Chapter 3

165 13 0
                                    

DIVINE'S POV

{WARNING}

"Small world." Dahan-dahan ako dumilat at tumingala.

Y-yong lalaking hindi makatulog sa 3 million?! Bakit nandito 'to?! Bakit parang hindi ako makagalaw?! Parang bigla ako nanghina sa tingin niya sa akin! Para niya talaga ako pinapatay sa isip niya.

He bent down slightly so he's at the same level as me. Napalunok ako kung paano niya ako titigan nang deretso sa mata habang 'yong dalawa niyang kamay naka lagay sa tuhod niya.

"So, you work here?" Ano ba Divine?! Galaw-galaw ano dumikit na 'yong paa mo sa sahig?!

"ANSWER ME!" Nagulat ako nang biglang tumaas ang boses niya.

Akala ko si sir lang ang bal*w na nakaka-encounter ko pati rin pala 'to. Halata namang dito ako nag ta-trabaho nag-tatanong pa siya. Napairap ako sa hangin bago ako tumango sa kan'ya.

"You probably remember what I said earlier, right?" Sumandal siya habang naka cross arm at nakatingin sa akin.

Seryoso ba talaga siya sa sinasabi niya?? I mean oo naiitindihan ko kung papabayaran niya ako pero 3 million?? Hindi na kapani-paniwala sinasabi niya.

Lokohan na lang ata 'to.

Mabilis akong umiwas ng tingin nang tinitigan niya ako nang sobra. Bakit ba ganito tumingin itong lalaking 'to? Hindi ba siya aware na nakaka tense 'yong tingin niya?

Grabi para niya talaga ako pinapatay sa isip niya feel ko nga tino-torture na niya ako sa utak niya.

"Have you chosen?" Binasag niya ang katahimikan sa loob ng elevator.

Nabuhayan ako ng loob nang bumukas 'yong elevator chance ko na para makatakas sa lalaking 'to!

Hindi na ako sumagot sa kung ano man tanong niya at nag-mamadaling lumabas sa elevator.

Ang goal ko ay makaalis sa building na 'to. Bakit kasi pinalilibutan ako ng dem*nyo?!

Isang pervert.

At isang aggressive.

Grabi Divine bagay talaga sayo 'yong second name mong 'Mercy'.

"Where do you think your going?!" Hindi ko na nagawang lumingon sa likod ko kaya binilisan ko maglakad hangang sa nakalabas na ako ng building.

Huminto muna ako saglit habang hinahabol ko 'yong hininga ko. Grabi parang aatakihin ako ng 'di oras sa b*set na lalaking 'to.

Nanlaki ang mata ko nang parang lumutang ako sa hangin pag tingin ko sa baba bumungad sa akin ang likod ng lalaking hindi makatulog dahil sa 3 million!

Binuhat niya akong pang fireman's carry.

"HOY ANO BA!" Pinaghahampas ko 'yong likod niya kaso hindi niya ako pinansin mas lalo niya lang hinigpit 'yong pag-kakahawak niya sa hita ko. Ngayon ko lang napansin na buhat-buhat niya ako gamit isang kamay lang.

Tao pa ba 'to?! Paano niya ako nabuhat nang ganon-ganon lang.

"PUT ME DOWN!!!" Mas lalo ko nilakas 'yong sigaw ko at mas lalo siyang hinampas nang malakas nang paulit-ulit sa likod niya.

"Be quiet, or I'm going to k*ll you," seryoso niyang sabi na may halong pangbabanta.

Natigilan ako sa paghahampas sa kanya at natulala ako. Parang nabingi ako sa huli niyang sinabi at pinagpawisan ako ng malagkit. Anong klaseng tao ba talaga siya?! Hindi ko alam kung mananahimik na lang ako o mag-pupumiglas pero ayoko pa naman mam*tay.

Kumusa na 'yong sarili ko mag-padala sa kan'ya hanggang sa pinasok niya ako back seat ng kotse niya. Tang*nang lalaking 'to! Wala ba 'tong manners?! Hindi man lang ako pinasok nang maayos parang labag sa loob pa niya na pinasok niya ako rito as if na gusto ko naman!

"B*set ang sakit," bulong ko sa sarili ko habang hawak-hawak ko ang bandang pwetan ko habang nakapikit.

Parang nabali ata likod ko ha? Nagulat ako nang hinawakan niya ang paa ko at hinatak palapit sa kanya.

"HOY! BASTOS KANG B*SET KA!!" Tatadyakan ko sana siya kaso masyado siyang mabilis kumilos at biglang hinawakan nang sobrang higpit ang paa ko.

MAWAWALA NA BA PAGKA BIRHEN KO NITO?! HINDI PWEDE LUBOG PA AKO SA UTANG!! Napalunok ako nang mas lalo niyang hinatak ang paa ko hanggang sa nakapatong na sa hita niya. Bahagya siyang nakaluhod sa pagitan ng hita ko at matalim ang tingin sa akin na dahilan para umiwas ako ng tingin.

"Look into my eyes." Nagsitaasan ang balahibo ko kung paano niya sabihin 'yon.

Mabagal na nangbabanta.

"You didn't answer my question earlier." Ha? Anong tanong wala akong matandaan teka bakit naba-blanko utak ko!

My eyes widened when he held my chin and forced me to look at him.

"LOOK AT ME." Napalunok ako nang sobrang lapit ng mukha niya sa akin.

DIVINE GUMALAW KA NAMAN! BAKIT HINDI KA MAKATANGGI SA KAMAY NG BUS*T NA LALAKING 'TO!

"This is the last time I'm going to tell you, pay me 3 million, RIGHT NOW." Napapikit-pikit ako sa sinabi niya.

Parang kinalabit na ako ni Lord na sumama na lang ako sa kan'ya. Hindi ko nga mabayad-bayaran itong utang ko tapos gusto niya pa ngayon ko siya bayaran.

"BITAWAN MO MUNA AKO!" Tinaasan niya ako ng kilay sa sinabi ko at kusa niyang pinalupot 'yong paa ko sa bewang niya na kinagulat ko.

"Do you think I'm an id*ot like you?" Napangiwi ako sa sinabi niya.

Grabi talaga siya! Grabing pang iinsulto ko nakakasakit na!

"Paano kung hindi kita agad nabayaran ng 3 million ngayon?" Tanong ko sa kanya.

Tinignan niya ako ng ilang segundo bago sumagot. Bigla kong nilagay 'yong dalawa kong braso sa dibdib ko nang bigla siyang bumulong sa tenga ko. Bahagya kong naramdaman 'yong katawan niya sa akin kasi nakahiga ako habang siya nasa taas ko.

"Pay me or I'm going to k*ll you, HERE." Nagsitaasan ang balahibo ko sa sinabi niya.

Natulala ako sa kanya nang lumayo siya sa akin pero nananatili pa rin siyang nakaluhod sa pagitan ng hita ko.

"Choose wisely, id*ot."

Natahimik kami pareho ng ilang segundo habang magkatitig. Kitang-kita ko sa tingin niya na anytime papatay*n niya talaga ako!

Kailangan kong makatakas sa bal*w na 'to bago may gawin sa akin na hindi maganda. Nilibot ko ang tingin ko sa loob ng kotse niya pero bumalik din 'yong tingin ko nang marinig ko siyang bumuntong hininga sa inis.

"Why am I always surrounded by fools?" Kitang-kita ko kung paano nag-salubong 'yong kilay niya habang ginulo niya pa ang buhok niya.

Pareho kaming tumingin sa bintana ng kotse nang may kumatok. Ito na ang pagkakataon ko para makatakas.

Sisigaw sana ako nang bigla niyang tinakpan ang bibig ko gamit ang kanang kamay niya. Tumayo 'yong balahibo ko sa batok nang tanggalin niya 'yong belt niya.

Ay p*ta! Ito na ang sinasabi ko! Pumiglas ako sa hawak niya at pilit inaalis ang kamay niya sa bibig pero mas lalo niyang diniinan halos hindi na ako makahinga!

"You can't escape from me." He whispered.

The Billionaire Ceo (ONGOING)Where stories live. Discover now