Chapter 32

110 7 0
                                    

DIVINE'S  POV

"Correction, honey, it's not a meeting," sabi niya. Tumaas 'yong kilay ko sa narinig ko.

Kung hindi meeting 'yon ano naman gagawin namin doon? Sira*lo talaga 'to.

"Our vacation."

"Hibang ka ba, HUNTER?!" mahina pero madiin kong sabi. Tinaasan niya ako ng kilay lalo na nong binanggit ko 'yong name niya nang madiin.

"No," sagot niya at uminom ng coke habang nakatingin sa akin. Napasapo ako sa noo ko kung gaano ka walang paki si sir Hunter sa sinasabi niya. Sabi niya may importante siya gagawin next week tapos ngayon aalis kami para ano? Mag bakasyon?! 

"What's wrong with the idea of a vacation?" taka niyang tanong habang kunot noong nakatingin sa akin. I took a deep breath and gently ran my fingers through my hair.

"Seriously, SIR HUNTER?! We can't leave your company!" 

"I'm the boss, I'm a mafia, I have power, I have a lot of people under my control, and I have you," he said, giving me a quick wink. 

Gag*amp*ta!

"Anong connect?" irap kong sabi at kumain ulit.

Kapag palaging pinapaalala 'yong company niya lagi niyang sinasabi siya naman daw may-ari. Syempre wala na akong masabi boss 'yan, expleyado niya lang ako. 

"Ewan ko sa'yo, pwede mo na lang sabihin ikaw 'yong may-ari hindi 'yong ang dami mong satsat," sabi ko at tinawanan lang ako.

"Don't be shy. I know you like it every time I claim you as mine."

Akmang kakainin ko na 'yong nasa kutsara nang bigla niyang sabihin 'yon. Natigilan ako at ibinaba 'yong kutsara sa pinggan ko at tinaasan siya ng kilay.

"Delusyon?" taas kilay kong sabi.

"Nope. It's not delusion, darling. It's fact that you're mine and I'm all yours." sabi niya at binigyan akong ngiting nakakaasar habang sumandal siya sa kinauupuan niya at nag-cross arm.

"Akala mo naman gusto kita," bulong ko sa sarili ko.

"I heard you."

"I don't mind if you don't like me. I'll still love you no matter what happens," he whispered.

Tumingin ako sa kan'ya habang may laman pa 'yong bibig ko at nilapit niya 'yong mukha niya sa akin hanggang sa naramdaman ko 'yong labi niya sa tainga ko.

"Aangkinin pa rin kita."

Nanigas 'yong buo kong katawan dahil sa binulong niya sa akin parang nanlamig 'yong paa't kamay ko. Tang*na nag-tagalog si sir Hunter?! P*ta?! Literal na mapapamura ako!! Gag* Divine! Bakit gano'n? Ang sarap pakinggan kapag nag-tatagalog siya?! Bakit sa kan'ya hindi maasim at corny pakinggan?! 

"You're getting all flustered, baby," tukso niyang sabi sa akin at mahinang piniga 'yong pisnge ko. Agad ko 'yon hinawi at tinignan siya ng masama.

"Hindi," irap kong sabi. 

"Nabigla lang ako kasi nag-tagalog ka," paliwanag ko kahit nararamdaman kong umiinit 'yong tainga ko.

Uminom agad ako ng coke para mahismasan ako at umiwas ng tingin sa kan'ya habang siya ay mahinang tumawa. Binalingan ko siya ng tingin at tinignan siya ng masama.

"Oh, I'm scared," asar niyang sabi habang nakapalupot 'yong braso sa sarili niya na parang pinoprotektahan 'yong sarili niya sa anumang gagawin ko sa kan'ya.

The Billionaire Ceo (ONGOING)Where stories live. Discover now