Chapter 47

80 6 0
                                    

DIVINE'S POV

Pag-pasok na pag-pasok ko sa opisina ni sir Hunter parang gusto ko na lang bumalik sa Maldives. Sobrang daming tambak ng mga documents na kailangan ko pang ayusin, tignan 'yong mga appointment, at 'yong mga contact ng mga client. Tatlong araw lang akong nawala parang pang isang linggo na 'tong tambak.

Buntong hininga akong dumeretso sa desk ko at inayos 'yong mga documents sa gilid. Mukhang nalilinis at naaalagaan itong office ni sir dahil malinis at literal na walang alikabok kang makikita.

Kaysa mag-inarte ako rito sisimulan ko na lang ito isa-isa para kahit papaano ay nababawasan 'yong mga documents. Napatingin ako sa desk ni sir Hunter habang nag-sisimula na ako nakakapanibago paa kapag wala siya rito, walang asungot sa buhay ko. Maya-maya ay may biglang pumasok nang hindi man lang kumatok. Pag-silip ko ay bumungad sa akin si kuya Zavier at deretsong umupo sa couch. Mag-tatanong na sana ako kaso may biglang sumunod sa kan'ya.

Sir Dean?

"Here you are again giving me a fucking silent treatment?" inis na sabi ni sir Dean.

Ngayon ko lang ulit nakita si sir Dean halos linggo ko na ata siyang hindi nakikita at 'yon ang pinagtataka ko. Pinapanood ko lang sila mag-talo habang nag-trabaho sa gilid at mukhang hindi rin nila ako napansin.

"Why did you just let him leave alone?! Do you know how dangerous-" Biglang umangat 'yong tingin ko nang huminto sa pag-sasalita si sir Dean. Nagulat ako dahil may nakapasok sa bibig niyang papel at si kuya Zavier ang may gawa.

"F*ck?!" inis at gulat na sabi ni sir Dean nang tanggalin niya 'yong papel na nasa loob ng bibig niya.

"Pwede bang tumahimik ka?" walang ganang sabi ni kuya Zavier at nag dekwatro.

Ano na naman kaya pinagtatalo nilang dalawa? Parang sobrang seryoso naman 'yong pinag-uusapan nila. Dapat lang ba ako manood? Parang nakakatakot kapag nag-salita ako rito. Nawala nga 'yong isang nakakatakot pero parang naging dalawa na?

"Fuck you," irap na sabi ni sir Dean.

"HEY!" Sabay-sabay kaming lumingon sa pintuan nang may biglang sipain pabukas 'yong pintuan. Mas lalo akong nagulat nang makita ko sina sir Onyx at sir Maximus. Anong ginagawa nila rito? Buti wala si sir Hunter dahil maiinis lang iyon kapag pumunta sila rito nang walang dahilan.

"Where's our dear hunter?" natatawang tanong ni sir Onyx. Nakita kong bumuntong hininga si kuya Zavier at umupo si sir Onyx at Maximus sa tabi ni kuya Zavier. Bakas na mukha niya 'yong inis lalo na't umupo si sir Dean sa hita nila.

"He let him leave, ALONE," mariing sabi ni sir Dean.

Pinagmamasdan ko silang nagtinginan sa isa't-isa.

"WHAT?!" sabay-sabay nilang sigaw maliban kay sir Dean at kuya Zavier.

Si sir Hunter ba pinag-uusapan nila? Anong ibig nilang sabihin na hinayaan ni kuya Zavier na umalis si sir Hunter? Business trip iyon ni sir Hunter.

"Where's Divine?" tanong ni sir Maximus. Sa sobrang busy nila mag-talo hindi na nila ako napansin.

Kumatok ako ng dalawang beses sa table ko at sabay-sabay nila akong nilingon. Para silang nakakita ng multo nang nakita nila ako maliban kay kuya Zavier. Ngumiti ako sa kanila at kumaway pa, 'yong ngiti ko na parang naiilang pa. Ngayon ko lang kasi talaga sila nakita ulit.

"Oh..." napapikit-pikit pa si sir Dean at umiling at sabay ngiti sa akin.

"Oh our dear, Divine," natatawa sabi ni sir Onyx sabi.

Anong meron at bakit sila kinakabahan na ewan nong nakita nila? Lakas nitong mga kaibigan ni sir Hunter.

"How have you been?" tanong sa akin ni sir Maximus.

"I heard you and Daddy Hunter went on vacation," birong sabi ni sir Dean at tumawa pa nang ma-realize niyang tinawag niyang daddy si sir Hunter. Buti na lang talaga wala si sir Hunter dito kung hindi baka pinag-lalamayan na siya.

"F*CK!" hiyaw na sir Dean nang bigla siyang itulak ni kuya Zavier. Gulat na gulat akong tumingin kay sir Dean na ngayon ay napaupo sa floor dahil napalakas 'yong tulak ni kuya Zavier.

"The fuck is wrong with you?" iritang sabi ni sir Dean at tumayo habang inaayos niya 'yong trauser niya. Hindi na pigilan ng tatlo at tinawanan nang malakas si Dean kahit ako ay pinipigilan kong huwag tumawa dahil sa itsura ni sir Dean.

Napapailing na lang ako sa kanilang apat at tinuloy ko na lang ulit isa-isahin itong tambak na documents habang sila ay panay asar kay Dean.

Halos ilang oras ang lumipas at sa wakas natapos ko na din. Napapikit ako sa ginhawa habang nag-uunat buti na lang umalis na 'yong apat at naging tahimik itong office ni sir Hunter. Habang nag binabasa ko kanina 'yong mga appointment walang tigil sa reklamo itong si sir Dean at panay sisi kay kuya Zavier dahil hindi man lang daw sinamahan ni kuya Zavier. Minsan nga nag-tataka na ako kung sino ba talaga pinsan ni sir Hunter si sir Dean ba o si sir Maximus.

Kasi kung umasta si sir Dean akala mo kadugo si sir Hunter.

Napapailing na lang ako habang inaayos na 'yong mga papers at tinabi sa loob ng filing cabinet ni sir Hunter. Nang natapos na ako agad akong lumabas ng office at ni-lock na din 'yong office ni sir Hunter.

"Hatid na kita," nagulat ako nang may biglang nag-salita sa likod ko. Nang ma-lock ko na 'yong office ni sir Hunter agad akong tumingin sa likod ko. Nakita ko si sir Hunter na nag-lalakad palapit sa akin.

"Tara na," dagdag niya pa at tumango na lang ako.

Ngayon ko lang napansin na halos wala na palang tao masyado ata akong nag focus kanina at hindi na napansin 'yong oras. Mukhang nag-overtime pa ako 'di oras. Kung nandito lang si Sir Hunter, sasapian na naman siya ng pagiging o.a. Parang nagdagdag lang ng ilang oras, kung mag-react akala mo isang taon akong hindi humihinto sa pagtatrabaho.

Tahimik lang kaming dalawa habang palabas na ng building bali siya 'yong nauuna mag-lakad habang ako ay nasa likod niya. Sinenyasan niya akong pumasok sa kotse ni sir Hunter nang buksan na niya 'yong pintuan ng kotse. Oo nga pala, pinayagan siya ni sir Hunter na gamitin 'yong kotse.

"Tang*na mo!"

"Tang*na mo rin!"

Pag-pasok na pag-pasok ko nagulat ako nang may nag-mumurahan. Pag-tingin ko pa lang sa rear mirror nagulat ako nang makita ko si sir Dean at sir Onyx kung saan ay magkabilaang nasa bintana, habang si sir Maximus ay pinag-gigitnaan nila. Tumingin ako sa likod at nakita ko si sir Maximus na nakapikit na parang pagod na pagod na sa dalawa habang naka cross arm siya.

"Bakit ka ba inis na inis? Ako ba 'yong tumulak sayo?" takang tanong ni sir Onyx.

Tama ba naririnig ko? Hindi English?

"So? Nakita pa rin kitang tumawa nang malakas!" inis na sabi ni sir Dean. Tumingin siya sa bintana na parang bata na akala mo ay inagawan ng laruan.

"Bakit kay Maximus hindi ka na gagalit?!"

Natigilan lang sila sa pag-tatalo nang biglang paandarin ni kuya Zavier 'yong kotse.

"Tignan mo 'tong bastos na 'to, wala nga si boss pinalitan mo naman," inis na sabi ni sir Dean.

"Mananahimik ka ba o hindi?" sabi ni sir Maximus. Hanggang rito ay ramdam ko 'yong pag-pigil ni sir Maximus kay sir Dean. Parang anytime masasap*k na niya si sir Dean sa inis. Inirapan niya lang si sir Maximus at tumingin na lang ulit sa bintana.

Isang himala na narinig ko silang nag tatagalog kasi sa tuwing nakikita ko sila puro english ginagamit nila bukod tangi lang si sir Zavier 'yong nag tatagalog.

"Marunong pala kayo mag-tagalog?" taka kong tanong.

"Wala si boss," sabi ni sir Onyx na kinatawa ko naman.

Takot na takot kay sir Hunter, huh?

"Dumudugo na nga ilong ko diyan kay sir Hunter," dagdag ni sir Dean.

"Edi mag-tagalog na lang kayo ako bahala," sabi ko at kinindatan sila. Medyo nagulat pa sila at tumawa habang naki pag apir pa sa akin.

"Nice one, Divine!"

The Billionaire Ceo (ONGOING)Where stories live. Discover now