Chapter 45

109 4 0
                                    

DIVINE'S POV

"Baby look at your mom, she's a sleeping beauty,"

Dahan-dahan akong gumalaw sa kinahihigaan ko habang kunot noong pinakikinggan ang boses niya. Hanggang panaginip nandito ka, Hunter? Naramdaman kong hinahalik-halikan niya ang tiyan ko at marahang hinahaplos.

"So pretty."

Naramdaman kong parang may tumabi sa gilid ko at hinawi ang hibla ng buhok ko na humaharang sa mukha ko.

"My gorgeous." Naramdaman kong hinalikan niya ang noo ko pababa sa ilong at baba.

Hindi na ata 'to panaginip totoo na ata 'to. Minulat ko ang mga mata ko at bumungad si sir Hunter na nakahilig 'yong tainga sa tiyan ko na parang may pinakikinggan. Ano na naman trip nito? Hindi niya napansin na nagising ako kaya kinusot-kusot ko muna 'yong mata ko bago ko pinitik 'yong tainga niya.

"Ouch!" gulat niyang sabi at biglang napatingin sa akin habang hawak-hawak niya 'yong tainga niya kung saan ko siya pinitik.

"What's wrong?" taka niyang tanong at umupo nang maayos habang gulat na nakatingin sa akin.

"Anong ginagawa mo sa tiyan ko?" taka kong tanong sa kan'ya habang sumasandal sa headboard. Nakita ko sa mukha niya na parang na gets niya kung bakit ko pinitik 'yong tainga niya. Marahan pa siyang tumawa bago sumagot sa akin.

"I'm checking our baby," kibit-balikat niyang sabi at pinatong niya 'yong kamay niya sa hita ko habang nginitian ako.

Baby? Pinag-sasabi nito? Masyado 'tong advance mag-isip, ano siya pregnancy test? Alam agad kung buntis ako o hindi? Lakas din talaga mag delusyon itong si sir Hunter hindi ko na ma-reach.

"Anong baby?"

"Oh come on, You forgot already? Last night! How we-" Agad akong hinagip 'yong unan sa tabi ko at binato sa mukha niya. Hindi na niya natapos 'yong sasabihin niya dahil sumapol sa mukha niya 'yong unan. Ito na naman siya! Wala na naman tigil 'tong bibig niya! Agad ko siyang tinignan nang masama pero tinawanan niya lang ako.

"Huwag kang umakto na akala mo may laman 'tong tiyan ko," suway ko sa kan'ya at tinapik 'yong kamay niya na nasa hita ko. Natawa lang siya nang mahina at lumapit siya sa akin at pinalupot niya 'yong braso niya sa bewang ko habang hinahaplos na naman niya ang tiyan ko.

"Having a baby with you is my treasure," mahinang sabi niya at hinalikan ang braso ko.

Pinagmamasdan ko siya kung paano niya haplusin ang tiyan ko at kung paano niya kausapin na akala mo may laman na sa loob. Hinilig niya ulit 'yong tainga niya sa tiyan ko, hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa o ano. Kasi naman, talagang pinakikinggan niya pa 'yong tiyan ko na parang chinececk niya 'yong baby sa loob.

Pinagmamasdan ko siya kung paano gumuhit 'yong ngiti sa mga labi niya na akala mo ay may narinig siyang ingay o tunog sa tiyan ko at kung may marinig man siyang tunog baka gutom lang.

"I can't wait," he said.

Natawa ako nang mahina habang pinagmamasdan niya 'yong tiyan ko. Bahagya niya pang inangat 'yong damit ko para makita niya lang talaga 'yong tiyan ko. Akmang hahalikan niya ang tiyan ko nang biglang tumunog 'yong phone niya. Pareho kaming tumingin sa gilid ng kama kung na saan ang phone niya.

"What awful timing," inis niyang sabi at umirap sa hangin.

Natawa ako sa itsura niya 'yong itsura na hindi mapinta tapos kitang-kita sa mukha niya 'yong inis. Tinaasan ko siya ng kilay nang bigla niya ako titigan na parang sinasabi na kung sasagutin niya ba o hindi. Wala ba 'tong desisyon sa buhay?

The Billionaire Ceo (ONGOING)Where stories live. Discover now