He gently pressed his lips onto my hand while his eyes were closed. Kunot noo akong tumingin sa kanya. Bakit bigla naman ito nagso-sorry? Kanina ko pa napapansin, ganito pala kapag nainlove ng isang Hunter Blake Falcone?

"Sorry for everything. I know my apology won't change what I have done to you. I won't make any promises, but I am here to be your shield in case you are in danger."

"I will not do anything that will harm my little girl," sabi niya habang hinawi niya ang buhok ko na nakaharang sa mukha ko at nilagay sa likod ng tenga ko.

"Antok lang 'yan," sabi ko at hinawi 'yong kamay niya at tumayo habang siya ay nagulat sa ginawa ko.

"No, I'm not."

"Baka gutom? Pagod? Baka inaantok ka na talaga," napairap siya sa sinabi ko at tumayo.

Pinanood ko lang siya hanggang sa umupo siya sa couch at  tumingin sa akin.

"I deeply mean everything I've said to you," seryoso niyang sabi sa akin.

Ang bilis nito mag-iba ng mood kung kanina daig pa 'yong asukal sa sobrang tamis tapos ngayon biglang seryoso 'yong boses. Staka naniniwala ako sa lahat ng sinasabi niya hindi ko lang inakala na ganito 'yong mangyayari. Biglang umamin at naging malambing na akala mo pusa tapos biglang sinaniban ng tigre.

Natatawa ako sa naiisip ko na pusa si sir Hunter tapos biglang sinapian ng tigre. Natatawa ako sa reaksyon niya, kasi nag-salubong 'yung kilay niya na kulang na lang mag-dikit. Pero biglang tumigil ako sa pagtawa sa sinabi niya.

"Stop it, you make me want to pull you into my lap and kiss you," seryoso niyang sabi at deretsong tumingin sa mata ko. Mabilis akong umiwas ng tingin dahil pakiramdam ko ako 'yong nahihiya sa sinasabi nito.

Iyan na naman siya, hindi niya ba naririnig 'yong sinasabi niya? Napaka corny pakinggan at ang sakit sa tenga.

"Did I make you feel embarrassed?" he asked as he tilted his head.

Hindi ko siya sinagot at umirap lang sa hangin. 

"I've got an idea," sabi niya sa akin.

Pakiramdam ko hindi maganda 'yong iniisip nito. Nanlaki 'yong mata ko nang tumayo siya at lumapit sa akin bahagya pa ako napaatras.

"Kiss me, darling," he said while holding my chin.

Bigla ko siyang tinignan ng masama dahil sa sinabi niya. Sabi ko na nga ba hindi maganda 'yong iniisip nitong lalaking 'to.

"Bal*w ka ba?!" tumaas bigla ang boses ko pero itong kausap ko tumawa lang nang mahina at nilagay niya 'yong  dalawa niyang kamay sa bulsa niya.

"Yes, 'cause my baby drives me crazy," he smiled at me.

Napakurap ako sa narinig ko sa kan'ya. Kanina pa siya bumibitaw ng mga salitang hindi kapani-paniwala bakit ngayon lang ako nakaramdam ng pag-bilis ng tibok ng puso? Mabilis akong tumalikod sa kan'ya dahil ayokong makita niya 'yong reaksyon ko. Mabilis akong nag-lakad palayo sa kan'ya at nagmamadaling pumasok sa kwarto ko. Bago ako pumasok narinig ko pa siyang tumatawa habang tinatawag ako sa pangalan na parang nang-aasar.

Nang nakapasok na ako sa kwarto ko sumandal agad ako sa pintuan ng kwarto ko habang sapo-sapo ko 'yong dibdib ko.

"Divine, kumalma ka," bulong ko sa sarili ko habang pailing-iling ako.

Huwag kang mag-papaapekto sa sinasabi ng sir mong dating takas mental. Bakit biglang bumilis 'yong tibok ng puso ko? Nagulat ako nang marinig ko 'yong boses ni sir Hunter mula sa labas at napatingin sa pinto at bahagya pang lumayo sa pintuan.

"Did I make my baby mad at me?" mas lalong bumilis 'yong tibok ng puso ko.

"Tigilan mo nga ako!" inis kong sabi sa kan'ya pero tumawa lang siya.

"May pasok pa ako bukas kaya tantanan mo ako!" dagdag ko pa.

"Tomorrow is your rest day because I don't want my baby to get tired," he said while using his soft tone.

The Billionaire Ceo (ONGOING)Where stories live. Discover now