Chapter 34

103 5 0
                                    

DIVINE'S POV

"I said let me in," he repeated.

Nanlaki 'yong mata ko sa narinig ko. Teka ikalma mo Divine! Huwag kang green minded! Tang*na talaga nito ang hilig mag-sabi ng mga double meaning!

"Please? Let me in."

Napalunok ako at umiwas ng tingin sa kan'ya nang biglang umangat 'yong tingin niya sa akin.

"What are you thinking, Princess?" tanong niya habang kunot noong nakatingin sa akin na parang nag-tataka.

Hindi ako kumibo at mas lalong hindi siya magawang tignan. Pakiramdam ko namumula 'yong magkabilaang tainga ko.

"Wait..."

"For God's sake, Divine. You're thinking about something else, aren't you?"

Naramdaman kong uminit 'yong magkabilaang pisnge ko dahil sa sinabi niya. Doon na ako kumuha ng lakas ng loob para tignan siya  ng masama.

"Sinasabi mo?!" inis kong sabi pero tinawanan niya lang ako.

"Guess who's pervert here," mas lalo akong namula sa hiya nang tuksuhin niya ako habang pino-poke niya 'yong pisnge ko nang paulit-ulit.

"Ano ba!" inis kong sabi at hinawi 'yong kamay niya at mas lalong lumakas 'yong tawa niya.

"You're so adorable!" he said teasingly, squeezing me tightly and nuzzling his face into my chest. Buong lakas ko siyang tinutulak palayo pero mas lalo niyang hinihigpitan 'yong pagkakayakap sa akin na akala mo hindi niya na ako mayayakap ulit.

"HUNTER!!"

"Yes, darling?" natigilan ako saglit sa sinabi niya at inis na tinutulak ulit pero tinatawanan niya lang talaga ako.

"Na saan na ba 'yong sinasabi mong kukuha ka ng pagkain?!" 

"Your food was already here," he said as he closed his eyes.

Agad naman akong tumingin sa gilid ng kama kung na saan 'yong bedside table. Napangiwi ako kasi wala namang laman, iniisip ko tuloy kung may bitbit ba siya kanina no'ng pumasok siya rito. Bumaba 'yong tingin ko sa kan'ya at tinignan ng masama kahit nakahilig pa rin siya sa dibdib ko. 

Sira*lo talaga 'to. Wala naman siyang bitbit kanina!

"Sinasabi mo? Sarili mo  bitbit-" 

"That's what I mean," he mumbled.

Bahagyang napanganga ako nang ma-gets ko kung ano 'yong sinasabi niya. Napaka bastos na nilalang 'to! Tinulak ko ulit siya kahit mas malakas siya sa akin.

"Why?" natatawa niyang tanong sa akin.

"I am more delicious than the food, just so you know," dagdag niya pa at tumingala sa akin at binigyan akong nakakalokang ngiti.

"Alam mo ikaw bitawan mo na ako," irap kong sabi.

"Who's in charge here, darling? Yeah, it's me, so you don't have the right to give me an order."

Ayan na naman siya. Tinutulak ko pa rin siya kasi medyo nabibigatan na rin ako sa kan'ya. Kung kanina nakahilig siya sa dibdib ko ngayon ay nasa leeg ko naman siya nakasiksik. Hindi ko na kaya ikalma 'yong sarili ko parang anytime masasap*k ko na siya.

"You smell so good," bulong niya at ramdam ko 'yong  mainit niyang hininga sa leeg ko. Umirap ako sa hangin nang parang inaamoy-amoy niya 'yong leeg ko. 

"F*CK!"

Bigla akong umupo at tinignan si sir Hunter na namamalipit sa kama  habang hawak-hawak 'yong private part niya. Hindi ko na kasi natiis akala ko kasi kaya ko pang ikalma kaso nademony* ako kaya nasipa ko siya roon.

No'ng inamoy-amoy niya 'yong leeg ko bigla ko siyang sinipa hanggang sa napahiga siya kama habang hawak-hawak niya 'yong private part niya at namamalipit sa sakit. Nasobrahan ko ba? Nasipa ko ba siya nang sobra? Bakit parang na guilty ako bigla roon? Hindi, Divine deserve niya 'yon.

"Why did you do that?" taka niyang tanong tapos 'yong boses niya parang nahihirapan mag-salita pero nandon pa rin 'yong tono niyang mahinahon.

"Kasalanan mo 'yan." inirapan ko siya bago ako tumayo sa kama.

"Hey, where do you think you're going?"

Nang nakalabas ako ng kwarto naririnig ko pang sinisigaw ni sir Hunter 'yong pangalan ko. Kung kanina iniisip ko na nakokonsensya ako kasi sinipa ko siya roon, ngayon parang natutuwa ako kasi deserve niya talaga 'yon.

Umupo muna ako sa couch at tumingin sa portholes kitang-kita ko 'yong mga building na kan'yanh-kan'yang ilaw. First time ko 'tong makasakay sa eroplano lalo na't pupunta pa kami ng Maldives.

"Enjoying the view?" tumingin ako sa likod ko nang marinig ko 'yong boses ni sir Hunter at tumingala sa kan'ya. Nakapamulsa siya habang nakatingin sa akin.

Sa wakas nag-damit na rin siya nakakaumay katawan niya. 'Yong suot niya pala ay itim na polo shirt.  Tinignan ko siya ng ilang segundo bago ko binalik 'yong tingin ko sa portholes. Naramdaman kong tumabi sa akin si sir Hunter at naktingin din. Pareho kaming tahimik hanggang sa sinandal niya 'yong noo niya sa balikat ko. Hinayaan ko na lang siya kasi alam ko naman talagang matigas ulo nito baka mamaya yumapos pa sa akin nang sobrang higpit.

Halo-halo 'yong nararamdaman ko, takot, tuwa, saya, pangamba, at higit sa lahat ay hindi ko maiwasang hindi mag-duda. Hindi ko maiwasang hindi mag-duda kay sir Hunter. Kung sino ba talaga siya o dapat ba akong maniwala na may kinalaman siya sa pag-kawala ng magulang ko Hindi ko rin maiwasang isipin si Venom, kung bakit bigla siyang tumahimik? Bakit biglang hindi nag-paramdam? Mas lalo akong kinakabahan at natatakot sa susunod niyang gagawin.

"You're thinking again, aren't you?" mahinang sabi ni sir Hunter habang pinalupot niya 'yong braso niya sa bewang ko.

At hindi ko rin maiwasang hindi isipin kung ano 'yong intensyon sa akin ni sir Hunter. May kailangan lang ba siya sa akin? Kaya niya ako kinekeep sa sa kan'ya? Nalilito na rin ako sa nararamdaman ko.

Gusto ba talaga kita? O sanay lang ako kasi nand'yan ka?

"Let's escape those thoughts of yours." bulong niya sa tainga ko at marahan akong hinalikan sa pisnge.

Hinawakan niya nang marahan ang baba ko at bahagyang hinarap sa kan'ya at nag-tama 'yong mga mata namin. Naramdaman kong hinaplos niya 'yong pisnge ko gamit 'yong thumb finger niya. Hinawakan niya 'yong magkabilaang pisnge ko at hinalikan 'yong noo ko.

"I won't leave you alone drowning in your thoughts."

I closed my eyes when he slowly rested his chin on my head, gently stroking the back of my head.

Unti-unti ako naging malumanay sa presensya niya at unting-unti nawala 'yong takot at pangamba ko. 

Siguro nga sabik lang ako sa ganito kasi hindi ko naranasan kahit isang beses. Ayoko kitang gustuhin, ayokong pilitin 'yong sarili ko na suklian ko 'yong nararamdaman mo sa akin, at ayokong masaktan at maiwan na naman mag-isa.

Hindi siya mahirap gustuhin pero kapag pumapasok sa isip ko kung sino ka ba talaga. Bigla akong nanghihina kasi wala akong alam tungkol sayo. Mas dinaig mo pa 'yong stanger. Ayoko lang talaga, mas gugustuhin ko pang wala kang nararamdaman sa akin. Pero hahanap-hanapin ko ba 'yong pagiging makulit, malambing, mapang-asar, at corny mong pinag-sasabi? Sa daming ayoko isa lang ang gusto kong mangyari.

"I love you, Divine."

Ay ang huwag mong malaman na gusto kita.

The Billionaire Ceo (ONGOING)Where stories live. Discover now