Chapter 18

95 5 0
                                    

DIVINE'S POV

"Divine! Wala na raw 'yong dating manager sa six floor tapos lahat ng nakita sa cctv na tinawanan at ininsulto ka, nawawala." Natahimik ako bigla dahil sa narinig ko mula kay Jam.

Nakaramdam ako ng kaba at takot kahit wala akong ginagawang masama. Mas gumulo pa 'yong isip ko sa sunod niyang sinabi. 

"Hindi rin mahanap si chief Tenzo." 

Imposible.

"Hey you woman!" Nagulat ako nang sigawan ako ni sir Hunter.

"Ay mamaya na lang!" Biglang pinatay ni Jam ang call at lumingon ulit kay sir Hunter.

"I. said. make. a. breakfast. for me." Napaka demanding naman nitong lalaking 'to.

Tinaasan niya ako ng kilay nang hindi ako umaalis sa kinakatayuan ko. Bumaba 'yong tingin ko sa kamay niya, hawak-hawak niya pa rin 'yong alaga niyang hamster.

"Wanna touch?" Mabilis akong umiling at nag-lakad papunta sa kusina.

"I'm willing, but touch my mine first." Mabilis ko siyang nilingon at ngumisi sa akin habang hinihimas pa 'yong alaga niyang hamster.

EWAN KO SAYO HUNTER BLADE FALCONE!! May tinatago ka rin palang kabastusan!!

Hindi ko na lang siya pinansin at hinanda lang 'yong inuutos niya sa akin. Hindi ko aakalain na magiging yaya ako nito. Kaya niya naman sarili niya nagagawa pang ipasa sa akin.

Salita siya nang salita pero hindi ko siya pinapakinggan at tuloy lang ako sa pag-timpla ng kape niya.

"What can you say?" Bigla niyang tanong na dahilan para lingunin ko siya.

Nakasandal siya sa ref sa bandang kaliwa ko at titig na titig sa akin. Sinasabi nitong lalaking 'to.

"Don't ignore me." Bigla nag-iba 'yong tono niya kung kanina mala pilyo ngayon bigla naging seryoso na parang anytime bubunot na naman siya ng b*ril niya.

Sinasapian na naman siya ng sakit niya.

"Ano ba 'yon?" Magalang kong sabi pero inirapan niya lang ako at iniwan akong mag-isa.

Gulat ko siyang sinundan ng tingin hanggang sa hindi ko na siya natatanaw. Ano 'yon? Itong si Hunter akala mo palaging dinadatnan. Napailing na lang ako sa inasta ni sir Hunter at tinuloy na lang 'yong pag-luto ng pancake niya. Maya-maya pa nakapagluto na ako ng pancake niya at nilapag na sa lamesa.  Hinintay ko bumalik si sir Hunter pero bakit parang wala ng balak 'yon bumalik? 

Nakaupo lang ako at titig na titig sa cellphone ko. Ang daming pumapasok sa isip ko, pakiramdam ko hindi parang sadya 'yong biglang pagkawala ng mga employees sa six floor. Imposible naman na wala lang 'yon tapos sabay-sabay silang nawawala. Bigla akong lumingon kung saan dumaan si sir Hunter kanina. Naramdaman ko 'yong pag-tayo ng mga balahibo ko lalo na nang may naalala ako.

"I love k*lling people, it feels so satisfying."

Hindi kaya? T*ngina...

Napalunok ako sa kaba at napatakip sa bibig ko. Hindi kaya may kinalaman si sir Hunter sa pag-kamat*y ng dating manager pati na rin 'yong mga employees sa six floor? Pero ano namang dahilan kung may kinalaman siya?

"I am a mafia."

"Argh Divine..." Napahawak ako sa magkabilaang sintido ko habang nakapikit.

Sumasakit 'yong ulo ko, staka na saan ba si sir Tenzo? Isa rin siya bigla na lang nawawala. Bigla akong huminto sa pag-haplos ng sintido ko at napadilat nang may naramdaman akong umupo sa harapan ko. Nakita ko si sir Hunter na kinakain 'yong niluto kong pancake para sa kan'ya. 

The Billionaire Ceo (ONGOING)Where stories live. Discover now