Chapter 40

116 6 0
                                    

DIVINE'S POV

Pinauna na ako ni sir Hunter para makapagpahinga na raw ako dahil may aasikasuhin daw muna siya. Nilingon ko ulit 'yong direksyon ni sir Hunter at hindi sa kalayuan nakita ko siyang may kausap sa phone niya habang seryoso 'yong mukha niya. Pansin ko lang bago kami makapunta rito madalas siyang may kausap sa phone. Sinabi ko naman kasi sa kan'ya na huwag na mag-bakasyon dahil nga marami kaming kailangan tapusin sa company kaso masyado 'tong mapilit.

Huminga ako nang malalim at naglakad na papunta kung saan 'yong kwarto. Nang malapit na ako napatigil ako dahil marami palang kwarto rito halos nasa walo. Nakakaloka talaga itong si sir sa daming resort na pwede niyang kunin ito pa talaga na halos mansyon na kung tignan.

Iniisa-isa kong tinignan 'yong mga pinto habang pinag-iisipan kung saan ako papasok. Nag-kibit balikat ako at pumasok na lang sa isang kwarto at bumungad sa aking harapan ang balcony ng kwarto, sa bandang kilawa ko ay nandoon ang kama kung saan malapit 'yong bathtub, may maliit ring t.v sa bandang kaliwa ko, at habang sa may balcony ay may dalawang sofa. Pumasok na ako sa loob at sinira ang pintuan, agad akong dumeretso sa balcony at tinulak ang sliding door. Bumungad sa akin ang malamig na hangin at ang ingay ng mga alon, unang gabi pa lang namin dito parang gusto ko na tumira rito.

Huminga ako nang malalim at at humawak sa balustre habang nakatingala sa langit. Napangiti ako habang nakatingin sa langit at titig na titig sa buwan, mukhang malapit na ang full moon. Dahan-dahan kong pinikit 'yong mga mata ko habang dinadamdam 'yong lamig ng hangin. Sa daming nangyari sa akin simula nang dumating si sir Hunter, may biglang dumating na halos nakasalalay 'yong buhay ko, utang na halos hindi ko na matapos, at pangangamba sa magulang ko. Pero aaminin ko, nang nasa mansyon na ako ni sir Hunter ramdam ko 'yong ligtas ako, ramdam ko na kahit anong mangyari may taong ililigtas ako.

At iyon si sir Hunter.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa balustre at dahan-dahan akong yumuko kasabay ng pag-dilat ko. Kahit gaano ako kaligtas sa tabi niya alam kong may mali sa kan'ya o sadyang nag-iisip lang ako. Ayokong mag-tanong at ayoko malaman o marinig mula sa kan'ya na may kinalaman siya pagkawala ng magulang ko. Kahit sa umpisa pa lang wala na akong pakialam sa magulang ko simula noong iniwan nila ako. Pero masakit kung malalaman ko 'yong taong gusto ko may kinalaman sa pagkawala ng magulang ko.

Naramdaman kong nanginginig na 'yong buong katawan ko at humikbi nang mahina. Pinunasan ko 'yong luha ko at huminga nang malalim. Halos mahulog ako sa kinakatayuan ko nang biglang nag-ring 'yong phone ko. Agad-agad kong tinignan kung sino 'yong tumatawag biglang nag-salubong 'yong kilay ko nang makita ko kung sino 'yong tumatawag.

B*set talaga itong si Jammy napaka pang*t ng timing palagi!

"Hello?" irita kong tanong.

"Whoa! Easy!" gulat niyang sabi. Umirap ako at sumandal sa sliding door.

"Balita ko na sa Great Beach Residence raw kayo? With sir Hunter? Ano iyan? Honeymoon? Hoy 'wag mong kalimutan na ninang ako!" excited niyang sabi na halos mag-rap na siya sa dami niyang sinabi.

Napahilot ako sa sintido ko habang nakikinig sa kan'ya. Nagpintig 'yong tainga ko nang banggitin niya 'yong honeymoon. Bakit ang lakas nito mag-sabi ng honeymoon?! Kung ano-ano talaga iniisip nito!

"Balita ko nagkabalikan daw kayo ng ex mo?" tanong ko sa kan'ya.

"DIVINE!" inis niyang sigaw sa kabilang linya na kinatawa ko.

"Bakit? Nag-tatanong lang naman," inosente kong sabi. Narinig ko siyang nag-mura nang mahina.

"Huwag mong ibahin 'yong usapan natin. So ano nga? Honeymoon ba iyan?" tanong niya ulit.

The Billionaire Ceo (ONGOING)Where stories live. Discover now